SOMEONE's POV
Marami akong nakuhang mga pictures nila Danielli na kasama ang 2 lalake. May picture na magkaakap, pictures na magka hawak ang kamay at picture na inihatid nung lalaki si Danielli sa bahay nila. Ilang ulit kong tinitignan ang mga ito bago ko ipost sa Facebook. Nang magsawa na akong kakatitig sa mga ito ipinost ko na ito sa Facebook at ilang saglit lang ay marami ng likes, comments at shares ito. Ah- oh! Poor Danielli akala mo makakatakas ka sa mga kasalanan mo saakin ha?
DANIELLI's POV
Pagatapak ko sa classroom nakita ko ang mga classmates kong babae na ang sama sama ng tingin sakin at nagbubulungan pa. Ano nanaman bang nagawa kong kasalanan?!
Nagpatuloy lang akong maglakad papuntang seat ko pero habang naglalakad ako narinig ko yung isang babaeng parang clown sa sobrang kapal ng make up na bumulong sa katabi nito, hindi ko nga alam kung bulong pa ba tawag don ang lakas lakas kasi ng pagkakabulong niya eh.
"Uy girl nakita mo nab a sa Facebook yung picture ni malanding nerdy?" tanong nito sa katabi niya
"Ah, yeah grabe dala-dalawa pa ah! Hindi talaga siya nakukontento sa isa. Grabe Transferee palang siya pero ang rami na niyang kababalaghang ginagawa!" sagot naman nung katabi niya. Agad akong umupo sa upuan ko at nagbukas ng facebook. Anong picture ba yung sinasabi nila? Pagkabukas ko ng Facebook nakita ko na kung ano yung sinasabi nilang pictures. May picture ako with Mitchiru na nakayakap siya saakin at magkahawak ang kamay namin, meron din kaming picture ni Josh na magkahawak ang kamay at nung inihatid niya ako sa bahay. Binasa ko ang mga comments at ito ang mga sinasabi nita.
'my gosh she's such a bitch!'
'Not just a bitch she's also a slut"
'What a slut?!'
'Malanding Nerd!'
.....at marami pang iba. Sino bang demonyo ang gumawa nito?! Hindi ko namalayan na may tumutulo na palang mga luha. Saktong dumating narin yung guro namin so umayos na kami lahat. Pinunasan ko na rin yung mga luha kong tumulo.Napansin ko ring wala si Josh. Nakita na niya kaya yung post sa Facebook? Buong araw hindi ako nakapag focus sa mga subjects, kasi iniisip ko parin kung sino nga ba pwedeng gumawa nito.Nandito ako sa sasakyan ni Mitchiru and as usual sooooobrangggg tahimik!
JOSH's POV
Nandito ako ngayon sa bahay ng lolo at lola ko. Naalala ko last na pagbisita ko dito is when I'm still High school.Matagal tagal na rin.Actually kakabalik lang nila galing America kahapon. While we are eating nagkwekwentuhan kami
"So Apo, how's your school?" tanong ni Lolo saakin.
"Ahm, just fine Lolo" sabi ko sakanya ng naka smile ako saka subo ng pagkain.
"Eh, ganon ba apo? How about Girlfriend? Kailan ka naman magpapakilala at magsasama ng girlfriend mo?" tanong ni Lola saakin at dahil sa sinabi niya nabilaukan ako, uminom agad ako ng tubig at tinignan si lola pero parang nag aantay lang siya ng maisasagot ko.
"Lola naman! Ganiyan ba talaga kayo saakin?" nakasimangot na tanong ko.
"Aba, siyempre apo hindi na kami pabata ng pabata Gusto rin naming masaksihan ang magiging grand-grandchildren namin" sagot saakin ni Lolo ng nakasmile.
"Pero kung wala ka pang girlfriend, may apong babae ang aking kumara. At sa tingin ko'y nag-aaral siya sa Sunshine Academy ngayon. Maari kitang iarrange marriage sakanya." Alok ni Lola sakin, but what?! Arrange marriage? For God's sake! I will never marry someone I don't even Know and I don't even Love!
"Lola! Ayoko ng arrange marriage! May gusto akong iba okay? Tsaka tapusin nalang ho nating kumain." Sabi ko sakanila sabay kain nalang. Wala naring nagawa sila Lolo at Lola. Pagkatapos naming kumain nagpaalam na agad ako sakanila at sinabing babalik ulit ako. Habang pinapatakbo ko ang aking sasakyan naisip kong hindi ako titigilan nila Lolo at Lola hanggat wala akong naipapakilalang Girlfriend ko sakanila. San naman ako kukuha ng girlfriend? I have an Idea! I'll just hire someone!
