Chapter 5: Do I really Look like an animal?

14 4 0
                                        

DANIELLI's POV

Ng naka pasok na ako sa loob ng gate hindi ko namalayan na may bagay sa harap ko kaya nauntog ako.

"Aray!" sabi ko habang pinapahid yung noo ko. Kaso nagulat ako ng gumalaw at nagsalita yung bagay!

"San ka galing?" malamig na sabi nitong bagay.

"Ay KABAYO! Ano ba Mitchiru?! Nang gugulat ka eh!" inis kong sabi sakanya sabay diretso papuntang tapat door ng bahay. Kaso sumunod ito at hinila ang wrist ko.

"San ka galing sabi?!" pasigaw nitong tanong. Sa sobrang lakas ng pagsigaw nito pati kahit bahay namin nagrereklamo na.

"Sa school." simpleng sagot ko sakanya.

"So sino naghatid sayo?" tanong pa nito . Na bwibwisit na ako ah! Ano 'to? Q & A?

"S i Josh, Kaibigan ko" sagot ko tsaka iniwan siya sa labas. Nang nasa loob na ako ng bahay at paakyat na akala ko dun na siya titigil kaso hindi pala

"Danielli!" tawag nito sakin. Aish ano ba naman yan!

" Ano?!" irita tanong sakanya

"Layuan mo yung gag*ng yun!Sasaktan ka lang niya!"pasigaw nitong sagot saakin. And what? Si josh gago?!

"Mitchiru! Mabait si Josh okay? Tsaka wala ka ng pake kung layuan ko siya o hindi" sabi ko sakanya sabay talikod at itinuloy ang umakyat.

"Danielli, narinig mo naman siguro yung sinabi ni Mom right? Babantayan kita." sabi pa nito kaso hindi ko nalang ito pinansin at naglakad.

"Sasabay ka saakin bukas." dagdag pa nito kaya napahinto ako sa paglalakad at tinignan siya.

"Ayoko nga! Alam mo bang ikaw yung dahilan kung bakit ang sama sama ng tingin saakin ng mga babaeng fans mo?! " pagpapaliwanag ko sakanya

" Pag sinabi kong sumabay ka sumabay ka!" sigaw nanaman nitong sabi saakin kaso binalewala ko nalang siya. Gagawin ko nalang yung ginawa ko kaninang umaga. Pagdating ko sa kwarto ko, agad akong naligo para kahit papano ay mawala yung init ng ulo ko. Ng matapos akong maligo ay nagbihis na agad ako tsaka humiga sa kama. Nakakapagod grabe! Wala namang assignments and wala rin akong ganang mag online so natulog na lang ako. Bigla akong nagising at pagtingin ko sa salammin ibang iba ang yung itsura ko. Wala akong nerd glasses, naka make up ako at dress.! First time kong nakita ang sarili kong naayusan. Inilibot ko ang tingin ko at may nakita akong babae. Pinatayo na niya ako at sinamahang lumabas. Pagkalabas ko may nakita akong lalakeng nakatayo kaso hindi malinaw yung mukha niya, may sasabihin sana siya ng biglang...

*Kring*Kring*Kring*

Kinapa ko sa desk ko ang alarm clock ko tsaka ko pinatay. Ng maalala ko yung dream ko agad akong tumakbo sa salamin at tinignan ko ang sarili ko, but pagtingin ko it's still me! The Nerdy Nielli is still here. That's really weird. And Who's that guy? Tinignan ko yung orasan and it's already 5:30. And Holly Molly! 30 Minutes kong tinitigan tong sarili ko ng dahil lang sa dream?. Binilisan kong kumilos, naligo na ako at nagpalit ng damit, tsaka kinuha ang mga gamit ko tsaka bumaba pero naalala ko si Mitchiru. Kung masasama nanaamn kaming pumunta sa school baka mamaya hindi lang words ang abutin ko sa mga "fangirls" kuno nitong si Mitchiru. Baka mamaya maging totoo nanaman ang kinatatakutan ko. Ng nasa Kitchen na ako nakita kong walang Mitchiru kaya guminhawa konti tong pakiramdam ko.

"Ma'am Danielli kain na po kayo" sabi ni manang Lela

"Manang Lela kukuha nalang ho ako nitong sandwich malelate na rin ho kasi ako eh." paliwanag ko kay manang Lela sabay kuha nung sandwich. Ng palabas na ako nagulat ako ng biglang sumulpot si Mitchiru sa harapan ko.

" Ay! UNICORN!" gulat kong sambit

"Tsk! Last night you called me kabayo, and now unicorn? Do I really look like an animal?"mahabang tanong nito saakin.

"Ahm, No! Expression lang ganon!" sabi ko sakanya sabay iwas ng tingin

" By the way kay manong Dado ako magpapahatid." dagdag ko pa rito.

"No! Sayang ang Gas. You're coming with me" sabi nito sabay puntang kotse niya. Wala na akong nagawa kaya sumakay nalang ako baka mamaya kung ano ano nanamang masabi nito at magsisisigaw pa. Pagdating na pagdating namin sa campus nakita ko agad yung mga fangirls kuno ni Mitchiru na nakaabang nanaman sa gate. Holy shit! Eto na nga ba sinasabi ko eh! Pinanood kong lumabas si Mitchiru at nakita kong tumili ang mga fangirls niya. Pero ng lumabas ako ng sasakyan biglang nagbulungan nanaman ang mga froglet. Imbes na sumunod ako kay Mitchiru na papuntang gate, nag iba ako ng daan pero mukhang napansin niya kaya hinabol niya ako tsaka hinila.

" Where do you think you're going?" tanong nito saakin

"Mitchiru can't you see? Ang sama sama ng tingin nila sakin! Sawa na ako sa ganitong buhay! Kaya sana naman please. Iwasan na muna nating magsama papasok ng school . Pag uwian dun nalang tayo magsasabay." Pagpapaliwanag ko sakanya with a sad voice.Kaso nabigla ako ng yakapin niya ako tsaka nagsalita.

"Danielli, ba't mo ba kasi sila iniintindi? I'm you're brother ako ang bahala sayo." sagot nito saakin. Humiwalay ako sa pagkakaakap niya sakin tsaka nagsalita.

"Mitchiru alam ba nila na kapatid mo ako? Hindi diba? Tsaka kahit sabihin mo pa sakanila hindi nila maiintindihan, sino nga bang magkakakapatid ng isang katulad kong nerdy? So please iwasan na muna nating magsama papasok ng school. Sa uwian nalang tayo magsasabay." Pagpapaliwanag ko sakanya sabay takbo paalis.

Impossible UsWhere stories live. Discover now