MARATHON

15 0 0
                                    

Unfriend, Unfollow, Block 'yan ang naririnig ko sa apat kong kaibigan at sa isip ko na nagtatalo sa facebook ni Kio, Naguguluhan ako kung ano ba ang dapat gawin, kung ano ba ang tama at makakabuti sa akin, sa amin. Halos dalawang lingo na simula nang nagyari ang mga bagay na 'yon, sariwa pa, pero wala naman ako magagawa kundi maghintay na maghilom ang aking puso.

"Te, Unfriend mo na, ano ba yang sinasabi mo na unfollow lang?" galit na tono ni Yan habang nag uupload ng picture namin sa fun run.

"Di ba nakakahiya na in unfriend ko siya? " Isang alangang sabi ko sa kanila.

"Bakit? Nahiya ba siya sa mga ginawa niya sayo?"

"Tama, kaya I-block mo na" sabat ni Roland na nang gagago ang mukha, na sinabayan pa ng kantyaw ni Jhon.

"Alam niyong dalawa kayo, panggulo talaga" suway ni Yan na nakaupo sa tabi ko habang nag tatag ng pictures.

"Shet! Huwag mo kong i-tag dyan" sabi ni Jhon na nakasilip sa monitor ni Yan. "Ang panget ko dyan."

"Ai, wala naman pinagbago kahit sa personal" sabay tawa ni Yan.

"Gago ka Yan, tingnan mo si Roland pagod na pagod"

"Patingin" sabay hawi kay Jhon "Sino ba naman di mapapagod 5km tinakbo natin kahapon. Hanggang ngayon masakit pa binti ko."

"Wala kayo binatbat nauuna pa ko sa inyo" pagmamayabang ni Yan.

"Syempre, kabayo ka" sabay basag ni Jhon at may insultong tawa.

"Ah, sinusubukan mo ko, tag ko talaga 'to sayo."

"Huwag" sabay agaw ni Jhon ng mouse.

"OMG" isang gulat na pagkasabi ni Bem na nag cocomputer din sa kaliwa ko.

Lahat kami ay nagulat at napatingin sa kanya, tumigil sina Jhon sa asaran at napatigil ako sa pag view-view ng pictures namin sa fun run. Nagulat si Bem dahil ang profile picture ni Kio ay ang kanyang bagong girlfriend. Nasa Vigan sila, eto pala ang pinuntahan ni Kio nung mga panahong nag aayos siya ng damit at iaabot ko sana ang letter. Magkahawak ng kamay at may couple shirt pa sila Kio at PJ. Pangarap namin ni Kio 'yan, ang magpunta sa Vigan, magbakasyon, maglibot at makita ang Vigan Heritage Village. Ngayon natupad na niya ang pangarap, pero iba na ang kasama.

"Rea, Please wag mo nang tingnan 'to, masasaktan ka lang" sabi ni Bem sabay hawak sa mukha ko para ilayo sa monitor niya.

"Ok lang. Ano ka ba Bem?" isang malungkot kong sagot, masakit man tingnan pero 'yan ang reyalidad, napatigil ako saglit at nagsalita "Delete ko na albums namin" sabay ngiti. Tama si Bem nasasaktan ako pero wala na ko magagawa kailangan ko na harapin ang problema na 'to. Kailangan focus, marami na ko ginawang kakapalan ng mukha pero di tumalab kay Kio, tama na ang katangahan. Nag uumpisa na ko, ngayon pa ba ako susuko.

"Unfriend mo na ah, wag ka manghinayang sa mga taong ikaw ang mismong sinayang, you deserve something better, lahat tayo. Para lang yan pagtakbo, napapagod din tayo pero mahalaga matapos natin. "

"Yan, alam ko naman nag uumpisa na kong tumakbo, wala naman tumatakbo patalikod dapat laging paharap. Napapagod ako pero pag papatuloy ko pa. Napagod sa kin si Kio,at pagod na rin akong maging tanga.

Tumahimik sila at nakatingin lamang sa 'kin. Tinype ko na sa search button ang pangalan ni Kio, Kio Madrigal.

Binuksan ko na ang profile ni Kio In Relationship with PJ Gonzales, binasa ko ang ibang status, mukha nga na masaya na siya kay PJ, at di ko na ipipilit pa ang sarili ko. Clinick ko ang profile ni PJ, profile na ilang araw ko na din tinitingnan. Masaya si PJ at halos lahat ng galaw at date nila ay nakapose sa social media. Minahal ni Kio si PJ at sigurado ako na mahal na mahal niya ito. Mula sa picture na magka-akap sila, magkahawak ang kamay at ang mga masasaya nilang lakad. Kaya tama na ang kahibangan Realyn Balajadia, tapos na ang lahat, iunfriend mo na. Binalik ko ulit ang profile ni Kio at dahan-dahan ko itinapat ang cursor sa unfriend at pikit mata kong clinick. Nagpalakpakan ang mga kaibigan ko na parang tanga lang ngunit masaya sa ginawa ko.

MAKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon