Second Chapter

277 8 0
                                    

SECOND CHAPTER

 

 

6th day.

Natapos ang dalwang araw ng pahinga. At ito ako ngayon, pangalawang linggo ko na, Kahit nakabendahe ako e pumasok pa din ako kasi paso lang naman yun e. ang OA lang ng balot ko pero ngayon presentable na sya. Kasi yung nurse na yung naglinis at nagbalot kaya yung mismong paso nalang yung natatakpan ng benda.

Sa pamamalagi ko dito, ngayon ko lang na-realize na medyo may pagka-slow pala ako. Grabe? Isang linggo na ‘ko dito at hindi pa din ako nakakapag-adjust sa office na ‘to para kasing laging may bago? Parang laging hindi ako makasabay? Anung problema? Sila? O ako? Kahit ganun pa man, naumpisahan ko na rin naman, kelangan ko nang tapusin ‘to at para naman gumaan ang araw ko, umpisahan ko  ang linggo ko na goodvibes.

Maaga ako pumasok. Gusto ko mauna ako para magawa ko naman ang dapat kong gawin. Nang makapag-isip isip pa ko. Natotonta na kasi ako minsan sa mga nanyayari dito.

Paakyat na ko nun. Asa 2nd floor kasi yung office namin eh. May nakasabay akong babae, paakyat na di sya. Agad ko syang nginitian, ewan ko nga e naging automatic at natural na yang ugali sakin e. Nung mga nakaraang araw nagiging palangiti na ko, mas madami na kasi yung nakakasalimuha ko dito. Mabuti din pala tong bakasyon ko. Sa bahay kasi namin puro gadgets lang lagi kong hawak, may kalaro mang iba, yung aso ko lang. Yun ang nakasanayan ko. Atleast dito, totoong tao naman.

Papasok na sana ako ng door. Nung mapansing papunta din sya dun sa office namin.

"Hija, ikaw ba yung nag-susummer job dito samin?" tanong nung babae.

Kahit medyo nagulat napatango at sumagot ako, "Opo. Ako po naka-assign dun sa taas." parang alam ko na kung sino sya e.

Nginitian nya lang ako habang sabay kami pumasok sa office. Hindi nga ako nagkamali sya yung assistant ng supervisor ko. Nung tinignan ko sya, napansin kong sya’y may idad na din pero hindi naman katandaan parang halos kaidad nga lang nya si Ms. Hannah.

"Alex? Paki buksan mo muna yung mga dapat buksan." nakangiti nyang sabi pagkapasok namin, alam ko  na yung tinutukoy nya. Yun naman yung ginagawa ko nung nakaraang linggo e. Medyo nagtaka pa ako kung bakit nya ko kilala pero siguro naikwento na din ako sa kanya kaya ganun ginawa ko na yung inutos nya. Kasama na rin ‘to sa routine ko every morning. Ang mag switch on ng mga gamit dito.

Sya nga pala si Ms. Rose, feeling ko naman makakasundo ko sya. Wala lang magaan ang loob ko sakanya gawa siguro na smiling face din kasi syang tulad ko kaya madali makakuha ng loob. Nagkwentuhan kami, tinanung nya lang kung anu ginawa ko nung wala pa sya. At sinagot ko naman. Tinanung nya din ako kung anu nanyare sa kamay ko. tinawanan nya pa ko nung kinuwento ko yung nanyare sa kamay ko, bakit ko daw piniprito?

Sandali lang kami nag-kwentuhan pero parang ang dami kong nalaman sa kanya, ganun siguro pag magaan yung loob mo sa isang tao. Nalaman ko nga sa kanya na kaya pala sya naka leave kasi nag-kasakit sya at isang linggong asa hospital. Kaya pala medyo matamlay pa sya at may kapayatan.

38th Day of Summer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon