Entry #18 - Bataille du Dela Vegas by chocoboom

224 4 2
                                    

"Bataille du Dela Vegas"

Tumakbo ako ng mabilis palayo sa aking ama. Hindi niya ako maaaring makuha. Hindi niya ako maaaring patayin.

Narinig ko ang boses ng aking ama na tinatawag ako. "Jessa! Bumalik ka dito! Hindi ka p'wedeng umalis! Mayroon akong mga chocolates dito. Gusto mo iyon 'di ba?" Kung noon ay lagi akong napapangiti sa tuwing inaalok niya ako ng chocolates, ngayon hindi na. Iba na ang aking ama. Para siyang sinapian ng isang baliw na espiritu sa kanyang ginagawa.

Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo. Lumiko ako sa isang madilim na eskinita at umupo sa isang tabi. Mukhang naligaw ko na ang aking ama. Sana lang ay hindi siya mapadaan sa lugar na ito. Hindi ko na nakayanan at nag-unahang tumulo ang aking mga luha. Bakit ganoon? Bakit kailangan pang mangyari ito? Naramdaman kong may papalapit sa akin kaya agad kong inangat ang aking ulo. Napakagat ako sa aking labi ng makita ko ang aking kasintahan na si Nick.

"Nick! Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya habang pinupunasan ko ang aking mga luha.

"Umiiyak ka ba?" nag-aalalang tanong niya sa akin. Napailing na lang ako. Maya-maya ay naramdaman kong may yumakap sa akin. "Anong nangyari? Bakit ka umiiyak? Gusto mong tawagan ko si Tito Raul?"

"'Wag!" bigla kong nasambit. Hindi kami p'wedeng makita ng ama ko na magkasama. Ayaw kong madamay si Nick sa kabaliwan ng aking ama. "Bakit naman?" nagtatakang tanong niya sa akin. "Mamaya na ako magpaliwanag. Pumunta muna tayo sa bahay mo," nagmamakaawang sabi ko sa kanya.

Pumayag naman ito at nagsimula na kaming maglakad. Hindi ko pa din maiwasang kabahan sapagkat posibleng makasalubong namin ang aking ama sa daan. Nang makarating kami sa bahay niya ay pumasok na kami sa loob. Sumalubong naman sa amin ang kanyang ina. Nakita ko namang abot-langit ang ngiti nito.

"O! Nandito ka pala Jessa. Halika at maghapunan muna kayo," nakangiting sabi niya sa amin. Ginantihan ko lang siya ng ngiti. Nakita ko namang kumindat ito kay Nick. Ano kaya ang ibig sabihin ng kindat na iyon?

"Tara na Jessa. Alam ko namang kumukulo na din ang tiyan mo," sabi ni Nick at hinawakan ang kamay ko. Nagtungo kami sa silid-kainan. Nakita ko na maraming nakahanda sa mesa. May pakwan at saging. Ang ulam naman namin ay beef steak at fish fillet.

"Nasaan po si Tito Gavin? Halos dalawang linggo ko na siyang hindi nakikita," tanong ko kay Tita Rica.

"Nasa office niya ang tito mo. Mukhang bukas pa siya makakauwi dito sa bahay," sabi ni Tita habang nilalagyan ng kanin ang pinggan ko. Tumango naman ako. "Bakit ka nga pala nandito?"

"Nakasalubong ko po siya daan na umiiyak. Ayaw niya namang umuwi sa bahay nila kaya dinala ko na siya dito," sagot ni Nick para sa akin.

"Mukhang may problema ka yata. Hindi na muna kita tatanungin kung ano iyon, pero kung okay ka na, huwag kang mahiyang sabihin sa akin," nakangiting wika ni Tita.

Nagsimula na kaming kumain ng hapunan. Kahit papaano ay nabawasan na ang kaba ko, ngunit may natitira pa din dahil baka pumunta dito ang aking ama para hanapin ako. Nang matapos kaming kumain ay umakyat na kami sa ikalawang palapag ng kanilang bahay. Pumasok kaming dalawa ni Nick sa kanyang kwarto at umupo sa kanyang kama na parang bulak sa puti at lambot.

"Ayos ka lang?" tanong sa akin ni Nick. "Gusto mo ba ng chocolate?" alok niya sa akin ng Cadbury. Tinanggap ko naman ito.

Napangiti naman ako. Gumaan na ang pakiramdam ko. "Salamat."

"P'wede mo na bang sabihin sa akin kung ano ang problema mo?" Napatigil naman ako sa kanyang tanong. Biglang may namuong luha sa aking mga mata.

"Handa ka bang making?" tanong ko sa kanya. Kung handa siya, sasabihin ko sa kanya ang lahat ng nangyari. May tiwala ako kay Nick.

Wattpad Short Story Writing Contest 2014 (WSSWC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon