Kung bibilangin mo ang mga mura na nilabas ko sa bibig ko ay kulang pa ang pinagsama sama naming daliri nila Ate Jasmin, Jola, Bem at Camille. Inimbitahan ko si Bem sa boarding house upang damayan ako dahil malapit lang naman ang bahay niya. Iba pa rin kasi na karamay mo ang mga kaibigan sa mga ganitong panahon.
Masakit parin ang nangyari, parang isang panaginip, isa palang bangungot. Suot pa rin ang dress na navy blue ang kulay ngunit hulas na ang make up dahil sa mga luha na umagos. Hawak ang chaser sa isang kamay at alak naman sa kabila. Sumasabay ang mga malulungkot na tugtugin sa mp3 ni Camille sabay ang malamig na hangin na galing sa bintanang nakabukas.
Nakatingin lamang si Camille at Jola sa akin, malungkot at tilang awang-awa sa akin. Samantalang si Ate Jasmin ay hawak ang kamay ko. Walang tigil ang aking pagluha, walang tigil ang pagtusok ng karayom sa aking puso. Nalaman ko na ang totoo. Lumabas na ang katotohanan na pinagpalit na ko ni Kio. Malaking tulong din pala ang pag asa sa mga panahong marami akong tanong. Pansamantala lang pala, nawala na ang pag-asa ko at tanging pinanghahawakan ko ay ang durog kong puso.
"Almost 3 years, sinayang niya, ipinagpalit niya ko!" sabay inom ng alak na mapakla at sinundan ng chaser.
"Hindi naman kagandahan, maputi lang" sabat ni Camille habang nagtatagay at nakatingin sa picture ni PJ.
"Natwo time ako, Bakit ba ganyan lahat ng lalaki?" sabay hagulgol at gigil sa kamay ni Ate Jasmin.
"Di naman lahat ng lalake ganoon, may mga natitira pa rin, nagkakataon lang na nakilala mo siya" sabat ni Ate Jasmin
"Pusa! Nakilala ko pa siya, iiwanan niya lang pala ako?"
"Di lahat ng nakikilala mo magtatagal sa buhay mo, Yung iba dadaan lang, yung iba magbibigay ng malaking leksyon sa'yo pero iiwanan ka, Maraming dahilan, hindi mo lang alam pero darating ang panahon malalaman. May nawawala man na taong mahalaga sa atin Rea, ang importante, natuto tayo." Sabi ni Ate Jasmin.
Tumingin ako sa kanila, at tumingala upang pigilin na ang mga luha na lumalabas. Nakikinig ako sa music na pinapatugtog. Kanta para sa taong katulad ko, kanta ng Spongecola
"Oh, Kay bilis namang maglaho ng pag-ibig mo sinta, daig mo pa ang isang kisapmata"
"Huwag ka mag alala Rea darating ang panahon, gigising ka na lang, nakalimutan mo na siya" sabi ni Ate Jasmin na tumayo at unti unti naglakad papuntang kwarto upang kuhanan ako ng damit.
"Mahal ko pa siya, hindi ko kaya na mawala siya?" sabay akap kay Bem na nasa kaliwa ko.
"Ano ba gugustuhin mo? Araw-araw ka niyang sinasaktan? Libre ang pagiging tanga. Hoy, pero wag mo naman araw arawin? Ano ka Mutya ng Tanga? Wala nang space para sa monumento mo." Sabat ni Camille habang kinuha ang basong tinagayan ni Jola, tumingin siya kay Jola "Ano to? May naiwan pang Santiago. Ubusin mo to Jola!." Inabot ulit ni Jola ang tagayan na baso at ininom ang natira.
______________
September 2013
"Ai oo nga Rea, yan ung umuuwi ka na umiiyak at umakap ka sa amin ni Jola" Sabat ni Ate Jasmin na nakikibasa din ng Diary.
Tumawa lang ako "Oo, yan 'yung time na takot na takot ako sa mga kasabay ko sa jeep pauwing Sta Mesa"
"Nako Rea, awang-awa kami sa'yo noon, di namin alam gagawin ni Jola.Gusto mo nga magpakamatay 'non eh, after mo mag aya uminom"
" Really?" isang gulat kong tanong
"Oo, Pero ang mahalaga tapos na 'yan Rea, Naka move on ka na diba?" sabay ngisi ni Ate Jasmin.
Tumahimik ako at sumagot "Oo naman. 'Yun lang naman, matagal na" sabay ngiti. Isinara ko na ang notebook at nilagay sa kahon.
"Sige Ate Jasmin alis na ko ah, baka hinahanap na ko nila Papa at Mama"
![](https://img.wattpad.com/cover/151744166-288-k919096.jpg)
BINABASA MO ANG
MAKO
RomanceMahal na Mahal kita at hindi ko na kailangan ulit ulitin, nang paulit-ulit at araw-araw ang mga salitang ito . Nasasaktan ako kasi hindi na ko sa'yo, at hindi ka na akin. Parang unti-unti ako nag nagpapakamatay sa ilusyon. Nasasaktan sa bawat ginag...