5th Night

598 24 6
                                    

Isang oras na akong naghihintay dito sa may tagpuan namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isang oras na akong naghihintay dito sa may tagpuan namin. Hindi naman siguro niya ako ginogoyo. Kanina pa ako naghahampas ng paa dito sa sahig sa sobrang inis. Matapos niyang mag 'i love you' sa akin hindi niya ako sisiputin? Ay grabe.

Nung mag 7:30 na ay pinagpasyahan ko ng umuwi. Kaso nakapansin ako ng may tumitingin sa akin sa gilid ko. Nakaupo ito sa ilalim ng puno at naka-cap. Nagpalinga-linga ako sa paligid upang may hanapin. Nakita ko naman ang kotse ni Frederick. Balak niya pa akong pagtaguan. Nakakaasar sya.

Nilapitan ko ang lalaking naka-cap at tinanggal ang cap nito. Nakita ko naman ang gulat na gulat na mukha ni Frederick. Napangiti siya ng bahagya ng makita ako, pagkatapos ay bahagyang napakamot ulo.

"Tataguan mo pa ako?," sabi ko kay Frederick at pinanlakihan siya ng mata.

"A-h e-eh p-papunta na s-sana ako k-kaso-."

"Tara na."

Hinigit ko na siya dahil naasar na ako sa kaniya. Konting oras na lamang ang meron kami at naiinis ako dahil doon.

"T-teka wag mo kong higitin sa damit," reklamo niya. Patuloy ko pa din siyang hinigit sa damit. Napangiti na lamang ako sa kawalan ng hindi nalalaman.

Nagpunta kami sa kung saan. Kumain ng foods, nanood ng mga banda.

"Anong ibig sanihin nung sinabi mo?," tanong ko habang nakaupo kami sa isang bench. Napatingin ako dito at napatingin din siya habang humihigop ng juice.

"Huh?," pagtatanong niya. Alam ko namang alam niya yung tinutukoy ko kaya hinigit ko ang tuktok ng tenga niya at inilwpit sa akin.

"Shunga ka ba? O tanga-tangahan lang? Yung 'i love you' thing ang tinutukoy ko."

"I love you? Mahal mo ko?" Napabitaw na lamang ako sa tenga niya at napairap. Minsan malakas talaga ang saltik ng isang to. Lumayo ako sa kaniya at hindi na kinausap. Pinagbalingan ko na lamang ang pagkain ko at tumingin sa malayo.

Magpapanggap pa siyang nakalimutan niya. Sino bang makakalimutan sa unang pagsasabi ng lalaki sayo ng 'i love you'. Masasabunutan ko talaga siya pag nagkataon.

"Heizel... i love you."

Napatingin ako sa kaniya nga magsalita siya. Nakatukod ang isang binti niya at may nakaalok na singsing. Para siyang mag-aalok ng kasal. Ngumiti siya sa akin at seryoso ang mga matang nangusap sa akin.

"I love you," pag-uulit niya.

"Pwede bang manligaw?," tanong niya sa akin at nagpa-oo na lamang sa akin. Isinuot niya sa akin ang magandang singsing.

"Para sa panliligaw pa lang to?," tanong ko. Tumango siya.

"Pupunuin mo yata daliri ko. Napahawak siya sa bibig at nakita ko na naman ang nakakaloko niyang mata.

"Ibig sabihin papayag ko kung maging tayo,  at magpakasal?," sabi niya. Naningkit ang mata ko at tinapik siya.

"Uy! Wag kang umasa. Mapili ako sa lalaki."

"Gwapo naman ako ah."

"Mahangin naman utak," sabi ko sa kaniya. Nalungkot ang mukha niya at umiwas ng tingin.

"Kung ganyan ka baka mag- divorce tayo niyan," sabi niya at bigla kaming nagkatinginan. Pagkatapos ay napatawa siya.

"Para kang baliw."

"Baliw sayo," sabi niya.

