Chapter 1

18 0 0
                                    


Pumapasok sa aking ilong ang usok ng mga dahong sinusunog ni Mama. Ilang beses ko nang sinabi sa kanya na makakasama ang pagsusunog sa Ozone Layer pero palagi nya lang ako sinisigawan at sinasabihang "Kesa kinukulit mo ko sa mga pinagsasabi mo na yan, maglinis ka na lang ng bahay, matutuwa pa ako!". Tagaktak ang pawis ni Mama sa pagwawalis habang si Ate naman ay nakahilata sa sofa at kinakalikot ang kanyang cellphone, malamang kachat nanaman ang boyfriend nyang si Kurt. Buti nga umuwi pa si Ate sa bahay dahil halos sa isang lingo, dalawang araw lang ang inilalagi nya dito sa bahay. Palagi syang nasa bahay ng boyfriend nya kaya yun kami lang lagi ni Mama dito sa bahay. Nakakarindi ang bunganga ni Mama dahil pati ang kabwisitan nya kay ate ay sa akin naibubuhos kasi ako lang ang kasama nya dito sa bahay. Dumiretso ako sa kusina at naglagay ng gatas sa aking baso na may nakasulat na "Everything is YOU." Ewan ko dun sa kaklase ko na si Jonas. Binigyan nya ako ng baso noong Christmas party namin kahit di naman ako ang monita nya. Nahiya ako dahil wala akong regalo sa kanya kaya binigyan ko sya ng isang plastic ng candy na may lamang Hawhaw, Champi, Monami at Vfresh. Binili ko lang yun sa tindahan ni Aling Sheri, wala naman kasi akong pera nun dahil naubos ko na sa pagbili ng Stick-o. Balik tayo sa realidad, pagkatapos ko maglagay ng gatas sa aking baso, kinuha ko ang aking laptop na sira na ang speaker at may basag na ang screen dahil sa natalunan ito ng pusa naming na si Kali. Pumasok ako sa kwarto ko at nilock ang pinto. Binuhay ko na rin ang laptop ko. Agad kong binuksan ang bagong nobela na sinisimulan ko.

"Tatapusin ko itong novel na 'to promise!!!" sinimulan ko na ulit magtipa sa laptop ko. Ang bagong istorya na ito ay tungkol sa isang babae na palaban na kaiinlovan ng isang mayaman at poging lalaki. Oo, alam ko na cliché itong kwento na ito kaya nga tinatamad na ako itong ituloy. Pero iniipon ko ang courage ko para matapos ito.

Humigop ako ng gatas sa baso ko at tinitigian ang laptop ko na parang nakikiusap sa akin na tapusin ko naman itong kwento na ito.

Tik.tok.tik.tok.tik.tok.

"Ugh!!! Wala akong maisip!" nagulat ako ng bigla na lang kumalabog ang pinto ng kwarto ko.

"Bakeeeeee!!! Magsaing ka na! Pagod na pagod na ako sa pagwawalis tapos ikaw wala ka pang kagawa gawa! Aba sobra ka ha! Bilisan mo at nagugutom na ako!" sigaw ni Mama sa labas ng kwarto ko. Oo, Bake ang tawag sa akin ni Mama. As is 'Bah-Keh' at hindi 'Beyk' tulad ng sa pastries. Pede naman kasing Ecca o kaya Becca, ewan ko kung bakit Bake, ang bantot pakinggan. Kaunti na lang Bakekang na. Naalala ko tuloy noong narinig ng isang kaklase ko ang nickname ko, halos patayin nila ako sa asar dahil ang siraulo kong kaklase ay ipinagkalat ang nickname ko. Naging Bakekang ang tawag sa akin ng mga kaklase ko, eh ang ganda ganda ng pangalan ko. Rebecca Hart Torres. Ang lakas kaya maka-foreign actress ng pangalan ko.

Bagsak ang balikat ko na lumabas ng kwarto. Nakita ko si Ate Charrie na feeling prinsesa sa pagkakaupo nya sa sofa samantalang ako naman pinagsasaing ng aming butihing ina. Bakit ba kasi ako lagi ang inuutusan, nakakainis! Sa susunod na buhay ko, sana mabuhay ako bilang isang mayaman at magandang haciendera na dulot ang lahat.

Sinipa ko ang sofa para mapukaw ang pansin ni Ate Charrie.

"Ano ba?! Inaano ba kita, bakit ka nanggugulo?!" halos makabasag eardrums na sigaw ni Ate Charrie sa akin.

"Ikaw naman ang magsaing! Nakakainis! Lagi na lang ako! Wala ka naming kagawa gawa dito sa bahay." Sigaw ko sa kanya. Pero sinamaan nya lang ako ng tingin.

"Sino ba ang inutusan? Ako ba? Diba ikaw? Wag kang magulo baka masipa kita dyan." Nakakabwisit talaga itong feeling princess na ito. Sana sa susunod mong buhay may malaki kang nunal sa ilong mo na tinutubuan ng buhok bilang parusa sa kamalditahan nya.

Padabog akong pumunta ng kusina at nagsaing. Kumuha ako ng marshmallow sa ref at isinalpak ang isang dakot nun sa bibig ko.

Maya maya lang ay biglang may kumalabog sa aming sala. Tumakbo ako papunta roon at nakita ko si Mama na nakaharang sa pinto na parang may ayaw papasukin.

"Victoria, buksan mo ang pinto! Alam naming andyan ka at si Miss De Lucio! Ilabas mo na sya ng wala ng masaktan!" naglalaglagan ang pawis ni Mama at nanlalaki ang mata.

"Rebecca! Pumasok ka sa kwarto mo! Bilisan mo!" kaagad naman akong tumakbo papunta sa kwarto ko pero may pumigil sa braso ko na Man in Black na long-haired, pwedeng indorser ng shampoo dahil mukha smooth and silky ang buhok.

"Miss De Lucio, wag ka na tumakbo, iuuwi ka namin." Hinila nya ako palabas ng bahay namin. Nakita ko naman si Mama na tulog habang katabi si Ate na ginigising si Mama.

"Anubash! Bitiwansh nyosh ko!"parang alien kong sabi. Nakalimutan ko na puno nga pala ng marshmallow anmg bibig ko. Ibinuga ko ang marshmallow sa mukha ni long-haired. Mukha naman syang napikon kaya lalo nyang hinigpitan ang kapit sa braso ko.

"Radge!Bilisan mo, malalagot na tayo kay Boss." Tawag sa kanya ng kasama nyang chubby na Man in black. Radge pala ang pangalan ni long-haired. Atleast may masasabi na ako sa police report kapag nakatakas ako.

Kinarga nya ako na parang sako at ipinasok sa loob ng isang black na kotse. Yung totoo? Kulto ba sila ang hilig nila sa black. Hindi kaya iaalay nila ako sa altar dahil virg—ay basta ganun pa ako?! Nako hindi pede madami pa akong pangarap sa buhay, magpapublish pa ako ng sarili kong libro na sisikat worldwide!Waaaaah!!!

Pinaghahamapas ko si long –haired na lalaki. Kailangan ko makatakas.

"Aish!Ano ba?! Tumigil ka nga! Charles! Ammonia bilis!"may iniabot na panyo si chubby at inilagay naman yun ni long-haired sa ilong ko. Pinagtatadyakan ko sya pero unti unti na lang lumabo ang paningin ko.

Sana maging ipis ka sa susunod mong buhay long-haired man.

Not an Ordinary StoryWhere stories live. Discover now