Danielli Ace Ocampo
> campus nerd
> mayamang nerd
>walang barkada
>palaging nabubully
>May pagka maldita kahit nerd
Kapatid niya si....
Mitchiru Ace Horca
>Kinababaliwan ng mga babae
>Heartthrob pero hindi Playboy, cassanova or heart breaker
>Matalino pero may pagkamasungit.(Sa barkada lang mabait minsan)
>Wala siyang pakialam sa ibang babae dahil sa iisang babae lang siya may pakialam kahit alam niyang wala itong pakialam sa kanya. (A/N:Ang gulo ng author niyo ano? HAHAHA pag pasensyahan niyo na.)
Sila ang nagmamay-ari ng Sunshine Academy mayroon rin silang kumpanya.
Danielli studied at Blue University before but beacuse she's being bullied napag isipan niyang lumipat siya sa Sunshine Academy.
Danielli and Mitchiru is not close. Minsan lang sila mag-usap. Pero pano kung ang paglipat niya sa S.A ang dahilan upang sila'y maging close? Pano pag sa sobrang close nila mafall sila sa isa't isa? Pero pano kung dumating ang isang Daniel Josh Alferez at Crystal Jane Perez sa buhay nila?
~^^~
Danielli's POV
*kring kring kring*
Ano ba iyan! Ganda na nga ng tulog ko eh. Nagising ako dahil sa napakaingay kong alarm clock. Tiningnan ko ang orasan at alas singko na pala. Agad akong bumangon at nagtungo sa banyo at inumpisahan ang morning routine. And after 20 minutes sa banyo, nagtungo ako sa walk-in-closet ko at kinuha ang plain white t-shirt at jeans. Sinuot ko na ito tsaka nagsuklay ng may pagkabrown at kulot kong buhok tsaka ko isinuot ang sneakers ko. Kinuha ko na ang mga gamit ko at inilagay ko sa bag and bago ko makalimutan kinuha ko thick glasses ko tsaka bumaba . Actually hindi naman talaga masiyadong malabo 'tong mata ko,slight lang well comfortable naman na ako with my glasses. Since grade 4 kasi nag glasses na ako so tinuloy tuloy ko na hanggang ngayon. Hindi ko namalayan nasa kusina na pala ako.
"Oh hija, gising kana pala. Halika at umupo ka na. Ipinagluto kita ." sabi ni manang Lela. Manang Lela is like my 2nd mother. Siya ang nag-aalaga sakin everytime na wala sila mommy. SIya ang palaging andiyan kapag kailangan ko ng masasandalan.
"Thank you manang. Lika po sabay na tayong kumain."sabi ko with a smile kaso mauna nalang daw ako sasabay nalang daw siya sa ibang mga kasambahay.
"Oh sir Mitchiru,gising na po pala kayo. Kain na po" sabi ni manang Lela ng makita niya si Mitchiru. Nag nod lang si Mitchiru tsaka umupo.
Tahimik lang kaming kumain. Binilisan ko nalang kumain at ng matapos na ako kinuha ko na agad ang bag ko tsaka naglakad papuntang garahe
*Garahe*
Ng andito na ako tsaka ko lang napagtanto na wala pala si Mang Dado, umattend daw ng kasal ng anak niya, so napagpasiyahan ko nalang na mag commute tutal alam ko naman. Naglakad ako papuntang Gate, bubuksan ko na sana ang gate kaso may humawak sa wrist ko. Pagtingin ko ay nakita ko si Mitchiru.
"Sumabay kana sakin." tipid na sabi nito tsaka ako hinila at pinasakay sa passenger's seat, umikot naman siya papuntang driver's seat
"Pero Mitchiru baka kung ano sabihin nila pag nakita nilang may kasama kang isang Nerd na katulad ko ." mahabang sabi ko saknya ngunit ang mokong parang walang narinig at pinaharurot nalang bigla ang kotse. Malayo layo rin ang school namin mula sa bahay kaya eto kami natraffic, dahil wala rin namang imikan napagpasyahan kong matulog namuna.
"Hey Nerdy! Wake Up, we're here"sabi ng taong gumigising saakin. Pagmulat ko nakita ko si Mitchiru. Pagtingin ko sa paligid andito na nga kami sa school, nasa Parking Lot actually. Nagulat nalang ako ng biglang binuksan ni Mitchiru ang pintuan ko.
"Labas" sobrang tipid na sabi nito w/ a cold voice kaya naman lumabas na ako kaagad. Pero nasa malayo palang ang init na ng tingin nila samin? or should I say sa akin. Ng makalapit kami sa Gate ng school dinig na dinig ko ang bulungan nila
"My ghad who's that Nerdy?" chismosa # 1 na kung makapagsabing Nerd kala mo hindi siya Nerd
"Ay!Kapal ng mukha niya bess! Sino ba siya?" chismosa #2 na mukhang kabayo
"Tch, She's so ugly! For sure ginayuma niya si Fafa Mitchiru." Chismosa #3 na hindi naman pantay ang kilay.
"Baka naman Slave niya, right girls?" sabi nung babaeng mas mukha pang slave kesa sakin! Binilisan ko nalang maglakad para hindi na kami magkasabay ni Mitchiru. Thank God at may nakita akong sign papuntang Principal's office. Liliko na sana ako kaso may humawak sa braso ko at pagtingin ko si Mitchiru. Shit siya nanaman!
"Saan ka pupunta?"Tanong niya sakin.
Sinabi kong sa Principal's office ako pupunta upang kunin yung room and schedule ko. Pero hinila niya lang ako ng walang imik tsaka may iniabot na paper. Wait,it's my schedule! Walang imikan habang naglalakad kami, rinig ko parin ang mga bulungan nila kaso hindi ko nalang sila pinansin. Yes, that's right Danielli wag mo nalang silang pansinin!
Hindi ko namalayan na huminto kami sa iisang room at sabay na pumasok. Wait! so he's my classmate? Umupo ako sa pinaka likod, malapit sa may bintana.
By the way I'm Danielli Ace Ocampo. 17 years old. Kapatid ko si Mitchiru Ace Horca. Maybe you're wondering kung pano ko siya naging kapatid eh hindi naman kami magkapareho ng surname.Actually Mitchiru is my step brother since I'm 8 or 9?Namatay kasi yung dad ko ng dahil sa car crash. Buti nalang hindi kasama si mom, dahil kung pareho silang namatay hindi ko alam kung san ako pupunta. And Yeah matagal tagal narin but we're not close. Sa Blue University ako nag aral noon but because d ako sanay sa pang bubully nila linipat ako nila mommy and daddy dito sa Sunshine Academy pero first day palang may mga ang iinit na ng tingin sakin. Wala rin akong balak magkaroon ng mga kaibigan dahil ang mga itinuring kong kaibigan sa B.U ay plinastik at trinaydor lang ako, kaya ayokong magkaroon ng kaibigan.Hindi ko namalayang may umupo pala sa tabi ko.

YOU ARE READING
Impossible Us
Teen FictionDanielli Ace Ocampo, isang campus nerd. Isang mayamang nerd. Kapatid niiya si Mitchiru Ace Horca, isang campus heartthrob. Sila ang nagmamay-ari ng Sunshine Academy at mayroon rin silang kumpanya. Danielli studied at Blue University before but beacu...