Third Chapter

267 9 0
                                    

THIRD CHAPTER

 

11th day

Monday again.

Ayan natapos ko na ung unang sampung araw dito. At medyo nasasakyan ko na mga ugali nila. Nasasakyan pero hindi ibig sabihin nun e naging sunod sunuran na ko sa kaek-ekan nila pero dahil may alam  ko sa sistema nila. Nakakasunod na ko kahit papano.

Sabi nila maldita daw ako? Pero dito hindi ko man lang mailabas yung kamalditahan ko. Ewan ko ba, dapat ba ako mabilib sa sarili ko at napapahawakan ko pa yung ugali ko. Sabagay, kung papatol ako, malamang sa malamang magiging tulad ko na rin sila. Habang kaya ko silang ngitian, ginagawa ko para iwas gulo. Hanggang kaya kong iwasan e, iiwasan ko pero minsan kakaiwas ko, napahamak pa ako..

It’s Monday morning. Nasa field nanaman ako ngayong araw na ‘to. Kaya ang gaan-gaan nanaman ng araw ko dahil hindi ko nanaman sila makikita. Ang lapad nga ng ngiti ko pag ganitong nasa labas ako e. Kahit mangitim pa ko. Ok lang! Summer e. Lakad dito. Lakad dun. Mas maganda talaga ‘to kesa nakaupo ako dun at hintaying utusan nila ako.

So, ito na nga.. Anung meron sa lunes ko?

Naglalakad ako nun, at may natatanaw ako. Major Alert! Alert!

Anung ginagawa nito ni sir Ron dito? Makakasalubong ko pa ata ‘to at pangiti-ngiti pa talaga tong tsismosong to. Anu sya? Baliw?

Nasa isang gutter ang dinadaanan namin.  Hanggang ngayon ay galit ako sa tsismisong yan. Umiiwas ako nung mga nakaraang araw at yun din ang gagawin ko ngayong araw na ‘to. Malapit na kami magsalubong at ayoko talaga syang pansinin.

*Usog sa gilid, Usog sa gilid*

Malapit na sya, malapit na kami sa isa’t-isa. Bakit ganun? parang umusog din sya, pero hindi palayo kundi palapit sa gilid ko. Sa diresyon ko sya mismo papunta. Gusto nya ko mapahamak. May bangin dito sa gilid ko e. Pinapahamak nya ba talaga ako? Anu kaya naisipan nyan at sinisiksik pa nya ko lalo malapit sa bangin.

Ayan na. In 3, 2, 1…

“Mamaaaaaaaaa!” napasigaw ako ng maramdaman kung dumulas yung paa ko. Sobrang ramdam kong mahuhulog talaga ako. Napapikit na ‘ko. Syempre andun yung feeling ko mamatay na talaga ako eh. Nang may humawak sa bewang ko parang nag slow motion pa bigla e.

Ramdam ko yung kamay nya sa bewang ko, Teka. Yung taba ko. Nag-galawan din, na-concious  sa pagkakahawak nya. Oo, Nakahawak sya sa bilbil ko. Joke lang.. Nakahawak sya sa sa tyan ko. Dyan nya ako hinawakan nung mahuhulog na ko.

Kala ko ikakamatay ko na kasi mahuhulog ako dun sa bangin sa gilid ng gutter. Bakit kasi walang harang dito e. Delikado ‘to! Ako pa talaga ang masasamplelan?

"Ok ka lang ba?" tanung nya yan. Nakaayos na din akong nakatayo medyo nanginginig pa ako dahil dun.

38th Day of Summer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon