Heizel #7

602 21 3
                                    

Nakasimangot lang ako sa harap ng pool

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakasimangot lang ako sa harap ng pool. Habang ibinababad ang binti ko. Nakatanaw kami ni Mich kina Dad at Frederick- este sa pool pala. Simula ng dumating siya, ay hindi ko na siya nakausap. Si Dad na lamang ang kinausap niya ng kinausap. Narinig ko din sa usapan nila ni Dad, na si Dad talaga ang nagpasundo kay Frederick. As in nagpasundo, eh samantalang ako pinag commute nila. Ah Grabe, grabe nasan ang justice don?

Eto ang huling araw namin ng pagi-stay sa resort. Si Mich naman ay hindi makita si Paul. Aww... hindi na nga pala niya makikita ang lalaking yun. Napatingin ako kay Mich na nakasimangot.

"Mich, lalaki lang yun wag mo alalahanin yun. Kung ayaw ka niya kausap edi wag sino ba ang may kawalan," sabi ko na lamang kay Mich. Sinamaan niya ako ng tingin, napataas naman ang kilay ko sa kaniya.

"Wow! Huh! Bestfriend, parang kanina ka pa nagmamaktol dahil hindi ka kinakausap ni Frederick. Tapos ako pa pagsasabihan mo na wag intindihin. Ikaw nga itong obvious na obvious."

Pagkasabi niyang yun ay bigla akong napatahimik. Sapul na sapul yata ako sa sinabi niya. Hindi ko inintindi ang sinabi niya at napakamot na lang sa ulo.

Bakit ba gusto kong makipag-usap sa kaniya? Naadik na yata ako sa salita niya. Paano kasi ang dami niyang kwento. Tapos nakakatuwa pa siya.

Napatingin ako kay Frederick dahil sa pag-iisip. Shemay bakit ba ang gwapo niya sa sandong black na yun. Bigla na lamang siyang tumingin sa direksyon ko at nagkatitigan kami.

  Pakiramdam ko ay nag-init ang pisngi ko kaya umiwas na ako ng tingin. Naramdaman ko din na nailang siya dahil sabay kaming napaiwas. Napatingin ako sa tubig. Para bang gusto ko na lang lumlob doon dahil ang init talaga ng pisngi ko. Oh Ghad! Kinikilig ba ako. Hindi ko alam pero napakagat na lamang ako sa labi.

"Oh, Heizel bakit namumula ka? May sakit ka ba?," tanong ni Mich na nasa tabi ko. Hinawakan niya pa ako sa leeg para tingnan kung nilalagnat ako.

"Wala ka namang lagnat. Baka naman...," pagkasabi niyang yun ay inginuso niya si Frederick. Napapikit pikit ako dahil kumakalabog na ng malakas ang dibdib ko.

"Ahuh! Baka naman kinikilig ka?," pagkasabi niyang yun ay binatukan ko siya ng malakas. Bakit ba ganito ang mga kaibigan napakabilismakahalata.

Nakita ko si Denver na mag-isa habang naglalakad palabas. Mahina akong itinulak ni Mich.

"Go! Girl! Sabihin mo na kay Denver yug nakita mo. Para hindi na siya magtanga-tangahan kay Laiz na malandede," sabi ni Mich sa akin.

"Paano kung hindi naman maniwala ang isang yun?"

"Edi hayaan mo na siya magpakatanga forever."

Sinunod ko ang sinabi ni Mich. Lumapit ako kay Denver. Nakita naman ako nito at agad akong binati.

"Oh Heizel!"

"Ah eh. Hi!," sabi ko na lang. Naglakad lakad kami palabas. Nagkwentuhan kami sa paborito naming banda at mga bagong kanta. Nyiee! Paano ko isisingit ang kadumaldumal na pangyayaring iyon? Inhale, inhale. Ehem mali pala inhale, exhale pala yun.

"Denver nakita ko si-"

"At ano namang ginagawa dito ng babaeng mang-aagaw? Baka maagaw mo pa ang boyfriend ko," nagulat ako ng nagsalita mula sa likuran namin si Laiz. Ang bruha talaga, bad timing na naman.

"Ah eh, Babe nag-uusap lang kami ng kaibigan ko," paliwanag ni Denver.

"Excuse me, hindi ako mang-aagaw," sabi ko kay Laiz habang nakapameywang. Tsk. May araw ka din sa akin Laiz ka. Titirisin kita na parang lisa.

"Tsk. Sa susunod na makipag-usap ka sa kaniya, break na tayo," biglan umalis si Laiz. Nagkibit balikat lamang si Denver at sinundan na si Laiz.

Sa tagal ng pag-uusap namin ni Denver ay hindi ko na alam kung saan ba kami nag punta. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Naliligaw na yata ako. Lumapit ako sa isang ale na nagtitinda ng mga sigarilyo at candy.

"Ah, ale alam nyo po ba kung nasaan yung San Juanica Resort?," tanong ko sa matanda.

"Ah, lumiko ka dyan sa Juan street tapos pagkalampas mo ng Tamad Street ay lumiko ka naman ng Bayabas Street," napatango-tango na lamang ako doon sa ale. Napakapa-kapa ako sa bulsa. Shet, naiwanan ko pa cellphone ko. Dibale na dadaanan ko na lang yung mga nakakataas ng kilay na Street.

Juan Street.
Tamad Street.
At Bayabas Street.

Parang sinadya ginaya ba yun sa Sesame Street ay este sa kwento ni Juan Tamad. Korni ko talaga.

Gaya ng sinabi ng matanda ay dumaan ako sa mga street na yun. Pagdating ko sa dulo ay nakabasa ako sa karatula. San Juanica Spa.

Nyek mali ba yung pagkakarinig ng matanda. Ugh! Ang haba pa naman ng nilakad ko. Ang layo naman ng salitang 'resort' sa 'spa' diba?

Napatingin ako sa wrist watch ko. 3:08pm na agad! Wahhh! 6:00 ang uwi namin pagkatapos naliligaw pa ako. Minabuti kong maglakad pabalik. Bigla na lamang kumulo ang tiyan ko. Eheee... Gg na gg na ako. Galunggong na galunggong este gutom na gutom. Nakakita ako ng isang batang lalaki. Siguro naman kapag bata ang tinanong ko ay masasagot na ako ng tama.

"Ah, bata, alam mo ba kung nasaan yung San Juanica Resort," tanong ko sa bata. Napakurap lang ito at napakagat sa thumb nail niya.

"Da-da," sabi nito. Agad namang dumating yung nanay at hinila na ang stroller. Napakamot na lamang ako sa ulo. Ehe-ehe. Natatanga na yata ako sa mga ginagawa ko. Bakit ko pa aasahan na magsalita yung nasa 1 year old pa lang na bata. Gutom na nga siguro ako.

Nakakahiya namang magsabi sa mga tanod dito na naliligaw ako. Eh kasi ang tanda ko na. Mas mabuti sigurong magtanong sa teenager na katulad ko. Lumapit ako sa isang lalaki na sa tingin ko naman ay kaedaran ko lang din.

"Ah- eh pwede magtanong? Alam mo ba kung saan yung San Juanica Resort," tanong ko.

"May kapalit, penge number mo," pakasabi niyang yun ay nasampal ko siya ng malakas sa mukha. Pagkatapos ay umalis na ako habang siya ay tulala. Tsk! Ang harsh ko talaga. Mas maayos pa kasi siyang kausap doon sa bata. Tse, ngayung napapagod na ako kakalakad eh. Nabubuwisit na din ako eh. Nakakainis.




Nang hapon hapon na ay napagpasyahan kong tumigil dahil napapagod na talaga ako. Hingal na hingal akong umupo sa kalsada. Para akong luka may bench pala sa gilid. Tumayo ako at umupo na dun sa bench.

"Uy! Ang ganda nya oh! Ang kinis ng balat, tapos wuuh! Ang shexy!," napalingon ako ng may magsaklita sa harap ko. Nakataas lang ang kilay ko ng tumingin sa kanila. Baka gusto nilang pakitaan ko sila ng technique?

Tatlo silang lalaki na may malalaking katawan. God! Hindi ko kaya ang mga ito. Hindi ito katulad ng mga kanto girls na nakalaban ko dati,  sila ang mga gangster na kanto boys. Napangibit na lamang ako. Tatakbo pa sana ako ng hawakan nila ako sa braso.

Mabilis na nagproseso ang dalangin a aking utak. Sana patawarin ako ng diyos sa mga nagawa kong kasalanan. Sana may pag-asa pa akong mabuhay. Sana vmaging virgin pa din ako hanggang sa kabilang buwan. Wahhh!!

10 Nights with You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon