Kailangan mafull-fill ang aking promise kay noona Mei ..
Gagawin kong kontrabida ang GF ng crush ko a.k.a. Chase xDD
Coz I'm so bad bad but I'm so good good .. xDD
==================================================================
[Micah's POV]
2 days na den ang nakakalipas nung nagdate kame ni Chase.
Wala namang bago.
Pero nawala na talaga ng tuluyan yung galit ko sa kanya.
Kahit ako nagulat nung pumayag akong ligawan nya ako.
Kase diba?
Dapat dalagang Pilipina?
(A/C: Wag naaaa !! Si crush na yan boom !! xDD
Ngayon nandito na ako sa school kase nga may training na ulet kame.
"Malapit na nga pala ang acquaintance." ani ni Pana.
Napatungin ako sa kanya.
Ay gaga. Nakalimutan ko.
Sa sobrang dami ko na ring kaseng ginagawa nakalimutan ko na sya.
"Ay oo nga pala nooh? Pupunta ba kayo?" sabi ni Carlo.
"Ako pupunta ikaw?" sagot ni Pana.
"Ay taray! Sure din ako. Secretary ehh." sagot ni Carlo tapos humarap saken, "Ikaw Micah?" tanong nya saken.
"Ha? Ako? Hindi ko alam." sagot ko na lang.
Sa hindi ko alam kung talagang pupunta ako ehh.
"Bakit naman hindi mo alam? Aber?" tanong ni Carlo.
Napabuntong hininga na lang ako, "Ehh kase po hindi ko alam kung may maiisusuot ba ako. Alam mo namang mahirap ang sitwasyon ko ngayon. Atsaka may trabaho ako non." sagot ko na lang.
Natulala na lang silang dalawa saken, ramdam ko yon kahit hindi ako tumitingin sa kanila.
"Madame pumunta ka."
Si Ma'am Elynne.
"Ma'am naman. Alam nyo rin po sitwasyon ko ehh." sabi ko.
Lumapit sya saken.
"Kung problema mo ang damit meron ako at pwedeng iterno yung high heels mo." sabi ni Ma'am.
"Kung make-up at hair-style." sabi naman ni Pana tapos nagpose, "andito lang ako."
"Ohh ayan. Pumunta ka na gaga!" sabi ni Carlo.
Actually bayad na yung fee ko para don at hindi ko din alam kung sinong nagbayad.
"Atsaka diba ang sabi ni Tristan dun mo makikilala yung nagbayad ng fee mo para sa acquiantance?" ani pa ni Ma'am Elynne.
Oo nga pala.
Yun pa.
Sumasakit na ang ulo ko.
"Salamat po, titingnan ko na lang po kase may trabaho po kase ako." sabi ko.
Napa-pout si Ma'am Elynne.
Hinawakan ni Carlo yung braso ko, "Alam mo ate mas maganda na pumunta ka. Malay naten diba? Kahit saglit makalimutan mong madami kang pasan ngayon sa buhay mo." sabi nya.
Niyakap naman ako ni Pana, "Atsaka para naman isang araw lang. Isang araw ng absent lang naman yon. Mababawi mo pa naman yun sa ibang araw." sabu nya.