Chapter 5

4 0 0
                                    


Maaga kaming pumasok ng school pero tulad kahapon, sa may labas ng EU ako bumaba. Nagrequest rin ako kay Dad na kung pedeng magbike na lang ako bukas papunta sa EU since malapit lang naman sa mansion.

Pagpasok na pagpasok ko sa campus, may mga babaeng nakatingin sa akin. Nakakatakot kasi para nila akong kakatayin ng buhay.

"Hey you!"napapitlag ako ng may humila ng buhok ko.

"Aray!Ah-aray! Ano ba?!"si Harley pala yung nang gagabot sa akin. Anong kasalanan ko dito?

"What is this?! Siguradong nagmakaawa ka sa kanya para lang isabay sa kotse nya! Ugh! Ang landi mo kakalbuhin kita!" Pinakita nya ang picture na pasakay ako sa kotse pauwi. Kita sa picture na binuksan ni Shitzu ang pinto. Ugh, kahit kalian Shitzu pahamak ka.

"Iyong iyo na yang boyfriend mo, aray!"Sinasabunutan nya pa rin ako. Maya maya ay tumulong na rin ang mga alipores nya. Marami na rin nanunuod sa eskandalo na nagaganap.

"HARLEY!"Napatigil sa pagsabunot si Harley ng may umugong na boses mula sa likod naming.

"Oh? Jonas? Diba sabi ko naman sayo wala kang pag asa sakin."Sabi ni Harley na nakahawak pa rin sa buhok ko.

Lumapit si Jonas sa amin at tinanggal nya ang pagkakasabunot sa akin ni Harley.

"HUH! So ikaw pala ang knight shining armor nyang mangaagaw na yan? Bagong flavor of the month Jonas?"Nang iinis na sabi ni Harley.

"Tumigil ka nga Harley. Hindi lahat ng bagay tungkol sa iyo. Tara na Ria."Hinila na ako ni Jonas.

Nakarating kami sa likod ng building ng Fine Arts. May green house pala dito. Ang ganda. May iba't ibang kulay ng roses. May sunflower at lavender din.

Umupo kami sa damuhan.

"Niligawan ko si Harley nung highschool kami." Napatingin naman ako kay Jonas.

"Hindi ganun ang ugali nya dati. Mabait sya, lahat kinakaibigan nya. Nagbago lang yun noong naging sikat sya dito sa EU. Lumaki ang ulo nya. Tinuring nya akong tuta. Tapos, noong dumating si Radge, binasted nya ako at iniwasan. Hinabol nya ng hinabol si Radge at minsan pa, pinagbabantaan nya ang mga babaeng lumalapit kay Radge." Si Shitzu talaga ang puno't dulo. Kaya pala mukha silang magpapatayan kahapon ni Shitzu. May masama pala silang past.

"Pero diba ang dami naman babaeng naghahabol sayo? Wala ka bang mapili? Hahaha." Sa pogi nyang yan? Siguradong babae na mismo ang lalapit sa kanya. Hindi nya na kailangan magtiis sa ugali nung Harley nay un.

"May isa kasi akong babaeng gusto. Nangingiti ako tuwing naalala ko sya. Iba ang epekto nya sa akin. Palagi ko syang ipinipinta simula noong umalis kami ng probinsya. Simula bata gusto ko na sya."Nakangiti si Jonas na nagkwekwento at tumingin sya sa akin.

" Ang swerte naman nung babae na yun. For sure aalagaan ka din nun. Ikaw pa! Napakabait mo na, pogi mo pa."Tumawa naman sya at pinisil ang pisngi ko.

"Sa tingin mo magugustuhan nya rin ako? Sana nga."Maya maya naman ay biglang nagring ang cellphone ni Jonas.

"Hello?ANO!? Sige wait lang papunta na ako."Tumayo si Jonas at tumingin sa akin.

"Sorry Ria, may emergency lang. Una ka na sa room. Ssabihin mo sa akin kapag ginalaw ka ulit nina Harley ha?" Tumango naman ako at ngumiti. Tumakbo na si Jonas paalis.

Not an Ordinary StoryWhere stories live. Discover now