Entry #13 Paminta

187 3 1
                                    

Paminta by Tamara Mekana

*******************************************************************

 

 

 

"Every time the pendulum swings, love shifts to hate . .."

This is our story.

The story of love and hate.

But I assure you, we didn't end up the way it supposed to be .. .

Really, we didn’t.

This is all about the story of my heartaches.

Noong una kitang makita, alam mo bang naghumiyaw kaagad ang puso ko para sayo? Para akong batang nakatanggap ng magandang manika bilang regalo. Nakakatuwa lang isipin na may mga tao talagang sa una palang natin makita ay sadyang magaan na agad ang pakiramdam natin sa kanila. Parang may pilit nagtutulak at pilit bumubulong sayong magiging magkasangga kayo sa lahat ng hamon ng buhay.

Natatandaan mo pa ba na natapilok ako sa gitna ng daan at literal na sinalo mo ako? Ang oras na nagawa mong pumasok sa buhay ko. At mula noon, nalaman mo na may pagkalampa ako.

Sinabi ko sa sarili ko na ikaw ang sagot sa pinaka-frustration ko sa aking buhay. Ang magkaroon ng bestfriend na guwapo, mayaman, mabango, mabait, handa akong ipagtanggol kahit kanino at yung tipong maginoo pero medyo bastos. I used to think that moment is one of my greatest moment in my life. And indeed, it was one. Nasabi ko sa sarili ko na ang bagay na mayroon tayo ang isa sa mga bagay na kahit kelan ay hindi ko pag-sisisihan, umulan o bumagyo man.

"Miss, okey ka lang ba huh? Minsan kasi tumingin sa dinadaanan."  masungit na wika mo.

 

Naka school uniform ka pa noon kaya nalaman ko kung saan kang unibersidad pumapasok. Natuwa ako kase magka school mate tayo. Pero paanong nangyareng noon lang tayo nagkita? Nalungkot pa ako kasi kung nagkakilala sana tayo ng maaga edi sana mas marami pa tayong magagandang ala ala na nagawa.

Hindi ka man lang nagpakilala at basta na lang dali daling umalis. Napakarami mo pa ngang dala noon. Kaya siguro iritable ka. Medyo napika pa nga ako sayo noon, paano ba naman tatanungin mo ako kung okey ba ako pero hindi mo naman hinintay na sumagot ako. Hindi man lang ako binigyan ng panahon na makapag-pasalamat sayo! Tama ba yun? Kasalanan ko ba kung na mesmerize ako bigla sayo? Tsk. Tsk. Pero utos yata ng langit na malaglag ang id mo. Sakto pa na may contact number mo! Kaya imbis na ibigay sa Student's Office ay naki-pagkita ako sa isang café na hindi nagtagal ay naging paborito natin dahil sa masarap nilang milk shake. And at that point, alam kong nagawa ko nang pumasok sa buhay mo.

Wattpad Short Story Writing Contest 2014 (WSSWC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon