80

1.8K 45 1
                                    

3rd Person's POV

It's friday. Isang araw nalang at malalaman na ni Z ang kaniyang tunay na pagkatao, kung sino nga ba siya talaga.

Nakatulala siya ngayon sa labas ng bintana ng kaniyang dorm. Hindi siya nakapasok dahil sumasakit ang ulo niya sa patuloy na paglabas ng mga imahe, unti unti na niyang nakikita ang mga nangyari sa kaniyang nakaraan ngunit hindi parin malinaw kung kaano ano niya ang mga ito. Katulad ng isang maputing lalaki na kasama niya sa panonood ng TV. Isang gwapong bata na kasama niya maglaro, isang babaeng mukang maldita, isang gwapong medyo may edad na lalaki at isang batang lalaking kahawak kamay niya sa isang lugar.

Maging ang kaniyang Ina ay nakakaranas din ng mga ganito ngunit hindi niya ito ipinaaalam kay Akysha dahil baka magtanong ito. At hindi niya alam ang isasagot.

Habang nagmumuni muni ay may biglang tumawag kay Akysha.

Tumibok ng malakas ang puso niya ng makita nita kung sino ito.

Si Vane.

"Hello?" Bati ni Akysha dito.

["Where the fck are you? Why didn't you come to school?"]  Inis na sabi nito sa kabilang linya.

"Woah, chill. Kelangan galet?! At saan mo nakuha ang number ko?!" Asar na tanong nito sakanyang kausap.

Tss. Pagkatapos maging cold last week, ganito naman siya ngayon. Itong taong 'to.

[It's not important, where are you? Why are you not here?] He askes with a softer tone.

"Nasakit ulo ko e, andaming nagfflashback. Sakit sa bangs." Nakanguso na sabi nito.

[Wala kang bangs, Eyn.] Nakangising sagot ni V sa kabilang linya.

"Imaginary kase." Mataray na sabi nito kahit deep inside ay kinikilig siya.

[Don't forget tomorrow--] pinutol na niya ang sasabihin ng binata.

"Oo naman, why would I forget that?" Nakasimangot na tanong ni Akysha.

[Sana kapag nalaman mo ang totoo, ako parin ang gusto mo.] Bulong ng binata sa kabilang linya na hindi naman narinig ni Akysha.

"Ha?" Tanong nito.

[Hakdog.]

"Lolo mo?"

[Kasing gwapo ko.]

"Banda saan?"

[Sa may muka--]

"Darating~" kinanta nito ang lyrics ng isnag kanta bilang pangasar dito.

[Tss. I'll hang up now, our teacher arrives. Take care.] Bago pa sumagot si Akysha ay pinatay na nito ang tawag.

"Napaka talaga nitong lalaking 'to, tss. Kung di ko lang siya gusto." Napailing si Akysha bago napasimangot.

-----

✔Seenzoned LoveWhere stories live. Discover now