"Ms. De Lucio, dinner na po. Bumaba na raw po kayo sabi ni Don De Lucio."tawag sa akin ng isang maid. Parang kanina lang hiniling ko na maging haciendera ako na idudulot sa akin ang lahat, bakit ngayon parang pinagsisisihan ko? Sasabog na ata ang utak ko kakaisip kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon. Para akong pinaglalaruan ng tadhana. If there are divinities, will you please explain what is happening to me? Ako ba ang napagtripan nyo sa mga kapanahunan na ito?
Bumaba na ako sa grand staircase suot suot ang isang spaghetti strap at shorts na may design na hello kitty. Bakit ba? Dito ako kumportable. Ito lang ang nakita kong kumportable sa dressing room nung kwarto ko daw. Yes, may dressing room at puro branded na damit ang nandun at ewan ko kung bakit may naligaw na isang hello kitty na shorts dun.
Habang pababa ako, napapatingin sa akin ang mga guards tapos biglang iiwas ang tingin. Nakarating ako sa dining room na may 8 seater table na puno ng pagkain na ngayon ko lang nalaman na nageexist. Mukhang masasarap lahat pero di ko alam kung makakakain ka sa sobrang shock sa mga pangyayari.
Pagupo ko ay dumating si Shitzu. Napatingin sya sa akin at napakunot ang noo. Umupo ako sa dulo na katapat ni Don Antonio. Si Shitzu naman ay nananatiling nakatayo.
"Oh my dear daughter, ang saya saya ko dahil makakasama na kita sa hapagkaininan. Kung may gusto ka pang ibang pagkain sabihin mo lang sa maids and they will get it for you."sabi ni Don Antonio
"Salamat Don Antonio."nagpout naman si Don Antonio.
"Drop the Don Antonio, just call me Dad."tumango naman ako at ngumiti naman sya. Napatingin naman sya kay shitzu na nakatayo pa rin na nakatingin sa akin at nakakunot ang noo.
"Radge, what are you waiting for? Let's eat." Sabi ni Dad. Goshy, naninibago akong tawagin na Dad ang isang tao na ngayon ko lang nakita at nakilala. Tinignan ko naman si Shitzu at tinaasan ng kilay na kasalukuyang nakakunot ang noo sa akin.
Hinubad ni Shitzu ang kanyang coat at lumapit sa akin. Lalo naming tumaas ang kilay ko. Isinuot nya ang coat nya sa akin at ibinutones hanggang sa matakpan ng ayos ang dibdib ko. Niluwagan nya ang itim nyang necktie at umupo malapit sa akin.
Umugong naman ang tawa ni Dad sa buong dining room.
"Hahahahahaha! Radge, I didn't know na conservative ka pala. Hahahahaha! I thought you are the type of man na mahilig sa babae but I think I am wrong. Hahahaha! Let's eat now." Ngayon ko lang narealize na kaya pala nakakunot ang noo nya kanina sa akin ay dahil sa suot ko.
Inilapit naman ni Shitzu ang mukha nya sa akin. Napaatras naman ako.
"Wag kang magassume na concerned ako sayo. Naalibadbaran ako sa itsura mo."para naman akong nagka aneurism sa narinig ko. Umakyat lahat ng dugo sa ulo ko sa inis.
"Excuse me! Makinis ako kahit morena ako at maganda ang hubog ng katawan ko. Tss. Siguro bakla ka kaya ka naalibadbaran." Kumuha ako nang seafood na ngayon ko lang nakita at inilagay sa plato ko. Tumikim ako nito at parang gusto ko nang ilagay lahat ng serving nun sa plato ko.
"Gusto mo bang patunayan ko sayo na di ako bakla?"Nabulunan ako sa sinabi ni Shitzu. Tinignan ko naman sya ng masama.
"Woo, lahat ng mga paminta ganyan ang sinasabi. Hanggang salita at pagbabanta ka lang I know. Don't worry, kung aamin ka sa akin na bakla ka magiging mabait na ako sayo." Sumama ang tingin nya sa akin.
"Wait after this dinner at papatunayan ko sayo."nanggigigil na sabi ni Shitzu.
"Sus, umamin ka na kasi."Napatayo naman sya.
YOU ARE READING
Not an Ordinary Story
Teen FictionMinsan maraming nababago sa isang kisap mata lang.