Gumagana utak ko xDD
N.P.- Dj Got Us Falling In-Love Again by Alex Goot
==========================================================================
[Vincent's POV]
Bagong school ang papasukan ko ngayon.
Due to some ayoko nang maalalang reason, lumipat ako sa Batangas.
By the way,
I'm Vincent Chase Blake.
May lahi lang ako kaya hindi ako full alien. (A/C: wohohohoho !! xDD)
Nang maiparada ko sa may labas ng school yung sasakyan ko bumaba na ako.
Pero nung tingnan ko yung orasan ko.
"Shit! Late na ako!" sabi ko tapos tumakbo na ako.
Wala pa akong I.D. (A/C: para kay pakner ang meaning nya ay In-Denial xDD) kailangan ko pang tumigil saglit sa guard para ipakita yung enrollment form ko.
Pagkatapos non patakbo akong pumunta sa room namen ng hindi ko inaasahang may mababangga ako.
Tumigil ako syempre kase kasalanan ko.
Pinulot nya yung mga papel tapos sinermunan nya ako.
Grabe ang gandang pafirst day toh saken.
"Sa susunod nga titingnan mo yung dadaanan mo. Hindi lahat ng pagkataon pag-mamay-ari mo ang daan." sabi nya habang pinupulot yung mga papel.
Dahil hindi ako makatiis, tinulungan ko na syang pulutin yung mga papel.
"Sorry sa susunod hindi na ako masyadong magmamadali." sabi ko habang pinululot yung mga papel.
Nung nagpupulot ako napansin kong hindi gumagalaw yung kamay nya kaya tumingin ako sa kanya.
Tulala sya saken.
Ang hirap talaga maging gwapo hays. (A/C: Ang yabang sheeeet !!)
Saka ko lang napansin yung mga chinita nyang mata.
Para sa isang pure na Pinay, rare na may mala-Koreanang mga mata.
Teka Pilipina nga ba toh? Tanong ko sa sarili ko.
Tapos ang cute pa nung shape nung mukha nya, bagay na bagay yung mata nya.
"Ahh Miss?" syempre kanina pa kame dito sa daanan, atsaka baka malate na ako.
"Ahh so-sorry!" sabi nya tapos tumakbo na sya.
Tiningnan ko na lang syang tumatakbo palabas.
Problema nun?
Tumayo na lang ako habang nagpakamot sa batok ko.
Buti na lang sa 2nd floor yung room namen.
Umupo ako sa tabi ni Tyron.
Friend ko sya since high school kame.
Sya den ang nagrecommend saken na dito pumasok sa AMA.
"Tol anung nangyare sayo?" tanong nya saken.
"May nabangga ako kanina. Mukhang koreana." sagot ko tapos nilabas ko na yung notebook ko.
"Koreana? Sina Cristina at Micah lang kilala kong mukhang Koreana dito ahh." sabi naman ni Tyron.
Naalala ko yung I.D. nya, "Mandigma, Ma. Micah?" sabi ko.
Napatingin sya saken, "Pano mo nakilala si Micah? Bago ka pa lang ahh!" sabi nya.
I sigh tapos kinwento ko sa kanya yung nangyare since wala pa naman kameng prof.
Pang thesis na subject lang naman namen toh kase nga graduating na kame.
Sa isang branch din ako ng AMA dati pero dahil nga may ayoko akong maalala, from Makati lumipat ako dito.
Classmate ko si Tyron nuon sa La Salle.
Pero dahil nga isa syang computer adik, mas pinili nyang mag-CS na lang.
Ako naman nahihiwagahan sa computer kaya nag BSIT ako.
"Si Micah? Natulala? Ehh alam naman sa buong school na si Jovel ang gusto non." sabi nya.
"Sinung Jovel?" tanong ko.
"3rd Year na yun ngayon. Baket mo pala natanong?"
"Wala lang." sabi ko tapos pumasok na yung prof namen.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
[Micah's POV]
As usual sumakit nanaman yun mata ko sa sobrang daming tinatype.
Buti na lang talaga at wala pang assignment na binibigay samen.
Inikot-ikot ko muna yung ulo ko.
Nakakangalay kase ang ilang oras na nakaupo sa harap ng laptop.
Dahil gusto kong mapahinga yung daliri ko, nag-FB na muna ako.
Nang binuksan ko yung FB ko, tumambad saken ang 15 friend request.
Ilang oras lang ako nawala ang dami kagad FR. *sigh*
Grabeness to the maxes talaga.
Syempre open FB ko yun kaya accept lahat.
Tapos non noti ko naman.
Natural na saken ang madaming noti yung FB ko kase uso yung AUTO-LIKER.
Maya maya nag buzz yung FB ko. (A/C: Yahoo Messenger xDD)
Chase Blake: Hi!
The who itech? sabi ko sa sarili ko habang nakataas yung isa kong kilay.
Mimitotz Yamasuki: eow !! (A/C: Takte JEJEMON xDD)
Chase Blake: Sorry pala kanina.
Napaisip ako bigla.
Kanina?
Tapos bigla kong naalala yung kanina kaya binuksan ko yung profile nya at ayun!
"Sheeeeeeeeeet!" sigaw ko bigla.
"Hoy! Napapano ka?" suway saken ni Michael, kapatid ko.
Napatahimik ako bigla tapos napayuko, "Wala." sagot ko.
Tapos nun nagreply na ako.
Mimitotz Yamasuki: Ikaw yung kaninang nakabangga saken?
Chase Blake: Yeah. Sorry ulet ha. :)
Tapos sabay log-out.
Napapout tuloy ako.
Sayang yun ahh! Gwapo naman.
After nun bumalik na lang ako sa trabaho ko para matapos na.
Yosh! Aja Micah!
===================================================================
Si Vincent nga pala -->
Chase is from my DA Crush Chase Drake Aimery .. blush ako sheepe !!
Wahaahahha !!!