DANIELLI's POV
After 30 minutes finally I'm here at my room lying on my bed. Grabe sobrang traffic! Sa sobrang traffic mabibingi ka na nga sa sobrang tahimik, magugutom ka pa ng sobra. Speaking of that, gutom na gutom na talaga ako wala pa kasing pagkain kanina nagluluto palang si ate Kalay ba yun?Kilay? Hays! Bahala na kung anong pangalan basta nagluluto pa si ate, Wala kasi si manang Lela, umuwi daw sakanila at may problema yung anak niya.
*Tok*Tok*Tok*
Napatayo ako sa kinahihigaan ko dahil sa sobrang pagkatok nito. Nako baka kakain na! Kaya tumakbo ako papuntang pintuan at bubuksan na sana ito.. Kaso ng magsalita ito,
"Sir Mitchiru~ Kain na po kayo" malanding sabi nung Ate Kalay?Kilay?Kiray? Grabe hanggang dito dinig na dinig ko ang pagsabi nito sakanya.
Dahil sa sobrang inis ko bumalik nalang ako sa higaan ko.
"Okay" dinig ko pang sagot ni Mitchiru sakanya. Tsaka ko narinig yung yapak nilang pababa. Ay!Wow! Really wow! Eh ako? Di man lang ako tinawag grabe! Si Mitchiru lang ba amo dito? Siya lang?! Bwisit na malanding yun ah! Tsk Kilay lang naman alam kaso di naman pantay ang kilay jusko! Gigil niya si ako eh! Pag gutom ako nanggigigil ako! Nagulat ako ng biglang bumukas ang pintuan.
"Ay!Kabayo!" Gulat kong sabi
"Mitchiru?" dagdag ko pa ng naka kunot noo
"Tsk, Kabayo? Last Time You told me I'm a Butiki and Unicorn and now Kabayo? What the hell!" sabi nito sakin then he smirked
"Sorry naman. Sino ba kasi nagsabing pumasok ka ng kwarto ko ng hindi kumakatok?" tanong ko skanya
"Me, and we're going to eat" cold nitong sabi saakin tsaka niya ako hinila pababang dining room. Kumain kaming walang imikan. At nakita ko nanaman si Ate Kilay na hindi pantay ang kilay na nakatingin kay Mitchiru at kinikilig pa ang g*ga! Subo lang ako ng subo, until sa kakasubo ko nabilaukan ako. Nakita ko pang instead na ako ang bigyan nung Ateng Kiray na yun si Mitchiru pa ang binigyan niya ng tubig. Ibinigay naman ni Mitchiru saakin yung tubig kaya ininom ko na ito agad.
"Bakit ba kasi subo ka ng subo?"Galit na tanong nito saakin
"Eh ang tahimik hindi ko kaya, nakakabingi! Sa sasakyan tahimik, and pati dito tahimik!"sagot so sakanya subo ng last food ko.
"Sumabay ka sakin bukas" sabi nito sakin sabay tayo at naglakad papuntang kwarto nito.Dinig ko pa ang pagbukas at ang pagsara nito ng pinto niya.Tiningan ko si Ate and my gosh kinikilig ang g*ga!
"And Ate Kilay?Kalay?Kiray? Hays whatever your name is, Ako yung nabilaukan diba? Bakit si Mitchiru binigyan mo ng tubig? Hindi ba dapat ako? Tsaka kanina ko pa nakikita yang mga tingin tingin mo kay Mitchiru ha! And ate gusto ko lang iremind na Everytime na dadating kami galing school ni Mitchiru may nakahanda ng food, Pagod rin kasi kaming galing school so please sana gawin mo naman yung trabaho mo ng maayos ate. Pinag antay mo pa kami eh! D kami sanay ng ganun ate.And ate bukas maaga palang dapat ready na yung pagkain dahil maaga kaming pumapasok papuntang school." Mahabang sabi ko sakanya sabay tumayo at maglalakad na sana ako papuntang taas kaso nagsalita siya
"Tsk, kala mo naman maganda ka! Nerd ka rin lang naman! Kung di lang sana kita amo aish!" bulong nito sa sarili niya kaso narinig ko. Huminto ako at hinarap siya.
"Hey I heard you! Alam mo kasi ate, Kahit nakasuot ako ng glasses hindi ibig sabihin non mabait na ako at sanay na naapi nalang! May side kasi akong sigurado akong hindi niyo gusto Makita." Sagot ko sakanya sabay talikod na at nagpatuloy umakyat.
YOU ARE READING
Impossible Us
Genç KurguDanielli Ace Ocampo, isang campus nerd. Isang mayamang nerd. Kapatid niiya si Mitchiru Ace Horca, isang campus heartthrob. Sila ang nagmamay-ari ng Sunshine Academy at mayroon rin silang kumpanya. Danielli studied at Blue University before but beacu...
