Invisible Man's Family

2.2K 51 0
                                    


HINDI sila nag-uusap habang pabalik sa ospital. It was a crazy night. At pagod na si Lugarda na i-assess lahat ng nakakahilong nangyari ng araw na iyon. Hindi na rin kumibo si Jed. Nakaramdam siguro ito na sira ang mood niya. Pero papasok na sila sa loob ng ospital nang biglang magsalita si Jed.

"Magagalit sa 'kin si Papa," sabi nito.

"Maiintindihan ko 'yon. Mag-aalala siya, sigurado ako do'n."

Ngumiti ng mapakla si Jed. "Kung magagalit man talaga siya, I don't think it would be because he's worried about me." Tumingin ito sa kanya. "I'm sure I'd be upset after akong sermunan. I-stress debriefing mo rin ako, ha?"

Hindi na niya nasagot iyon dahil nakabalik na sila sa kuwarto nito. Naghihintay do'n si Konsehal Otoy at Robin. Parehong madilim ang mukha nila. Habang sa isang tabi, humuhuni ang aircon. It was a creepy scene.

Nanigas si Jed sa tabi niya. Namumutla ito.

"Sa'n ka nagpunta?" tanong ni Konsehal. Ang kung pagbabasehan ang tinig nito, galit na galit nga ito.

"Sa Harmony, Pa."

"Sa Harmony." Si Robin. "Tumugtog ka na naman. Nagpaalam ka ba?"

"Biglaan eh," sagot ni Jed, hindi makatingin sa pamilya. "Wala naman kayo, kaya hindi ako nakapagsabi."

"Kasalanan pa namin?" nanlalaki ang butas ng ilong ni Robin. "Pasenya na Jed ha? Nagtatrabaho kasi kami, eh. Hindi sinisira ang buhay namin sa mga ganyang bagay."

Nakaramdam ng matinding inis si Lutgarda. Gusto niyang sabihin kay Robin na marami nang humahanga kay Jed, na maraming tao ang pumapalakpak para rito, kaya hindi ito nagsasayang ng oras. Ayaw lang niyang makigulo sa usapan ng pamilya ng mga ito.

"May cell phone naman 'di ba? Bakit hindi ka tumawag? Huwag ka namang ta-tanga tanga, Jed. Gamitin mo naman iyang utak mo minsan."

"Alam ko kasing kahit magpaalam ako, hindi niyo ko papayagan."

"Natural. Nasa ospital ka eh. Bakit ang bobo mo, Jed? Mga simpleng bagay lang hindi mo pa maintindihan? Kanino ka ba nagmana?"

"Sa Nanay niyong gaga." sagot ni Konsehal Toto na parang hindi ang namatay na asawa nito ang tinutukoy. "Mana talaga 'yan sa nanay niya." Pinaka-diin nito ang mga huling salita, na tila ba napakalaki ng galit nito sa asawa nito.

"Ngayon ka pa gumawa ng ganito Jed," sabi ni Robin, naihilamos ang mga mukha sa palad. "Ngayon pa, kung kailan may problema kami ni Tarrah. Ngayon pa kung kailan malungkot ako, dahil nabuntis na pala siya ng ibang lalaki." Obviously, kaya sinabi ni Robin ang unrelated statments na iyon ni ay para malapit ang atensyon dito. Lutgarda felt extereme hated towards him.

Bumaling si Konsehal Toto dito. Biglang nagkaroon ng concern sa tinig nitong kanina ay malamig--habang kausap nito si Jed. "'Wag mo nang alalahanin ang babaeng 'yon, anak."

It must be the word "anak" that had set Jed off.

"Kahit kailan, 'Pa, kahit kailan, hindi n'yo 'ko tinawag na anak..." sabi ni Jed. May luha na sa paligid ng mga mata nito. Kuyom ang kamao nito at kagat-kagat nito ang mga labi nito.

Naiiritang tinitigan ito ng konsehal. "Hoy, hindi mo ko madadaan sa pagda-drama mo, ha. May atraso ka sa--"

"Totoo naman, 'Pa, eh! Ramdam ko naman 'yon, bata pa ako. Dalawa kami ni kuya na may medal, pero sa kanya lang ang isinabit n'yo sa pader. Pareho kaming nagkasakit, pero maid ang nag-alaga sa 'kin. Pareho kaming nagbinata, pero siya lang ang tinuruan n'yo, pinangaralan n'yo." Padarag na pinunasan ni Jed ang mga luha sa pisngi nito. "Hindi n'yo naman ako nakikita, eh..."

Hindi nakapagsalita ang konsehal. Napapailing lang ito, pinagpapawisan. Tulad ng dati, hindi matukoy ni Lutgarda kung ano ang emosyon sa mukha nito. Pero mayroon itong itinatago sa loob nito na hindi nito masabi, nakikita niya iyon.

"Hindi n'yo ko kahit kailan niyakap," sabi pa ni Jed, nagkandalaglag na ang mga luha sa mga mata nito. Mga luhang naisip ni Lutgarda, na hindi na niya gugustuhing makita kahit kailan. Umiyak na lahat ng lalaki sa mundo, 'wag lang si Jed. "Bilang lang sa daliri 'yong mga pagkakataong nginitian n'yo ko. Pero alam n'yo ba? Magiging masaya ako kahit doon lang, eh. Kahit ngiti lang. Para kasing hindi n'yo talaga ako anak..."

Natigilan si Jed. Maging si Lutgarda. Ang palaging blankong mukha ng konsehal ay nalukot. Mayamaya, pinangiliran na ng luha ang mga mata nito, pero pinunasan agad nito iyon, na para bang para rito, krimen ang lumuha.

Natulala si Jed. Matalino ito, kaya alam nito na may kahulugan ang reaksyon ng papa nito sa sinabi nito.

"Hindi n'yo nga ako anak?" tanong nito, pumiyok ang tinig, tila isang batang nasukol ng mga multong nagtatago sa ilalim ng kama nito.

"Akala mo ba hindi mahirap?" sabi ng konsehal. "Araw-araw, kapag nakikita kita, naalala ko kung pa'no ko pinagtaksilan ng nanay n'yo. Akala mo ba hindi mahirap sa 'kin 'yon?"

Nag-iwas ng tingin si Lutgarda, hindi inaasahan ang sinabi ng konsehal. Gusto niyang umalis sa kuwartong iyon, pero pakiramdam niya, nang mga panahong iyon, pinagkakaisahan si Jed ng tadhana at siya na lang ang nag-iisang kakampi nito.

"Mahirap din sa 'kin. Mahirap din. Noong inabot mo sa 'kin ang medal mo noong bata ka, tapos may kislap sa mga mata mo, at ang saya saya mo, hindi ko magawang matuwa. Wala akong sinabi, tiningnan lang kita. Umiyak ka sa kuwarto mo, 'di ba? Hindi ka umiyak sa harap ko, pero umiyak ka sa kuwarto mo. Nakonsensiya ako no'n." Pinunasan ng konsehal ang mga bagong luhang dumaloy sa pisngi nito. "Pero Jed, kahit mahirap sa 'kin 'yon, tuwing nakikita kita... naalala ko talaga lahat, eh. Naalala ko kung paano ako umiyak no'n, nasaktan. Naalala ko kung paano ako niloko ng mama mo, pinaikot. Naalala ko kung paano ako naging ganito, parang bato. Kaya kung galit ka dahil hindi kita itinuring na anak, sana naman..." Hindi naituloy agad ng konsehal ang sasabihin nito. "Sana naman maintindihan mo din ako."

Pagkatapos sabihin iyon, hindi na siguro kinaya ng konsehal ang confrontation, lumabas ito ng kuwarto. Sumunod si Robin na kanina ay natigilan sa mga nangyari. Naiwan sila ni Jed doon, nakatayo, tulala.

Napakabilis ng pangyayari. Kanina ay pinapagalitan si Jed, pero bigla ay lumabas na ang totoo at ngayon ay sobrang nasaktan ang kaibigan niya.

Nanginginig si Jed kaya umupo ito sa hospital bed nito. Umupo siya sa tabi nito, hindi alam ang sasabihin. Tingin niya, wala siyang puwedeng sabihin para gumaan ang loob nito. Hinawakan na lang niya ang kamay nito. With that, he had let his guard down. He hugged her, then cried. She hugged him back. Then cried as well.

Invisible Man's Spellbound Heart (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon