Humiga ako sa kama ko na Hindi parin makapaniwala sa mga nangyari. Paulit ulit na naglalaro sa isipan ko ang mga eksena kanina.
Hinalikan niya ako. Napapikit ako. Medyo late na para sa mga ganitong feeling dahil Hindi nako high school at college. Kung kailan nag post graduate doon ako nag ala teenager.
Pero sa kabila ng kalituhan at sa lahat ng pag iinarte ko nakatulog parin ako na nakangiti.
Iba nga siguro yung pakiramdam na may tao na nagpapasaya sayo. Yung tipong ganito palang. Hindi mo pa alam kung ano yung itatrato niya sayo sa araw na to o kung ano iniisip niya yung exciting part kumbaga. Kumakabog yung dibdib mo ng malakas. Hindi ka makakain Hindi makatulog kasi kinikilig ka.Iba ang aura at saya ko sa umaga na iyon. Maaga ako umalis para Hindi mabadtrip sa tiyahin ko at maaga ko din hinatid mga kapatid ko sa eskwelahan.
Pagka pasok ko palang ng gate parang gusto ko na liparin papunta sa classroom.
At ayon nga dahil mabilis ako naglakad nakarating ako sa classroom agad at pagbukas ko palang ng pintuan kita ko na mga kaklase ko na masasama ang tingin, yung iba naman parang Hindi makapaniwala at yung iba, walang pakialam. Hindi ko naman yun pinansin at agad ako nagpunta sa upuan ko. Pagka upo ko palang agad na mayron na tumambad sa harapan ko. Tinignan ko kung sino at napanganga ako."Tulips for the beautiful lady" saad niya. Napangiti naman ako na parang automatic na. Narinig ko mga kaklase ko na nag gasp at kinilig. Ngumiti siya saakin at umupo na sa tabi ko
"I would give you a whole shop of flowers if not for our anatomy today" bulong niya at lalo ako namula.
Naalala ko na anatomy lab pala namin ngayon at mag lelesson muna kami ng pagkahaba haba para this week din ay makapag dissect na kami.
Maging yung ibang prof namin ay tinanong ako kung kanino galing yung bulaklak ko and Kurt would gladly raise his hand. At maging sila takang taka. Ganun ba ako kapangit? Tanong ko sa sarili ko sa tuwing may magtataka.
Lumabas kami ni Raine para mag CR at doon kami nagtitili sa sigaw.
"You mean hinalikan ka niyaaaaa? Oh myyyyy" kilig na kilig na sabi niya
"Shh ano ba wag ka maingay diyan" saway ko sakaniya.Natapos yung huli klase namin sa umaga na yun ng medyo maaga. Tinignan ko ang oras at magtatanghalian na din naman.
"Lunch?" Offer niya saakin.
"Corinne una na ako kita pa kami ni Andre e. Bye" paalam ni Raine. Tignan mo yun nilaglaglag nanaman ako. Iniwan ba naman ako e Hindi naman siya nakikipagkita Kay Andre tuwing tanghalian."Let's go. May tatlong oras pa tayo together" sabi niya at wala naman choice kaya sumama nako.
Lumabas pa kami ng school at ginamit ang sasakyan niya. Akala ko naman sa canteen lang kami kakain or saan saan lang hotel pala to naglulunch
"Huy" kalbit ko sakaniya. At tumingin siya saakin
"Di mo nalang ako dinala sa jollibee ang mahal dito" bungad ko sakaniya at di ako pinansin at tumingin sa menu niya. Tignan mo to baliw na to. Sinipa ko siya sa ilalim ng upuan at napaigtad siya"Corinne bat ka ba naninipa" tanong niya
"Hindi ko alam ano kakainin ko dito" huminga siya ng malalim at binaba ang menu na hawak.
"Okay where do you want to eat" suko niya at ngumiti ako sakaniya.Dinala ko siya sa jollibee. Hahaha gusto ko sana sa turo turo lang pero hinay hinay lang.
Umorder ako ng palabok na may 2pieces chicken, pineapple juice, fries at sundae. Pero dahil Hindi pa daw nakakain dito pinag order ko na din siya ng tulad saakin."All of these for less than 500?" Taka niyang Tanong.
"Naku kung may oras lang tayo sa mang inasal kita dinala. Kaso puno yun at sa kabilang kanto pa e baka malate tayo""You can eat all of that?" Tanong niya
"Watch me" yabang ko sakaniya.At ayun na halos mabundat na ang Tiyan ko sa sobra kabusugan. Nag enjoy naman siya sa tingin ko dahil pangalawang sundae na niya ito.
"Grabe this is crazy. Dami natin nakain and I barely spent a penny" bungad niya.
"Oo naman yung limang libo mo pwede na party sa buong klase natin dito" kako naman sakaniya at saka siya tumawa.Tinignan naman niya ako ng mabuti.
"May dumi ba ako sa mukha?"
Umiling siya.
"Tara na" yaya niya.Pumasok na kami sa school at nagkwentuhan pa kami doon. Hindi pumasok yung last subject namin dahil may assembly daw kaya nagpabigay nalang ng homework at nagyaya nako umuwi
"Isn't too early to go home?"
"I need to be home for my sisters nandoon na sila panigurado" pumayag naman siya na umuwi na kami at hinatid niya ako"When can I meet your parents?" Tanong niya at tumawa ako
"Yung nanay ko iniwan na kami. Yung papa ko nasa Canada at iniwan kami sa bago niyang asawa na dating asawa ni satanas" kako sakaniya saka ako ulit tumawa
"Una nako ha. Bye" sabi ko at lumabas na ng sasakyan niya
BINABASA MO ANG
Fuck Under the Thin Sheets
Literatura FemininaAll Corinne did for the last four years is to hide the tragic and ugly truth why she left Kurt suddenly. But what if all of her efforts to hide it will be put into waste when Kurt found out the truth? What will she do when Kurt asks him to pay with...