Lorin's POV
Maaga akong nagising dahil kailangan ko ng gumayak upang makatulong kay mama sa paglinis ng bahay lalo na't mag sisimba kami mamaya dahil linggo.Pababa na ako papuntang kusina ng marinig kong may nag doorbell sa labas.Kaya naman dumeretso ako sa labas at isang sulat lamang ang meron doon at isang kahon na di kalakihan .Nag tungo ako ulit sa loob ng bahay at nasalubong ko si mama .
" oh anak magandang umaga !oh ano nga pala yang hawak mo?patingin nga nga"tanong ni mama sakin .
"Ah ma may nag iwan po kasi nito sa labas ng gate natin eh."sagot ko kay mama at inabot sakanya ang box at ang letter na nakita ko .Binuksan naman ni mama ang letter at binasa .
~~~~~~~~~~~~~~~~
Dear Ms. Athana Lorin,We congratulate you for your qualification to be chosen as one of the new students in Supai Academy. We are very pleased to have you here soon.
Welcome to Supai Academy may you have your amazing and unforgettable experience .
From Supai Administration
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Supai Academy?"nag tatakang tanong ko kay mama.
"Ah yun yung Academy kung saan kami grumaduate ng papa mo anak"nakangiting tugon ni mama at sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri niya.
"Ma ngayon ko lang narinig yang skwelahang yan" sabi ko kay mama na naka kunot.
"Yan ay dahil sikreto ang paaralan na yan anak at di basta basta ang nakakapasok diyan,kaya isa ka sa maswerte na naka pasok jaan anak at anak laging mong tatandaan na dapat gamitin ang puso at utak " pag sagot
ni mama sa sinabi ko.binuksan naman ni mama ang kahon at nakita namin ang isang kwintas na may kulay itim na diamond at sa likod nito ay may nakalagay na S.A 10001."Para saan tong kwintas nato ?" Tanong ko kay mama.
"Yang kwintas mo ay may tracking device na nakakabit para kung saan ka mang misyon o nasa panganib ka man ay madali ka lang nilang mahanap o matulungan anak"paliwanag ni mama sakin.
"Misyon?" Nag tagakang tanong ko kay mama.
"Ang Supai ay nangangahulugang Secret agent anak,di tulad ng mga pangkaraniwang skwelahan ang tinuturo dito ay ang pag sosolba ng mga crimen ,pag huli sa mga illegal na trabaho o pagpatay kaya lagi kang mag ingat anak wala ako doon para alagaan ka at tsaka doon ka titira hanggang sa mag karoon ka ng pamilya." Pag paliwanag ni mama sakin at nginitian ako.Ngunit nalungkot ako sa nalaman ko
"Ma makikita pa po ba kita?"malungkot na tanong ko sakanya.
"Oo naman anak may araw ng bisita sa inyo anak at tsaka syempre dadalawin kita ng madalas doon babaonan kita ng paborito mong adobong baboy "nakingiting sambit ni mama at hinimas ang pisnge ko.
"Pero ma pano ka ?mag isa ka lang dito sa bahay"nalulungkot kong tanong.Syempre di maiiwasang mag alala ako lalo na't mag kaiba na kami ng tirahan at lalo na dahil wala siyang kasama sa bahay.
"Para saan pa't naging isa ako sa mga secret agent ng supai anak"nag mamalaking sagot ni mama.nginitian ko naman siya at niyakap.
"Nga pala anak tara at bibili tayo ng mga gamit mo" pag aya ni mama sakin.
"Huh eh mama April palang po ngayon diba?"nag tatakang tanong ko kay mama .tatlong linggo pa nga lang simula nung grumaduate ako ng high school eh.
"Anak iba ang oras sa Supai buong taon ang pasok at mag kaka bakasyon lamang pag pasko, meron naman kayong bakasyon ngunit tatlong linggo lamang ,pag sabado linggo naman ay wala kayong pasok ngunit mag tretraining kayo." Sagot ni mama sakin.
"Ganun po ba mama?kung ganun kelangan ko ng bumili ng mga gamit ko."tumatangong sagot ko kay mama
"Oo anak kaya kumain na tayo at ng makapunta na tayo sa simbahan at pagkatapos ay makabili tayo ng mga gagamitin mo.