"Hindi na yan uso, dude," sabi ko at bigla siyang lumapit sa akin. Sa sobrang lapit niya ay amoy na amoy ko ang pabango niya.

"May kapatid ka ba? Frederick?," tanong ko. Biglang napatagilid siya ng ulo at bahagyang napaisip. Pinag-iisipan pa ba yun?

"Oo meron, babae si Francesca. Pero para namang hindi kami nagkakausap minsan lang. Pero close kami, kahit na pareho sila ni papa na uuwi aalis. Bakit mo naitanong?"

"Baka kasi pagnalaman ko at tinanong ko kung bakit hindi mo sinabi ay sabihin mo na hindi ko naman tinatanong." Tumango na lamang siya sa akin.

"Ang bait nung papa mo. Close ko na," sabi niya at bumaling sa akin.

"Mabait talaga yun. Pero medyo masungit."

"Eh hindi naman."

"Sayo, oo mabait eh sa akin masungit," sabi ko at inirapan siya. Nakakita ako ng ice cream at lumapit doon para bumili. Bumili ako ng isang malaki at bumalik kay Frederick.

"Tara, maglakadlad tayo," sabi niya at hinigit ako. Naglakadlakad kami. Pinagbalingan ko ng maiigi ang ice cream dahil mabilis itong tumutulo.

"Nakamove on na ako, ikaw?," tanong niya sa akin. Napaisip ako sa isasagot sa kaniya. Kung sasabihin ko kasi na naka-move on na ako, isa lamang ang ibig sabihin nun. Ibig sabihin lang nun ay nakapag-move on ako dahil sa kaniya. At kung hindi, baka manligaw siya with effort.

"H-hindi p-pa."

"Ibig sabihin, mahal mo pa din ang Denver na yun? Mas gwaping naman ako sa kaniya ah," sabi niya at nagpout sa akin. Napansin ko na lamang ang malamig na pagtulo ng ice cream sa kamay ko.

Napatingin ako sa kaniya ng kumuha siya ng panyo at punasan ang kamay ko.

"Sa susunod kasi wag bibili ng malaki."

Kinuha ko naman ang panyo at bigla na lamang umakyat ang mga dugo ko sa mukha.

"A-ako na."

Kinan ko na ang ice cream at inubos bago ko pinunasan ang kamay ko. Nagpalamig muna ako bago muli humarap sa kaniya. Inabot ko uli ang panyo sa kaniya.

"Oh." Kinuha niya ang panyo at tumingin sa akin. Nagulat siya at tiningnan kung mainit ba ako.

"Namumula ka? May sakit ka ba?," pag-aalala niyang tanong. Lalo akong namula ng ilapat niya ang kamay niya sa noo ko. Ang lambot ng kamay niya.

"Ah o-oo may sakit nga yata ako."

Pilit na napangiti ako dito. Hinila niya na ako papuntang kotse at ikinuha ng kunot sa backseat. Ikinumot niya sa akin ang malambot na kumot. Napahawak na lamang ako sa kumot at napayakap sa sarili ko.

"Wag ka kasing kakain ng ice cream pag gabi."

"Masarap kasi yun," sabi ko nq lamang kahit wala naman talaga akong sakit. Napadantay na lamang ako sa kaniya. Pakiramdam ko ay dinalaw ako ng antok.

"Sige matulog ka na. Ihahatid na kita sa inyo."

Hindi ko na namalayan ang oras sa biyahe. Sobrang antok siguro. Nung malapit na kami ay ginising na niya ako. Napagtanto ko na lamang na nakayakap na ako sa kanya.

Napabalikwas na lamang ako sa gulat. A-ano?

"Malapit ka na, baka yumakap ka pa sa akin at hindi ka na umuwi eh," sabi niya at natawa. Napamaang na lamang ako.

Pagkahinto niya ng sasakyan ay bumaba na ako. Pakiramdam ko ay lalong namula ang pisngi ko.

Bakit ba ako kinikilig?

10 Nights with You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon