Alex's 38th Day

530 18 6
                                    

38th Day

 

1am na.

 

RON’s POV

 

Itong chapter na ‘to e. especially made for me kasi 37 days lang naman ang asa kontrata ni Alex e. Ako na gagawa at Magtutuloy ng 38th day nya.

Kababa lang nung phone at ganun pa din sya kausap. Magulo. At parang batang nagmamaktol. Basta kelangan nya pumasok bukas. Kelangan ko ipaintindi sa kanya lahat.

Yung batang yun talaga malapitin sa disgrasya e. naalala nyo yung pumasok syang nakabalot yung kamay nya? Napaso daw sya. Anu ba yan. Ang laki nya na hindi pa rin marunong magluto kahit prito?

Tas naalala nyo ba yung nadulas sya at muntikan ng mag roll over dun sa bangin? Kinabahan din ako dun huh. Muntikan ko na mabitawan phone ko sa sobrang taranta ko. Buti nalang talaga nahawakan ko sya. Ganda ng eksenang yun. Nahulog sya. Pero nasalo ko.

Ayan tuloy feeling ko hero nya ko e. kasi lagi ko nalang nakikita pag nadidisgrasya e. pero mali din talaga lagi yung timing ko minsan e. Naalala ko tuloy yung itsura nya nung nagsasalita sya sa stage kanina. Sabi ko kasi i-text nya ko e pero sabi nya ok na daw. Nagsinungaling pa sya. Ay naniwala naman ako. Kala nya kasi si Rod ako. Ay grabe ang wala talaga ako hulog talaga. Hindi ko papala nasasabi sa kanya. Basta bahala na.

Ito namang si Rose kung hindi pa tatawagan e. Hindi talaga ako rereplyan. Tinawagan daw sya ni Mavic at hindi rin sya makakapunta. SHIT! 7pm na. buti maayos naman yung damit ko kaya lumarga agad ako.

*FLASH BACK*

 

Saktong pagpasok ko sa Venue. Sinasabitan na si Alex ng sash? Anung meron? pageant ba to? Pero hindi e. napaupo muna ako sa sulok ang haba ng tinakbo ko e. nakikinig lang ako. Anung meron bat pinapaspeech si Alex?

“Nung nagdecide akong pumasok bilang SJ e sobrang excited talaga ako kahit medyo kinakabahan. Feeling ko kasi parang first day din sa school, yung wala kang kakilala at kelangan mo makisama sa iba. Nung First Day ko, I Didn’t fail to have new friends with my co-mates. Mababait sila at hanggang ngayon kasama ko pa din sila pero hindi lang pala dun natatapos ang lahat, part lang sila ng naging summer blues ko. Nung Pumasok ako sa office na inassign sakin e. Dun lang.. Dun lang.. *Sob* Dun ko pa lang nag uumpisa ang summer moments ko *sob*. At age of 17 that time e. naencounter ko ang Iba’t ibang ugali sa real world. Ganito pala talaga? Hindi mo pwede makasundo ang lahat, Hindi mo pwede iplease ang iba kung ayaw talaga nila. In about 37 days of staying here, I really tried to cope up with these Nega attitudes.. I tried. I really tried to.. *sob* but as of this moment. I realized that in the end, I still failed. Failed to feel that I am once belonged to their clan.”

Umiiyak nanaman sya. Sabi ko wag na sya umiiyak e. grabe ganyan pala naging buhay nya samin. Naguilty naman ako. Kahit wala naman akong kasalanan. Saviour nya kaya ako. Shh.. makikinig ka Ron.

“Siguro.. Siguro.. Napansin nyong wala akong kasama tonight for this event dahil kasi hanggang ngayon.. wala lang ako sa kanila..(I smiled bitterly). Hindi ko alam kung anu ang mali sakin. Siguro nga hindi lang kasi ako marunong makisama.. Wala kasi akong kwenta. Tsk. Tsk. For 37 days, I know I really messed a lot.. I almost put their office in trouble everytime I failed on my Task But.. Mistakes are just part of this right? Lahat naman nagkakamali e. kahit naman sila.  *sob* Pero bakit pag mali ako? Parang they put all the blame on me instead of letting me understand that I made a mistake and learn from this. Yeah. Sometimes maybe I look so weak. Weak because in their eyes. In their eyes.. I am just a kid who made nothing but a mistake.. They never appreciate me when I done something good.. The only thing they can see is.. When I got failed. *SOB*.”

38th Day of Summer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon