Entry #9 Life meets Hell by trafalgirl

244 4 0
                                    

Life meets Hell

By Trafalgirl

08.3.13

Dear Diary,

Alam mo ba dairy kanina habang papauwi ako may isang makulit na matanda na gusto akong hulaan kaso ayoko kasi alam ko naman na ang buhay ko pero napaka kulit niya kaya nagpahula narin ako.Gusto mo bang malaman kung anong sinabi niya?Wag na baka matawa ka din.Pero sige sasabihin ko na,lakas mo kaya sa’kin dairy.Sabi niya kasi masweteng tao daw ako na halos lahat na sa akin na.Nakakatawa no?Sige tawa ka nalang diary.Goodnight!mwuah mwuah chup chup.

-Efil

08.10.13

Dear Diary,

Nakakaumay ang araw na 'to dairy.Naglipana ba naman ang mga couple sa park tapos mga naka-couple t-shirt pa.Ambaduy grabe.Dun pa talaga naglampungan sa park mga wala sigurong pang-check in for motels.Hindi naman sa bitter ako.Alam mo naman diary na ayoko sa mga ganyang kabaduyan e.

-Efil

8.22.13

Dear Diary,

Ang dadrama ng mga kaklase ko.Aba!Naiyak ba naman sila sa kwento ng buhay ko.Ako nga tawa nang tawa habang kinukwento ko.Diary diba nakakatawa naman talaga?Siguro nakalimutan mo na no?Ganyan ka naman e.Kukwento ko nalang ulit sa’yo.Ganito kasi 'yun.Five years old ako when my mother die,akala ko nga nagjojoke lang si mama kasi naglalaro kami nun nang baril barilan.Ayun nga namatay nga ang mama ko,ako naman na trauma at alam mo sinisi ako ng papa ko kung bakit namatay si mama.So si papa naman sobrang nadepressed kaya nabaliw.Sabi sa’yo nakakatwa e.Di ko nga alam kung bakit sila naiyak.Akala mo naman sila ang namatayan.Ge dairy sa susunod ulit.

-Efil

9.14.13

Dear Dairy,

Nakakabwisit!Bakit ganun 'yung ibang tao?Wala na ngang kalaban laban inaapi pa nila.Kakaimbyerna talaga!Napadaan kasi ako dairy sa isang eskinita napunit pa nga 'yung palda ko buti nalang may panty akong suot.Edi ayun nga nasa eskinita na 'ko,may nakita kong batang pilay na inaapi ng walong bata.Kaya ayun pinagtanggol ko 'yung bata.Bait ko talaga dairy hihihi.Naalala ko kasi sa kanya 'yung batang babae na grade 3.Alam mo ba kung anong nangyari sa bata na 'yun?Pinagtawanan ng buong school niya dahil sa suot niya,hindi man lang ba nila naisip na baka walang magulang na nagaasikaso sa bata 'yun kaya ganun ang suot niya.Alam mo ba dairy ang nagawa niya lang ay umiyak at tumakbo sa mga taong mapang-api dahil walang nagtanggol sa kanya.Kaya ikaw dairy wag kang mo kong ibubully kung ayaw mong matapon sa basurahan.

-Efil

10.15.13

Dear Diary,

Halos one month na pala na hindi kita na update.Namiss mo ba 'ko?Kasi ako namiss kita wala kasi akong masabihan ng kadramahan ko.Hindi kita na update kasi naman nagkasakit ako pero wag kang mag-alala tuberculosis lang naman 'yun at saka magaling na 'ko kaya hindi ka na mahahawa.Alam mo mag-isa lang ako sa hospital nun wala naman kasing dadalaw sa’kin tapos nakalimutan pakitang dalhin,sorry ah baka nagtampo ka.Pero alam mo kung saan ako natatatwa?Nung naawa sa’kin 'yung babaeng may taning na ang buhay.Antanga niya grabe!Siya pa naawa sa’kin eh siya na nga 'tong mamamatay na.Hanggang d’yan muna dairy magpapahinga muna 'ko.

Wattpad Short Story Writing Contest 2014 (WSSWC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon