Entry #4 Ito ang Pagibig by maegami

316 8 1
                                    

Ito ang Pag-ibig

Dalawang taon na rin ang nakalilipas nang malaman ko ang kanyang pagbalik. Ang mga madadalas naming pagsaluhan – kanyang kaarawan, pasko, bagong taon, kahit ang maliliit na selebrasyon ay unti-unting naglaho. Ang ika-apat na anibersaryo ay tila naging normal na sa paningin ko. Walang komunikasyon. Kung mayroon man, limitado lamang. Ni kamustahin—kung humaba na ba ang buhok, nangayayat ang pangangatawan o matataas ang mga markang nakukuha niya ay hindi ko nagawa.

Hindi madali ang maghintay sa wala. Mas mabagal ang oras, nakababagot at nakakapagod umiyak na lamang. Pero paano naman ang mga taong tiniis kong mag-isa at walang karamay? Hindi naman masamang umasa di’ba? Hindi naman masamang ipakita na kaya kong manindigan-- na kaya ko siyang panindigan. Nais kong kaawaan ng Maykapal upang ibigay ang isang hiling na inaasam kong makamit.

“Kate, nandito na ko.” Tumawag siya isang gabi matapos ang mahabang paghihintay ko.

Laking pasalamat ko sa Diyos ng mga oras na iyon na kahit sa telepono ay narinig ko ang kanyang tinig. Malaman ko lang na mabuti ang lagay ng taong mahal ko, doble ang sayang nararamdaman ko sa tuwina. Dininig Niya ang mga panalanging matagal ko nang kinikimkim.

“Andrei,” banggit ko sa pangalan niya na tila isang musika sa pandinig ng mga tainga.

“Miss na kita.”

“Miss na rin kita,” sagot ko sabay ang masaganang pagtulo ng luha sa pisngi ko.

Isang buntong hininga ang pinakawalan niya. “Mahal kita, Kate. Dadalaw ako sa bahay ninyo. Mag-uusap tayo.”

Ilang segundo kong nahigit ang hininga sabay ang pagsapo sa ulo dahil nakaramdam iyon ng hilo. Rinig ang malakas na tahip ng dibdib ko.

“May problema ba tayo?” tanging naitanong ko sabay ang pagtangis na hindi maiwaksi.

“Wa-wala naman sa tingin k-ko.” Tila pumalya ang boses niya doon. Kinakabahan ba siya?

“Sige. Ikaw ang bahala.”

Lumipas ang magdamag na ni kahit antok ay ilap akong lapitan. Masyado ko yatang iniisip ang maaring mangyari kinabukasan. Ano ba ang nais niyang pag-usapan? Makikipaghiwalay na ba siya? Hindi pa ba sapat ang paghihintay ko upang matupad niya ang ambisyong nais niyang makamit?

Noong umagang kinabukasan niyon, dumalaw si Andrei sa bahay kasama ang kaibigan niya raw na si James. Kaklase niya ito noong elementarya at bestfriend kung ituring ang isa’t-isa. Pansin ko ngang malapit sila dahil sa kanilang mga kilos at salita.

Pero nagulat pa rin ako nang dumating siya na may kasama. Akala ko ba mag-uusap kaming dalawa? Hindi ba’t may sasabihin siya? Naguluhan ako sa kanyang mga ikinikilos.

Pinatuloy ko pa rin sila kahit bahagyang nasaktan ako sa ginawa niya. Pakiramdam ko ay hindi na niya nirespeto ang kagustuhan kong makasama siya ng kami lamang dalawa.

Pinagmasdan ko siyang maigi. Na tipong nadikit na ang aking mga mata pagka’t ganoon pa rin ang epekto niya sa aking sistema. Napansin kong tinutubuan na siya ng maliliit na balahibo sa kanyang mukha. Namayat rin ang katawan at humahaba na ang buhok niya. Ngunit hindi naman niyon naapektuhan ang mala-anghel niyang pigura. Ganoon pa rin ang mapupulang mga labi. Ang prominente ilong at ang makapal na kilay na siyang pinakanagustuhan ko sa lahat.

Wattpad Short Story Writing Contest 2014 (WSSWC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon