ANG KATAPUSAN

43 0 0
                                    

Ganito ang isang mukha ng boarding house sa Sta Mesa, isang kwarto na inayos at nilagyan ng mga double deck. May isang maliit na bintana lamang kung saan pumapasok ang hangin at ingay ng mga kapitbahay at isang kurtina na taon ata bago mapalitan o labhan. Isang kwarto na may lumang pintura ang kisame at pader, kutim ang kulay. Sa kisame ay makikita mo ang isang malaking ceiling fan, maalikabok at malilinis lamang kung may sinipag. Sa isang gilid malapit sa banyo ay may isang malaking cabinet na ginawang locker, kung saan ay hinati sa walo. Ang bawat locker ay may mga pakulo, kung saan may mga nakadikit na poster, samantalang ang iba naman ay mga sticky notes, mga quotes at picture nila. Sa itaas ng cabinet ay nakalagay ang mga tambak na damit, karton, libro at ano ano pang gamit.

Karamihan ay magulo at may mga nakasampay na damit sa kanya kanyang higaan, maaaring nagpapatuyo samantalang ang iba naman ay bagong plantsa. May mga higaan na parang ginawa ng kama ang mga libro at notebook, samantalang ang iba ay punong puno ng stuff toys.

Tatlo lahat ang kwarto na pinapaupahan at bawat kwarto ay may tatlong double deck. Kung susumahin ay labingwalo kaming umuupa sa boarding house. Mahirap makisama sa una lalo na pag bedspacer, ganun naman talaga kapag sa una. Lalo na at iba-iba ang aming ugali at probinsyang pinanggalingan.

May oras na hindi ka makapagfocus sa ginagawa mo, pagsusulit man o proyekto, imbis na ibigay mo ang oras mo sa ganoong bagay maaakit kang makipagkwentuhan sa mga kasama sa bahay. Kwentuhang nakakatakot, masaya, nakakakilig, bagong movie, mga crush namin, lahat lahat na pwedeng pag usapan. Unahan sa banyo lalo na kapag marami kang kasabay pumasok, pila ang sabonera at kailangan din mag adjust sa time ng paliligo.

Ganito ang pangkaraniwang setting pag malayo ang bahay mo sa Unibersidad na pinapasukan. Kailangan magsakripisyo at mamuhay ng mag isa. Ngunit di naman kailangan mamuhay ng mag isa, syempre sa pagdating ng panahon matuturing mo na ring pamilya ang mga taong nakasama mo sa bahay.Meron ka lamang hindi makakasundo pero ang mahalaga ay attitude at pasensya.

"Rea, ano? Nakatulala ka na naman, nalulungkot ka ba at aalis ka na sa boarding house? " tanong ni Ate Jasmin sabay hawak sa balikat ko.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti " Ah, oo naman ate, Mamimiss ko kayo, imagine four years na tayo magkasama sa kwarto"

" Nako , ok lang yan pwede ka naman dumalaw, saka para naman ang layo ng lilipatan mo, dyan lang naman sa gilid ng PUP" sabay tawa ni Ate Jasmin.

Apat na taon ko na kasama si Ate Jasmin sa kwarto, Isa siyang Certified Public Accountant na nagtapos sa PUP. Maganda na ang trabaho niya ngunit NBSB pa rin siya. Di naman sa walang nanliligaw pero hindi niya prioridad ang love life, lalo na at siya ang bread winner sa kanilang pamilya na nakatira sa Bicol. Kaya ang focus niya ngaun ay trabaho, trabaho at trabaho. Saka na daw ang love life, bigla bigla na lang daw 'yun dadarating sa di mo inaasahang pagkakataon at pangyayari.

"Syempre no, di na tayo mag sasama sa bahay." Napahinto ako at nagisip ng konti " Ah, oo nga pala, kung may naiwan man akong gamit dito sa kwarto pakitext na lang ako at babalikan ko"

" Naku kung pera yan, di na kita itetext" sabay tawa.

Nagpaalam na ko kay Ate Jasmin, at sa land lady namin na si Tita Let, apat na taon din ako tumira sa boarding house na ito. Mabait kasi ang may ari at hindi gaanong mahigpit. Si Tita Let ang babali sa mga imahe ng land ladies na nakasaya at nakarollers ang buhok. Maraming boarding house sa Teresa ngunit swerte ka lamang kung makakakita ka ng magandang bahay at mabait na may ari. Kung may mabait na may ari naman pangit ang bahay, maraming daga at ipis, kung maganda naman ang bahay minsan masungit ang land lady. At isa na ako sa mga swerteng estudyante na nakakita ng magandang bahay at mabait na may ari.

Pero ngayon ay lilipat na ako ng ibang bahay, apartment type na ang kinuha namin ng mga magulang ko dahil mag aaral na ang kapatid kong bunso sa UE at ang pinsan ko naman sa NU. Mas maganda na sama sama kami para mababantayan ko din ang mga bata. Eventhough na mga lalaki sila, kailangan ay may sapat silang guidance, mahirap na, sayang ang pag papaaral, mahal kaya ng tuition fee.

MAKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon