Habang nasa sasakyan kami ni Daniel Josh tahimik muna kami. Kaya nagtanong nalang ako para mabasag yung nakakabinging katahimikan"Ahm, Daniel Josh—" sabi ko
"Josh nalang" sabat nito sakin habang nakafocus parin sa pag mamaneho.
"Ahm, Josh why do you need tutor? Mukhang kaya mo naman kasing mag-isang mag-aral. Mukhang ang talitalino mo kasi eh. And why do you need a best friend? Wala ka bang mga best friends?" mahabang tanong ko sakanya.
"Actually You're right. Matalino naman ako. Kaso parang wala ako sa sarili ko this past few months. Kaya napapabayaan ko ung grades ko. Tsaka ayoko maging mag isa. And may friends rin naman ako kaso wala na kami. Friendship over na kami." Pag eexplain nito sakin.
"Ah, sorry to hear that."sabi ko sakanya.Pero why me? Bakit ako yung napili mong tutor and friend! Ang dami dami pang iba jan ah. Baka mamaya katulad ka lang din pala ni Gem!
"Don't worry hindi naman ako plastic or manggagamit eh." Sabi nito na parang nabasa yung iniisip ko.
"Ahm, so Josh bakit ako yung napili mong best friend and tutor at the same time?" tanong ko sa kanya.Kaso nabigla ako ng bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto.
"Nandito na tayo" sabi nito sakin kaya bumaba na ako. Hindi ko manlang namalayan na nandito na pala kami sa school, Naglakad na kami as usual and dahil nga may hitsura itong si Josh edi yan nanaman pinagbubulungan nanaman ang nerd!
"Look at Nerdy! May tinatago talagang kalandian itong babaeng ito eh!" echoserang beki na akala mo babae eh may tinatago rin naman sa gitna ng hita!
"Oo nga bessy! Ang Landi niya teh! My gosh hindi pa talaga siya nakontento kay Fafa Mitchiru!" sabi nung echoserang babae na sobrang kapal ng make up. Talo pa ang clown kung mag make up eh!
"Just don't mind them" sabi ni Josh sakin.Yeah he's right I shouldn't mind them. Marami pa akong narinig na mga bulungan kaso katulad nga ng sinabi ni Josh hindi ko nalang sila pinansin.
" So ano pala yung answer mo sa question ko kanina? You know curiosity kills!" sabi ko sakanya at natawa naman ito.
"You'll know the answer if magiging mas close pa tayo." Sagot naman nito tsaka naunang naglakad papuntang classroom. Aish! Akala ko kung sasagutin na niya yung tanong ko! Hays...
Pagpasok ko nakita ko si Mitchiru na ang sama ng tingin saakin. Ano nanaman bang problema nitong lalakeng ito?! Tch, nakita ko lang mukha niya naiihi na agad ako! Kaya nagpaalam na muna ako kay Josh na mag ccr na muna ako sabi pa nga niya samahan daw ako kaso sabi ko wag na. Kaso sa sobrang malas ko dumating na agad yung teacher. Kaya no choice bumalik ulit ako sa kinauupuan ko.
"So ano? Payag ka bang maging tutor-slash- friend ko?" tanong saakin ni Josh. Nako jusque ang kulit eh! Pang sampung tanong na yata niya sakin yan.
"Pag-iisipan ko pa nga Josh. Makinig ka nalang muna kay sir." Sagot ko sakanya habang nakatingin parin sa harap at nakikinig sa lecture ng guro naming.
"Okay, then I'll give you 1 week para pag-isipan iyan, siguro naman nakapag-isip isip ka na non" sabi nito saakin. Kaso hindi muna ako nakaimik. Okay na kaya ung 1 week na yun?
"How about 2 weeks?" suggest ko sakanya sabay tingin.
"Fine 2 weeks. 2 weeks lang ha walang sosobra." Sagot nito saakin. Kaya napa nod nalang ako sabay tingin sa harap tsaka nag focus sa lecture ng prof naming.
