Kumbinsehin si Lutgarda na Manggayuma

3.3K 64 13
                                    


NAKADULOG na sina Lutgarda at Jed sa dinner table nang ma-conscious si Lutgarda sa kanyang sarili. Haharap siya ngayon sa ultimate crush niya at sa girlfriend nito. Nakakakaba talaga iyon.

Nagsuot siya ng simpleng pink na top at mahaba pa ring palda. Overdressed ba siya o underdressed?

Dapat ba siyang mag-pulbos?

Ngingiti ba siya o tataasan ng kilay ang babae? Gano'n sa mga pelikula eh, para ma-threaten ang babae, kailangang magtaray siya. Bakit naman siya magtataray, eh 'di nagmukha siyang mayordoma sa mansyon?

Sangkatutak na tanong ang naglalaro sa isip ni Lutgarda. Alanganin na tiningnan niya si Jed sa tabi niya.

Tumingin din ito, then smiled. "You'll be okay."

"Talaga? Baka lalo naman akong ma-depress kapag nakita ko kung ga'no kaganda si Tarrah."

"Light travels faster than sound." he said. "She might appear beautiful, but you'll change your mind as she speaks."

"Eh, bakit ang kuya mo, hindi nagbago ng isip?"

"Wala namang isip iyon."

Sinimangutan niya ito.

"Joke lang." Pinisil nito ang ilong niya.

His hand was warm, and the second he felt his skin on hers, she felt better.

Ang weird talaga ng epekto ni Jed sa 'kin.

Nakarinig na sina Lutgarda ng mga yabag na papunta sa dining room. Nakarinig rin sila ng mga tawanan. Lumitaw na si Konsehal Toto, walang emosyon ang mukha. Kasunod ang nagtatawanang sina Robin at Tarrah. Nakaalalay ang una sa huli, parehong matamis ang ngiti ng dalawa.

Ganyan ang pag-ibig. Ugat ng kasiyahan. Isa na naman sa mga definitions ng pag-ibig mula sa Nanay niya.

"Good evening," pagbati ni Jed sa mga parating.

Bumati naman si Tarrah. Ang ganda ganda talaga nito. She was the ultimate fantasy of the male population. Malaking boobs. Pamatay na balakang. Pouty lips. Kung maglakad, tuwid na tuwid ang likod, parang kokoronahan. Forever na yata iyong ngiti nitong malapad, pero bumagay rito. Kapag ngumiti siya ng gano'n, magmumukha siyang cartoon character.

Dumulog na ang mga ito sa mesa. Sa tapat nila ni Jed. Sa kabisera si Konsehal Toto.

"Jed, you're looking handsome." puri ni Tarrah sa bestfriend niya, parang nang-aakit ang mga tingin. Parte siguro iyon ng dahilan kaya nagnanasa ang nga lalaki rito.

"Thank you. You're look breathtaking, by the way."

"Mamaya na ang kumustahan." agaw ni Robin. "Isabay na natin sa pagkain."

Tinawag ni Konsehal Toto ang kasambahay para ihain na ang mga kakainin. Umuusok na kanin ang unang ihinain, sunod ay chicken pastel at kare-kare. May mga inalabas ring plato ang maid, punong puno ng repolyo. Para iyon kay Tarrah at Robin, na mga vegetarian. The dinner began.

"Sino siya, Jed?" Tarrah looked at her.

"Lutgarda. Best friend ko."

Binalingan naman ng Konsehal si Tarrah. "Gaano na nga kayo katagal ng anak ko?"

"Six years na po," sagot nito.

"Napagtiisan mo siya ng gano'n katagal?" Kung hindi mo kilala ang Konsehal, iisipin mong seryoso ito.

"Kayo ho talaga. Maayos namang pakisamahan si Robin e." Pinisil ni Tarrah ang pisngi ng irog niya.

"Ano'ng trabaho mo, Tarrah?" tanong ni Jed.

Invisible Man's Spellbound Heart (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon