Entry #16 Junior

205 3 1
                                    

Junior

"Takbo!" Mas malakas ang sigaw na iyon na dumaig sa nakakabinging wang-wang ng sirena na nagmumula sa patrolya ng pulisya. Wala ring puknat ang malalakas na yabag ng nagta-takbuhang kalalakihan.

  Malamig ang pakiramdam ng likuran niya ng siya ay sumandal sa isang kubling pader upang mag-tago. Madilim ang paligid ngunit matalas ang tingin niya sa bawat sulok ng lugar na iyon, waring sinusuri kung may kasama ba siyang nagta-tago roon at kung may nakasunod ba sa kanya. Laking pasalamat niya na lamang ng malinis ang kapaligiran sa anumang badya ng panganib. Napapunas siya sa kanyang noo na pinamumutilan na ng pawis.

  Hingal at kaba ang ini-hatid ng takbo niyang iyon. Waring may sariling isip ang kanyang mga paa at siya ay nagpa-tangay na lamang dito saan man siya dalhin. Muli niyang nilinga ang paligid. Nasaan nga ba siya? Saan nga ba siya dinala ng kanyang mga paa?

  Nagta-taasang mga talahib, damong ligaw, lamok, kadiliman, huni ng kuliglig at mabahong amoy ang nagsasa-larawan sa lugar. Likod iyon ng isang abandonadong bodega na dating pagawaan ng patuka sa manok.

  Napahinga siya ng maluwag at tila nabunutan ng tinik sa dibdib ng marinig niya ang papahina nang papahinang wang-wang ng sirena. Kasabay noon ang pag-hina rin ng kabog sa kanyang dibdib na dulot ng matinding kaba. Napahigpit din ang hawak niya sa plastic na puno ng mala-tawas na pulbos na siyang dahilan kung bakit siya nagtatago. Droga.

  Ibinulsa niya iyon at inayos ang sarili. Mula sa bulsa niya ay kinuha niya ang isang asul na bonet at isinuot sa kanyang ulo.

  Sa pagla-lakad niya ay rinig ang bawat lagutok ng tuyong sanga na marahil ay nababali sanhi ng kanyang pag-tapak. Doon niya napag-tanto na may kalayuan din naman pala ang bodegang iyon mula sa kalsada.

  Alisto ang mata niya sa bawat dinadaanan, waring sinusuri kung may kalaban sa paligid.

  Dapat lang akong mag-ingat... mahirap na.

  Ang kaninang magulong kalsada ay payapa na ngayon. Wala na ang maingay na sirena, ang tila mga nakikipag-patinterong kalalakihan laban sa mga parak, ang sigawan ng mga inosenteng sibilyan na nilalamon ng takot... lahat ng iyon ay wala na.

  Maigi niyang ini-ayos ang kanyang bonet... ayaw niyang may makakilala sa kanya. Nang makuntento sa ayos ay nagpatuloy siya sa paglalakad at umarteng parang walang nangyaring insidente. Tangan pa rin niya ang pakete ng droga na mainam niyang isiniksik sa pagitan ng kanyang balat at garter ng kanyang pang-ibabang damit.

  Marami na ang nagsabi o nagpayo sa kanya na layuan at ihinto ang bisyo. Marami naman daw na mapag-kakakitaan sa tamang paraan. May ilang nagpayo na magtinda na lamang siya ng balot, ang ilan naman ay mamasukan daw siya bilang kargador sa palengke, may mga nag-alok pa nga sa kaniya na maging janitor sa isang paaralan na malapit sa kanila... Ha! Mabubuhay ako sa sarili kong paraan! Wala ni sino man ang may karapatang mag-dikta sa akin kung ano ang dapat kong ika-buhay kundi sarili ko lang! Bakit, ilang barya lang ba ang kikitain ko sa pagbu-buhat ng mabibigat na gulay sa palengke? Isang daan? Siyento-singkwenta? 'Di na, uy!

Wattpad Short Story Writing Contest 2014 (WSSWC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon