Happy Birthday

2.6K 61 1
                                    


DUMATING ang isang tita ni Jed sa ospital, na tinawagan pala ni Konsehal Toto. Kaya umuwi muna si Lutgarda, para makapagpahinga.

Nang humiga si Lutgarda sa kama niya ay hindi siya makatulog. Iniisip niya si Jed. May dahilan kung bakit gusto ni Jed ng kantang "Imbisibol" ng Stage Crew. It was because he was really feeling invisible. Mas okay pala na ma-seenzoned ka sa Facebook, kaysa maging invisible. Existing, but unseen. Irrelevant.

Lutgarda's heart went out to Jed. She wished there was way for her to take some of his pain away. Willing siyang hatian ito, kahit 50:50 pa. Seeing Jed crying was like seeing the end of the world, ten times and in slow motion.

Seeing Jed metaphorically dying because agony feels like dying with him.

GINISING si Lutgarda ng tunog ng cell phone niya nang umagang iyon.

Isang linggo na mula nang gabing malaman ni Jed na anak ito ng mama nito sa iba. Hindi muna nakipagkausap sa kanya ang kaibigan niya, gusto munang mapag-isa.

Walang kaso kay Lutgarda iyon. At natuwa siya nang magising siya sa pag-ring ng cell phone niya. Birthday kasi niya nang araw na iyon. At si Jed ang palaging unang-unang bumabati sa kanya. Gusto niyang kumustahin ito, gusto niyang malaman na okay na ito, gusto niyang marinig ang boses nito.

Sinagot ni Lutgarda ang tawag. "Hello?"

"Happy birthday."

Napabangon si Lutgarda sa kama. Tuluyang nawala ang antok. Hindi si Jed ang tumawag. "R-Robin?" Ang boses niya ay tulad ng sa lalaking dineklarang may breast cancer. "B-bakit ka napatawag?"

"Obvious ba? Para batiin ka," sabi nito na parang nag-sex na sila once, as in close na.

"Ah... salamat. Salamat." Hindi siya masaya na binati siya nito. Isa lang naman ang gusto niyang nauunang bumati sa kanya kapag birthday niya. "Si Jed?"

"Mamaya, Lutgarda, pumunta ka rito ha?" sabi nito, hindi sinagot ang tanong niya.

"Bakit?"

"Naghanda ako ng maliit na celebration dito sa amin."

"Para sa akin?" What's happenning? Square na ba ang daigdig?

"Sino ba'ng may birthday? Mga alas nuwebe, magpunta ka dito. Magce-celebrate tayo dito." There was a suggestive tone in his voice. "Sosyal ang pinahanda kong mga pagkain. Ayaw mo no'n, makakakain ka ng pang-sosyal?"

"Si Jed?"

"Hindi ko alam, eh. Aasahan kita. Bye." tinapos na nito ang tawag.

Bastos! Nasira agad ni Robin ang araw niya. At si Jed? Alam niyang depressed si Jed ng panahong iyon, pero nakakalungkot pa rin na hindi ito ang unang tumawag sa kanya. Dati, madaling araw pa lang ay tatawag na ito, kapag sinagot niya, maririnig niya ang boses nito, kinakantahan siya ng happy birthday. Hindi na siya nakatiis, siya na mismo ang tumawag kay Jed. Inisip niyang hindi ito sasagot, dahil nitong mga nakaraang araw na tinatawagan niya ito para kumustahin, na-LSS lang siya sa ring. Pero dalawang ring lang ay sumagot na ito.

"Hello."

"Happy birthday," pabirong sabi niya.

"Happy birthday." bati nito. "Tinawagan ka na ba ni Kuya?"

"Oo." sagot niya, dissapointed kahit paano na hindi man lang nito naalala ang birthday song number nito. "Bakit tumawag iyon? Bumalik na ba ang mga dinosaurs?"

"Nah. Sinabi ko kasi na tawagan ka niya."

"And why?"

"Naisip ko kasi na matagal mo nang itinago iyang feelings mo sa kanya, kaya inunahan na kita. Ako na ang nagsabi sa kanya na crush mo siya."

Invisible Man's Spellbound Heart (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon