FIRST CHAPTER
1st day
AHHHHH!!! Panaginip lang pala. Anu bang drama yun? Hindi ko talaga maintindihan, ang weird nun. Napatingin ako sa paligid! Nanibago ako.. alam ko na! wala nga pala ako sa bahay namin! Asa probinsya ako. Bakit nga pala ako nandito?
Mahabang kwento yun, pero para mapaiksi at maiintindihan nyo na rin, pinapunta ako dito bigla dahil sa sobrang tigas ng ulo ko at napakatamad ko daw. Hindi ko alam kung panu naging matigas ulo ko e, at normal lang naman mag-pahinga pag summer, pagod lang naman kami sa isang taong pag-aaral. Hindi ba nila maintindihan yun? Wala naman silang masasabi sa mga grades ko. Pinapunta ako dito para naman maiba yung mundo ko. Mula sa Maynila pinapunta akong probinsya. Hindi ko alam kung ano talagang naisipan ng parents ko, kesyo para naman daw kahit paano makita ko yung naging buhay nila dito sa probinsya! So, ito pala naging buhay nila, ang mag-isa sa kwarto at mas pipiliin wag lumabas para hindi mainitan at madumihan? O di kaya kausapin ang sarili nila? Kabagot ng sobra!
Bakasyon ngayon. Ang mga kaibigan ko ay malamang nag kanya-kanya ng punta sa bakasyon nila. Ako? Ako ito, magtratrabaho daw ako dito. Tama! At First day ko pala sa trabaho ngayon. andito nga pala ako para magtrabaho. Anung oras na?
8am. Lintek! Late na ko. Bilis!!! Malas naman! Malalate ako e first day ko!
Sa bahay na ‘to ang tanging makakasama ko lang ay ang yaya ko. Sa totoo lang, hindi din naman nya ako masyadong inaasikaso, utos din yun malamang nila papa, para matuto din daw akong kumilos sa bahay. Ay ewan! Parusa talaga ‘to.
Tumatakbo akong pumunta sa personnel office yun kasi ang bilin sakin na puntahan sa first day ko. First time ko pumunta dito, sila papa din kasi ang nag-ayos ng mga papeles ko. Planado talaga ‘tong lahat. Hindi nakapagtatakang medyo naligaw pa ako. Maswerte pa rin at hindi pa sila nag-uumpisa. Mukang ako ang huling dumating. Bad start talaga kung sakali! May orientation daw kasi kami. Syempre, normal lang yan. First day eh.
Sa totoo lang, kinakabahan ako. kinakabahan ako kasi bagong lugar, may mga bagong tao, wala ka pa akong kakilala saka hindi ko pa maintindihan yung ibang salita nila. Natural lang naman yun dahil hindi naman ako taga-dito.
20 pala kaming sabay-sabay mag-uumpisa. Wow! Kung nagkakataon magkakaron pa ko ng bagong kaibigan. Maging magandang bakasyon sana!
“Hello ako nga pala si Alexandria Kusin. Alex for short.” medyo hinihingal na pakilala ko. Muka naman silang mababait kaya susubukan ko din maging mabait. Wala pa yung mag-aassist samin at may oras pa kong kilalanin sila. Kahit paano na-excite tuloy ako atleast may mga makakausap na ‘ko.
“Hi! Ako naman si Jorry.” Pakilala nya tas hinawakan nya yung buhok ko. “Wow ang cute ng buhok mo, Alex! May nakapagsabi na ba sayo na muka ka pang koreana?” sabi nya pa.
Hindi ko maiitindihan kong paano naging cute yun, e tinali ko nalang yun ng basta dahil late na ko. Messy hair style, simpleng jeans at pink long sleeves nga lang din yung suot ko e. weird lang siguro sya, o wala lang sya masabi, o para may masabi lang. kung alin man dun, gusto ko sya! Muka syang mabait.
