October 2013
Bumaba ako ng jeep at pumasok sa isang fastfood chain upang kumain ng tanghalian. Bagong pasok pa lang ako nang makita ko ang isang lalaking nakangiti, kasama ang mga kaibigan niya. Nakapolo siya ng puti at naka chino short na brown.Unti-unti niya kong nilapitan at tiningnan ng deretso.
"Rea" sabay ng isang ngiting napakatamis "Tagal na natin di nagkita ah"
Tumingin ako sa kanya , nabigla at parang sumikip ang dibdib ko. May halong gulat at tanong na, Bakit? Di ko alam ang sasabihin ko, papansinin ko pa ba siya? Alangan akong sumagot pero sinubukan ng bibig ko ang bumuka.
" Oo nga" isang dahan-dahan kong sagot " Ikaw, kamusta na?"
" Ok naman, so............. Kamusta ka na?"
Kinamusta niya ako? Bakit?Natulala lang ako at di ko alam ang sasabihin ko ng biglang nagsalita ang kasama ni Kio sabay akbay sa balikat niya.
"Ui Rea, di ka ata makasagot" tiningnan ko kung sino ang nagsalita, si Mak pala. Ibang iba na itsura niya, lalong tumaba ngunit higit na tumangkad kumpara sa huling kita namin.
"Umupo muna tayo, Iorder mo si Rea, Chit." sabi ni Mak, isa sa mga kaibigan ni Kio.
Dali-dali umorder si Chit para sa akin kahit na pinipilit ko na kumain na ako at kailangan ko na umalis. Kahit sa totoo ay hindi pa. Pinilit nila akong paupuin sa tapat ni Kio at wala akong nagawa. Napaupo ako sa harap ng Ex ko at tumingin lang sa kanya.
"So, Rea kamusta ka na?"
"Parang kakatanong mo lang niyan ah" sabay tawa, napatawa din sila Kio "Ok lang naman ako , mabuti, ikaw?" Napilitan akong magtanong upang di nila mapansin na may iba akong nararamdaman sa pagkakita ko kay Kio.
"Ok naman ako, Always." Sabay ngiti niya, Ngumiti lang ako at bigla ulit siyang nagtanong
"Ah" Tumingin si Kio sa malayo at nagsalita ulit "Anu naman pinagkaka abalahan mo?"
"Wala pa, kagragraduate ko pa lang nung May, Magiging busy pa lang. Kakatanggap ko palang sa work"
"Wow, galing mo talaga" sabay hawak sa kamay ko. Nagulat kami sa nangyari at bigla niyang tinganggal.
"Asan pala si Pj? Kamusta na siya?" isang alangang tanong
"Wala na kami, 5 months na, daming problema"
"Kaya , muling Ibalik" sabat ni Mak
"Ha?" Nagtanga tangahan ako upang di na maungkat ang mga nangyari.Tumingin lang ako sa paligid at tiningnan ang mga taong kumakain, parang ang bagal ng oras, parang ang bagal ng mga kilos.
Ganitong ganito din halos ang ayos ng fast food chain almost 5 years ago. Nag improve lang ang ibang facilities at nagbago lang ang ibang ayos ng upuan at lamesa. Pawang mga tao lang ang nagbago.
Biglang ano-ano ay pumasok sa isip ko ang mga panahong nagkakilala kami ni Kio, Mga panahong ang kulay ay kakaiba at mga panahong kakaiba ang lasa ng pagkain. Nag aya noon si Jola para kumain sa labas kasama ang classmate niya na si Mak. Kilala ko naman si Mak at nakakangitian ko naman minsan dahil lagi nakatambay sa boarding house kung may group project sila nila Jola. Nakatira si Mak sa may Teresa bedspace rin kaya madalas ko siya makasalubong
July 2009
"Ang tagal mo naman Jola" sabi ni Mak na gutom na gutom na ang itsura
BINABASA MO ANG
MAKO
Roman d'amourMahal na Mahal kita at hindi ko na kailangan ulit ulitin, nang paulit-ulit at araw-araw ang mga salitang ito . Nasasaktan ako kasi hindi na ko sa'yo, at hindi ka na akin. Parang unti-unti ako nag nagpapakamatay sa ilusyon. Nasasaktan sa bawat ginag...