Chapter 8

14 2 0
                                    

Danielli's POV 

Nagulat ako ng may biglang pumasok at sinampal ako.

"How dare you to flirt with Mitchiru?!"pasigaw nitong sabi saakin. Hinawakan ko yung pisnge kong sinampal niya, shems! ang sakit bess!Tinignan ko ang taong sumampal saakin.Maganda siyang babae, makinis ang balat niya, may pagka kulot ang hair niya, at matangkad ito. May kasama siyang tatlo pang mga babae.


"Mitchiru is only Mine.MINE!"sigaw pa niya saakin.At akmang sasampalin ulit ako kaso may pumigil sakanya.

"Don't ever lay this Fvckin' hand on her again. And you don't own me. I own myself."sabi ni Mitchiru saakin sabay hila palabas ng CR.

"Bakit ka ba kasi tumakbo?"galit na tanong nito saakin

"Mitchiru, nakita mo naman yung tingin nila diba? Plus they're thinking I'm flirting with you!" sagot ko sakanya. At akmang aalis na kaso pinigilan nanaman niya ako.

"Ano nanaman ba?" irita kong tanong sakanya.

"San ka nanaman pupunta?" pabalik nitong tanong saakin

"Sa classroom malamang!"sagot ko sakanya tsaka lumakad.Kaso hinabol niya ako tsaka hinawakan ang wrist ko na ikinagulat ko.

"Sabay na tayo"tipid niyang sabi.Wala na akong nagawa,parehas kami ng pupuntahang classroom eh.

Pagdating na pagdating namin sa classroom, as usual tinginan nanaman ang nangyari. May bulungan siyempre. Dumeretso ako sa upuan ko, wala pa si Josh siguro late nanaman yun.Ilang saglit pa'y meron na ang teacher namin. Kaso wala pa si Josh. San ba nagpupupunta yung lalakeng yun? Nagumpisa na ang teacher naming mag lesson kaso wala pa ring dumadating na Josh. Ilang oras pa ang lumipas at natapos na rin ang mga subjecst namin.Napagdesisyonan ko na rin na payag na akong maging tutor ni Josh wala rin naman akong ginagawa ng Saturdays and Sundays eh, plus ayokong makasama si Mitchiru. Naglalakad ako sa hallway ng maalala ko ang text ni Josh. Kailangan ko palang pumunta sa Garden, pero wala naman siya kanina ah? Hays, bahala na nga. Agad akong pumunta sa Garden tsaka hinanap si Josh. Nagulat ako ng may tumakip sa mata ko.

"Josh?" hula ko rito. At inalis naman niya ang kamay nito. Agad akong humarap at tama nga ang hula ko.

"Bat wala ka kaninang 1st and 2nd subject natin?" tanong ko sakanya.

"Wala, may inasikaso lang ako saglit." sagot nito saakin

"May sasabihin na pala ako" sabay naming sabi, ano kayang sasabihin niya

"Mauna ka na"sabay ulit naming sabi. Natawa nalang kami

"Sige mauna ka na" sabi nito habang pinipigilan ang tawa.

"Ahm, Josh about sa Tutor..." sabi ko sakanya with a low voice

"Hindi ka payag? Hey Danielli may 1 week and 3 days ka pa para mag-isip." pagexplain nito saakin. Hindi ko pa nga tapos yung sinasabi ko.

"Hindi iyan ang ibig kong sabihin. Makinig ka na muna kasi. Sabat ka ng sabat eh."inis na sabi ko sakanya. Tinignan ko siyang umupo sa grass at hinila niya ako paupo kaya umupo na ako.


"So ano?" tanong nito saakin sabay titig. My gahd! Bat siya tumititig? Nakaka--  ay basta!

"So ayun nga payag akong maging tutor mo."sabi ko sakanya.

"YES! buti naman at pumayag ka." sobrang saya nitong sabi saakin.

"Pero! Every weekend lang na tututoran kita!"

"Eh ikaw ano nga yung sasabihin mo saakin kanina?"tanong ko sakanya.

"Ah, Can you please help me?" tanong nito saakin

"I need a  Girlfriend-for-hire." sabi nito saakin.

Impossible UsWhere stories live. Discover now