After 1 hour
Nandito kami sa simbahan at malapit ng matapos ang misa .Nag pasalamat ako sa diyos dahil sa pagiging malakas ni mama at nag sorry naman sa mga kasalanan ko .Wala na akong hiniling sa panginood dahil kontento na ako sa kung ano ang binigay niya sakin.ilang minuto lang ay natapos na din ang misa at nag tungo na kami ni mama sa isang liblib na lugar.Nag taka naman ako kung bakit dito kami nag tungo imbis sa mga book store ngunit nasagot naman ang katanongan ko ng pumasok kami sa isang gusali.Pag kapasok namin ay pinakita ni mama ang isang card at pinapasok na kami.
"Ma dito tayo bibili ng gamit ko?"tanong ko kay mama
"Ah oo anak nandito na kasi lahat ng kelangan mo tsaka mga dating taga supai ang namamahala dito.binuo ito para sa pag bilhan ng mga gamit ng mga agents na nakapasok sa school."seryosong paliwanag ni mama.
"Ah kung ganun po pwede niyo po ba akong tulungan mama?"tanong ko
"Oo naman anak,sige at ituturo ko ang mga kailangan mo." Sagot ni mama at nag tungo kami sa lagayan ng mga relo, pumili naman si mama at pinakita sakin ang itim na relo na may nakalagay na S.A .Pinaliwanag naman ni mama na mahalaga ang relo samin at magandang klase daw ito dahil may tracking debice na nakalagay dito.Sumunod naming kinuha ay ang isang backpack na di masyadong malaki pinaliwanag din ni mama kung bat namin ito kinuha.sumunod naman ay ang dalawang combat shoes na itim.sabi ni mama ay ito daw ang laging sinusuot ng mga agents at kumuha din siya ng pitong leader jackets na kulay itim.Kumuha din si mama ng sampong pirasong itim na skinny jeans at limang sando at tshirt na puti. Yan daw kasi ang kelangang suot pag nasa loob ng academy. Kumuha din kami ng dalawang lphone case na pwede sa cellphone ko pero kakaiba ang mga phone case na to dahil meron itong pipindotin sa gilid at makukuryente ang sino mang tututukan mo nito at isa naman ay may kotsilyo na di tiklop sa gilid.yun lang ang pinamili namin dahil ang ibang damit na dadalhin ko ay yung mga damit ko nalamang sa bahay ngunit bago kami umuwi ay bumili muna kami ng mga pang first aid ko kung sakali.Pag uwi namin ay tinulungan ako ni mama mag impake ng mga gamit .Kinuha ko ang dalawa kong maleta dahil iyon ang sabi ni mama.kinuha ni mama ang mas maliit kong maleta at nilagay doon ang mga pinamili namin kanina .nilagay din ni mama ang mga luma niyang gamit tulad ng mga wig,make up ,costume at ibang formal dress na kakailanganin daw namin para sa pag dedisguise.inayos ko naman ang mas malaki kong maleta at nilagay doon ang mga damit kong pang araw araw at pang bahay at ang ibang mga panlakad ko siniksik ko din ang isang picture namin nila mama na kasama si papa .kumuha din ako ng apat na pares ng sapatos para sa pang araw araw ko dahil gagamitin daw ang combat shoes pag may misyon kami.matapos kong mag ayos sa isang maleta ay kinuha ko naman ang isa kong backpac na kulay puti para ilagay doon ang mga kelangan ko tulad ng phone ko na nakalagay na sa phone case na binili namin ni mama .nilagay ko sa backpack ko ang mga pang emergency na gagamitin ko at sinuot ko naman ang kwintas na galing sa supai pagkatapos ay tinulunga ko si mama sa pag aayos ng isang maleta.dahil nilalagay niya ang mga iba pang gamit pang disguise at tinuro niya din ang mga gagwin ko kong sakaling nasa misyon ako.Pagkatapos ng pag iimpake ay nag bonding pa kami dahil after ng tatlong araw ay papasok na ako sa S.A
BINABASA MO ANG
Undercover
AksiyonOngoing Isang paaralan na naiiba sa lahat .Isang paaralan na kailangan ng lakas at talino .Isang pa aralan kung saan matuto kang mag isip ng tama sa mga gagawing desisyon . Ang paaralan na tutulong para maresolba ang mga mabibigat na kaso . ♧Highest...