Kasama ko ngayon si Kurt at hawak hawak niya ang kamay ko simula nung umapak kami sa isang warehouse. Hindi ko mabasa ang mukha niya at humihigpit din ang kapit niya saakin. Nanginginig pa ang mga kamay ko ngunit di ko alintana ito ngayon.
Pumasok kami at una kong nakita ang kapatid niya na si Joseph at isang lalaki kasing edad ni papa na mukhang takot na takot at putok din ang labi niya sa kaliwang bahagi. Bakas din ang natuyong dugo sa kanyang ilong.
"Kurt. Ano to?" Tanong ko.
"Look at him. Carefully. What do you remember?" sagot niya. Hindi parin niya binibitawan ang pagkakahawak sa mga kamay ko. Tinignan ko na mabuti ang lalaki at pilit inalala kung saan ko ito nakita. Hindi ko maalala ang kaniyang mukha ngunit may isang bahagi sakaniya ang nagpanginig sa buong katawan ko at nakapanghina.Ang pilat na yon sa kaniyang noo.
Hindi nako nakapagpigil at akma ko siyang susugurin para pagtatadyakan at suntukin. Dahil kahit anong sakit man ang maramdaman niya ngayon kulang pa sa lahat ng sakit na pinagdaananan namin. Kulang ang buhay niya para sa mga oras nawala sa kapatid ko at sa buhay ng anak ko. Malalakas na hagulgol at palo ang natamo niya mula saakin ngunit inawat at pinigilan ako ni kurt at inilayo na rin siya ng kaniyang kapatid.
"Corinne. Tama na. Hindi siya ang dapat mong saktan" tumingin ako kay kurt saka naman pumasok ang dalawang lalaking dala ang isang babae. Isang babaeng pamilyar ang mukha. Mukha ng isang matapang at mapang abusong babae.
"Tita Clara?"
"Siya ang nag utos sakaniya na nakawan kayo na nag resulta sa--" hindi ko na pinatapos pa si Kurt dahil dali dali akong lumapit kay tita clara saka siya binigyan ng malakas na sampal..sampal na matagal ko ng hihintay"Demonyo ka" madiin ko na sabi sakaniya ngunit pagak lang niya ako tinawanan
"Ang kapal ng mukha mo. Pagkatapos ko kayo alagaan at tanggapin sa pamamahay ko ganito lang ang igaganti mo saakin?! Kung alam ko lang sana matagal ko na kayong hinayaan magutom sa lansangan!"
"Ang kapal ng mukha mo magsalita ng ganyan pagkatapos lahat ng sakit at pagnanakaw na ginawa mo sa tatay ko at sa mga kapatid ko? Pinatay mo ang anak ko..... At pagbabayaran mo lahat lahat ng krimeng ginawa mo!"
"Gaga! Wala akong krimeng ginawa. Siningil ko lang ang tatay mo! Hindi ko alam na buntis ka. Wala kang pinagkaiba sa nanay mo. Malandi" nagpanting ang tenga ko at akma sana ako lalapit sakanya ngunit kaagad ako naawat ni kurt
"Pagbabayaran mo lahat ng to" Madiin banggit ni kurt sa bawat kataga niya. Napalunok si tita clara saka sinensyasan ni kurt ang mga tauhan niya na ilabas si tita clara maging ang kinakasama nito.
Niyakap ako ng mahigpit ni kurt at umiyak ako sa balikat niya. Hindi ko lubos na maisip na dahil sa kasakiman sa pera ng tiyahin ko, magagawa niyang manakit ng inosente. Ng dahil lang sa pera pinagtangkaan kaming nakawan ng mga kapatid ko. My stomach was shot and my sister hit her head. Si celeen lamang ang nakaligtas saamin at humingi ito kaagad ng tulong ngunit huli na ang lahat. I still lost my angel.
"I am sorry kurt if i didn't tell you. I was filled with anger and guilt. I was depressed and I didn't want you to know dahil... Nung araw na iwanan moko ang araw na nalaman ko na buntis ako. Hindi ko alam paano sabihin sayo at nung mawala siya saakin.... Minabuti ko ng sarilinan ang lahat at iwan ka.. I was angry at everyone and I am so sorry..i know it's unfair" pinikit ko ng mariin ang mga mata ko at naramdaman ko ang mahinang paghila niya sakin para sa isang yakap.
"I am sorry if I had to leave Corinne. I am sorry for all the hate."
" I deserved it" bumitaw siya sa pagkakayakap saakin and he cupped my face
"You deserve none of that corinne. Pagmamahal ang deserve mo. Kung sana man lang iniunawa ko ang lahat before all of these anger consumed me. It was my fault. I wasn't there when you needed me""Corinne. Please let me stay with you. Let me take care of you. Let's start again"
"Kurt... Paano si gabriella" he chuckled to my question
"Gab and I are friends. Walang iba Corinne. Ikaw noon. Ikaw ngayon. I love you. Please let's make it right"I smiled at kurt and he kissed me.
A passionate one."ngunit bago ang lahat we need to settle this first" he smiled at me
"don't worry corinne. I got this"
BINABASA MO ANG
Fuck Under the Thin Sheets
ChickLitAll Corinne did for the last four years is to hide the tragic and ugly truth why she left Kurt suddenly. But what if all of her efforts to hide it will be put into waste when Kurt found out the truth? What will she do when Kurt asks him to pay with...