(MONDAY)
2:12 am
Z's POV
Sarap na sarap ang batang si Reyn sa pagkain ng spaghetti. Nakaupo sya sa kanilang sofa habang nanonood ng Peppa Pig. Maya maya ay dumating ang batang lalaki na si Mithry."Eyn! Bat hindi mo ako tinawag kanina? Kanina ka pa ba nanonood?" nakasimangot na sabi ng bata.
Mahilig ang dalawang bata sa panonood ng Peppa Pig.
"Nagpunta ako sainyo kanina. Sabi ni Tita Valerie tulog ka pa daw." sagot ng bata habang nakatutok pa din ang mata sa TV.
"Ano yang kinakain mo?" tanong ni Mithry.
"Spaghetti, 'di ba obvious?"
"Nye nye." asar na sabi ni Mithry.
"Gusto mo?" alok ni Reyn bago tumingin kay Mithry.
"Penge!" masayang sabi ng bata. "Subuan mo 'ko."
"Wala ka bang kamay?" asar na tanong ni Reyn.
"Dali na. Bibilhan kitang coloring book na peppa pig." panguuto ni Mithry kaya't nauto naman si Reyn.
Sinubuan ni Reyn si Mithry ng spaghetti.
Ngunit wala pang taylong minuto ng namula ito at nagkaroon ng butlig butlig.
"Mitmit!? Aning nangyayari sayo!?" alalang tanong ni Reyn.
Hindi makaimik si Mithry dahil hindi sya makahinga ng ayos.
"Sandali lang! Tatawagin ko si Mama!" tarantang sabi ni Reyn bago nagpunta sa office ng kanyang Ina.
---
Isinugod nila sa pinakamalapit na ospital si Mithry.
Naging maayos naman ang kalagayan nito. Nakahiga ang bata ngayon sa hospital bed.
"Doc, bakit po nagkaganon si Mith?" alalang tanong ng Ina nito na si Valerie.
"Allergic po sya sa tomato sauce." sagot naman ng doctor.
---
Tanghali na ng magising ako. Sikat na sikat na ang araw. Nanaginip nanaman ako tungkol sa dalawang batang iyon. Tsk.
At 30 minutes nalang ang meron ako para makapaghanda sa aking unang klase.
Dalidali akong naligo at nagbihis. Hindi na ako kumain dahil walang luto at tinatamad din akong magluto. At late na ako.
Lumabas ako sa dorm ng hindi pa suklay ang aking buhok.
Sumakay na din ako ng bus para mabilis. May quiz kami ngayon.
Pagkadating ko sa University ay mayroon na lamang akong 6 na minuto para hindi mahuli da klase.
At partida nasa last building pa ang classroom ko, at 2nd floor pa.
Shet lang.
Tumakbo ako na parang nagmamaraton sa sobrang bilis.
'Sana late si Ma'am'
Pagkadating ko ay--
Thankkk goooddd!
Wala pa si Ma'am. Hanggang ngayon ay muka parin akong tarantang taranta.
Hingal akong umupo sa upuan ko at agad akong lumingon sa upuan ni V.
Nakaearphones lang sya at blanko ang muka.
Naramdaman nya siguro na nakatingin ako sa kanya kaya napatingin sya sakin.
Napalitan ng kalungkutan ang kanyang muka para bang may sinasabi sya, ngunit agad din itong naging blankong muli.
Dahil don ay nawala ang pagkataranta ko at napalitan ito ng pagtataka.
Bakit sya ganon?
YOU ARE READING
✔Seenzoned Love
Teen Fiction[COMPLETED] Highest Rank #6 in TEEN FICTION (08/15/18) Zeyn is a typical girl. She's just you're ordinary girl. She's a jolly one. Until she met this guy named Vane. Vane is not you're typical Boy. He's not you're ordinary boy. He's very arrogant...