Matagal ko na 'tong draft pero ngayon ko lang tinapos hehe. Sornaaa, labyu. Sa mga nakaabot ditoooo waoooo. Ang strong niyo HAHAHAHA I LOVE YOU NAAA
Paunang salita: May mga bagong characters diyan hehe. Hindi ko kakayaning hindi sila kumpleto sa kwento ko *nag-walling*
-----
(1 month later)
-----
3rd Person's POV
Isang buwan na ang lumipas mula ng malaman ni Akysha at Akira ang lahat.
Isang linggo pagkatapos nilang malaman ay ipinakonsulta nila ang mag-ina sa doktor kung saan gagamutin sila upang maging mas malinaw pa sakanila ang nakaraan. Upang mas maalala pa nila ito.
At sa isang buwan na iyon ay naging mas malinaw na nga ang lahat sa mag-ina. May mga kaunti pa silang hindi naaalala ngunit naging malinaw na sakanila kung paano sila nakalimot, at naalala rin nila ang bawat detalye ng mga taong mahahalaga sakanila.
Samantala, naging mailap sakanila si Akysha, tanging ang Pamilya lang niya ang lagi niyang kinakausap. Ngunit kung naging mailap ito sa iba, mas naging mailap ito kay V. Pagkatapos ng nangyaring aminan ay hindi na niya kinausap ang binata.
Hindi nila maintindihan kung bakit naging ganito ang trato nito kay V. Maayos naman sila dati, at may gusto pa nga si Akysha kay V ngunit ngayon ay para itong bulang biglang nawala. Nawala nga ba? O hindi?
-----
Habang kumakain ng umagahan ang pamilya ni Akysha ay binasag ni Blaine ang katahimikan.
"It's Vane's birthday this upcoming Sunday. Would you come?" Tanong nito bago pa muling sumubo ng kaniyang kinakain. Napalunok naman ng mariin si Akysha ng marinig nito ang pangalan ng binata.
"Ofcourse, Suga. It's a very special day." Nakangiting sagot ng Ama nito. Ayon kay Akira ay sasama din siya. Sabay sabay nilang tiningnan si Akysha.
Takang tumingin ito sakanila. "Huh? Bakit?"
Umirap nalang si Blaine bago umiling at muling ipagpatuloy ang pagkain.
Muling nabalot ng katahimikan ang buong hapagkainan hanggang sa matapos sila sa pagkain.
Pagkatapos kumain ay nagtungo si Akysha sa salas upang manood ng tv.
Habang nanonood ay napansin niyang tumabi sakaniya ang kaniyang Ina.
"Nak."
"Hmm?"
Lumingon siya.
"Bakit naman hindi mo na kinakausap si Timith? Ilang bese na siyang nagpunta dito pero hindi ka lumalabas ng kwarto mo." Malungkot na tanong ng kaniyang Ina.
Hindi nakasagot si Akysha at tinitigan niya lang ang isang maliig na puting teddy bear sa kabilang upuan.
YOU ARE READING
✔Seenzoned Love
Teen Fiction[COMPLETED] Highest Rank #6 in TEEN FICTION (08/15/18) Zeyn is a typical girl. She's just you're ordinary girl. She's a jolly one. Until she met this guy named Vane. Vane is not you're typical Boy. He's not you're ordinary boy. He's very arrogant...