Si Ate Ayani po pala =========================>
===========================================================================
[Micah's POV]
Ngayon pupunta ako sa isang place na nuon ko laging punipuntahan.
Nung bata pa kase ako mahilig akong pumunta don.
Sa isang playground.
Alam ko gabi na pero gusto ko pa deng pumunta dito.
Yung parang gusto kong makita ang isa pang part ng pagkatao ko nuon.
Napaupo ako sa swing.
Tanda ko pa nuon.
Si Chase ang tutulak saken.
Tapos pag malakas na uupo na sya dun sa kabilang swing tapos uugoy yung sarili nya.
Just one part of my childhood years na nagugustuhan ko.
I close my eyes and reminisce my childhood.
Yung mga panahon na wala akong pinoproblema.
Yung mga panahon na wala pa akong kamuwang muwang sa problema at mga nangyayare sa mundo.
Yung mga panahon na puro laro lang ang nasa isip ko.
"Micah?"
Napamulat ako sa nagsalita.
"Ate Ayani?"
And to my surpise nakita ko nga ang isa sa mga nagpasaya ng childhood years ko.
She came to me and hug me tightly.
"Kamusta ka na?" tanong nya saken ng dumistansya sya para tingnan ako.
Napakibit balikat na lang ako, "Eto okay na hindi." sagot ko.
Umupo sya sa kabilang swing.
"Care to talk about it?" tanong nya.
Mga 2 years ko na ring syang hindi nakikita.
Ang alam ko nag-migrate na sya sa London since taga dun talaga ang family nya.
Sinimulan kong magkwento at sabihin sa kanya ang mga nangyare sa buhay ko this past years.
"I didn't know you're so strong now." komento nya.
"Hindi ko din naman po akalain na makakaya ko." sagot ko.
Mas matanda sya sakeng ng tatlong taon.
Isa sya sa mga seniors ko nuong nag-woworkshop ako sa isang entertainment company.
Kasama ko rin nuon si Chase, pero sa singing department lang sya.
Hindi katulad ko na pati dancing department pinasok.
"May mga tumutulong ba sayo?" tanong nya.
"Meron naman po awa ng Diyos."
"Nagkita na ba kayo nina Kaelle?" tanong nya.
Business partners sila nina Ate Kaelle.
Mukha mang parang walang sineseryoso sa buhay si Ate Ayani.
Seryoso yan, hindi nga lang halata. (A/C: Peace Eonnie Ayani xDD)
"Opo. Pati si Chase nakita ko na." sabi ko.
Inugoy nya yung swing nya tapos nagsalita, "So anong nangyare?" usisa nya.
"Ayun, naging school mates kame. Nagulat nga po ako na sya yon. Hindi ko naman po kase alam na may Vincent papala sa pangalan nya." sagot ko habang nakayuko.