Mabilis natapos ang ilan pang subjects at thank god at may nag sink in rin naman sa utak ko kahit papaano. Pano ba naman kasi eh kinukulit parin ako ni Josh tungkol sa pagiging Tutor-slash-friend niya. Andito ako sa cafeteria ngayon. Nakaupo sa isang sulok, wala akong kasama dahil wala naman akong kaibigan ditto sa S.A. pero Masaya ako 'cause wala akong kasama. Yes! Nabasa nyo dba? Masaya ako kasi walang Mitchiru at walang Josh. Kaya maeenjoy ko ang kumain ng lunch. Pagkatapos na pagkatapos kong kumain dumeretso na agad ako sa classroom. Pagdating na pagdating ko dun may nadatnan akong mga tao sa classroom, may naglalandian, may nagtsitsismisan, at iba pa. Dumeretso agad ako sa seat ko tsaka umupo at inilabas ang libro ko tsaka ko pinasakan ng earphones ang tenga ko. Ilang minute pa ang nakalipas at nagsidatingan na rin ang ilan ko pang mga classmates. Naramdaman kong may umupo na sa side ko. Sino pa ba? Edi si Josh! Siya lang naman ang seatmate ko eh.
"Hey Nerdy, ano napag-isipan mo na ba?" nangaasar na tanong nito. Bigla kong ibinaba ang libro ko tsaka sinamaan ng tingin.
"Ay, Oo nga pala binigyan kita ng 1 week este 2 weeks to think about it." sagot nito sakin sabay kamot ng ulo.
"Tsk. Istorbo" mahina kong sambit ngunit parang ang laki ng tenga nitong mokong na'to
"Ano sabi mo? Ako? Istorbo?" tanong niya sakin kaso sasagot na sana ako ng narinig naming may padabog na umupo kaya napatahimik kaming lahat tsaka tumingin sa taong nagdabog. Pero pagtingin ko, nakita ko si Mitchiru na ang sama sama ng tingin saamin. Ano nanaman bang problema nito samin?! Hindi rin nagtagal at dumating na rin ang teacher namin.
"Good afternoon class." bati ni Sir Mart
"Good afternoon Sir" bati rin naming lahat sakanya sabay tayo. Ng nakaupo na kami nag start ng mag discuss si sir. At habang nag nag didiscuss si Sir sa harap tong kasama ko dakdak ng dakdak! Gosh Kalalaking tao dakdak ng dakdak! Hindi tuloy ako makapag concentrate.
"Josh!Pwede bang manahimik ka muna!Hindi ako makapag concentrate eh! Kahit 10 minutes lang!" mahina kong sabi sakanya. At nag okay naman siya. Ng tumahimik na siya guminhawa ang feeling ko kasi nakakapag concentrate na rin ako kahit papano. Ngunit nabigla ako ng nagsalita ulit si Josh.
"Josh ano ka ba! Kala ko pa naman tatahimik ka na. Nakakapag concentrate na ako oh." Mahina ko paring sabi sakanya pero bakas sa boses ko ang inis.
"Sabi mo kasi 10 minutes kaya tumahimik ako ng 10 minutes lang" mahina rin nitong sagot saakin kaya napa buntong hininga nalang ako.
Hindi nagtagal at nagbell na rin kaya dali dali kong iniligpit ang mga gamit ko. Lalabas n asana ako ng may biglang tumawag sakin.
"Danielli! My soon to be tutor!" tawag nito sakin. At pag tingin ko sakanya, naka smirk ang loko. Lumapit ito sakin tsaka sinabing...
" Sabay ka nalang saakin. Hatid kita sa bahay niyo." Alok nito saakin
"Ahm, Josh ano kasi Jo-" sagot ko kaso hindi ko naituloy kasi tinapalan niya ng index finger yung bunganga ko
"Oops, I don't take NO as an answer" sabi nito kaya na pa "oo nalang" ako . Binitbit niya yung iba kong mga gamit. Pero ang ikinagulat ko ay ang hawakan niya ang kamay tsaka ako hinila papuntang parking lot. Mabilis kaming nakarating sa bahay ko. May alam kasi siyang shortcut.
"Thank You sa ride Josh ha. Sige bye na. Ingat ka sa pagmamaneho ah.Tututoran pa kita." Pabirong sabi ko.
"No problem, basta yung sinabi ko ha. Wag kang hihindi pagsisisihan mo sa huli na hindi mo'ko matutoran"sabi niya sabay tawa.
"Oo na! Sige na bye. Ingat." Sabi ko sakanya.Hinintay ko siyang umalis bago ako dumeretso sa gate. Ng naka pasok na ako sa loob ng gate hindi ko namalayan na may bagay sa harap ko kaya nauntog ako. Pagtingin ko....
YOU ARE READING
Impossible Us
Roman pour AdolescentsDanielli Ace Ocampo, isang campus nerd. Isang mayamang nerd. Kapatid niiya si Mitchiru Ace Horca, isang campus heartthrob. Sila ang nagmamay-ari ng Sunshine Academy at mayroon rin silang kumpanya. Danielli studied at Blue University before but beacu...