Happier Birthday

2.1K 48 0
                                    


LUTGARDA was stunned. Tinitigan niya ng mabuti ang sketch pad na iniabot sa kanya ni Jed. Iginuhit siya nito. Hindi pantay ang mga mata niya sa drawing nito, at tabingi ang ilong niya doon. Pero nakuha nito ang insecurity na nakikita sa mga mata niya.

So, ito ba 'yong drawing na hindi na ayaw nitong ipakita sa kanya? Iyong nakahubad daw na babae? Gusto pala siyang sorpresahin nito sa kaarawan niya. Maiiyak na naman siya.

"Hindi mo ba nagustuhan?" tanong nito.

Hindi siya nakasagot, dahil sa emosyong naghalo-halo sa dibdib niya.

"'Akin na nga." Inagaw nito ang sketch pad. Bahagyang nanulis ang nguso nito. "Pangit nga 'to, pero pinaghirapan ko naman," sabi nito na parang sarili ang kinakausap.

Inagaw ni Lutgarda kay Jed ang sketch pad. "Gusto ko 'to. Gustong-gusto ko."

"Talaga?"

"I-kiss mo nga ako sa pisngi kung nagustuhan mo talaga."

Lutgarda would love to do that. She would love to kiss him so bad. Kaya dumukwang siya para halikan ito sa pisngi. Pero siguro, hindi ito seryoso sa sinabi nito dahil bigla na lang itong bumaling sa kanya. Iyon ang dahilan kaya naglapat ang mga labi nila.

Saglit na natigilan silang dalawa, magkalapat lang ang mga labi, bukas pa ang mga mata. Pero maya-maya ay pumikit na si Jed, at nagsimulang gumalaw ang mga labi nito. Napapikit na rin siya, dahil sa mga nakakakiliting sensasyon na naramdaman niya sa paggalaw ng mga labi ni Jed.

His kiss went deeper, that she actually felt his tongue. Ibinuka niya ng bahagya ang mga labi niya. She felt his warm tongue inside her mouth and she shivered. Kumapit siya sa leeg nito. Para itong nilalagnat. He moaned, and she groaned with him.

Nang kumalas sila sa isa't-isa ay nagkatinginan sila. She still wanted to reach for him, she was still craving for his lips, tongue and mouth.

But then Jed shook his head. "Hindi natin 'to dapat ginawa," he said.

And those words had broken her.

"Pero bakit... bakit mo 'ko hinalikan?" she asked.

Naglayo ito ng tingin. "Impulse. I'm sorry, hindi ko talaga 'yon dapat ginawa. Mas okay sana kung si kuya ang first kiss mo, 'di ba?"

How can you say that? How? Nandiri ka ba? Nailang?

Hindi pa rin ito makatingin sa kanya, tila naiilang talaga. "Supporter pa naman ako ng love team n'yo, eh. Pasensya na talaga."

"Jed..." she said. Ikaw na ang mahal ko.

"Saka, nakakakonsensya, kasi ano... may nililigawan na rin ako. Kaya... kaya..." Hindi ito nakapagsalita agad. "Kaya kalimutan na lang natin."

At ano pa ang puwedeng sabihin ni Lutgarda? Wala na. Hindi na lang siya kumibo, pinipigil ang sariling umiyak. Duwag siya, hindi niya kayang ipagtapat ang lahat pagkatapos ng mga sinabi nito.

Invisible Man's Spellbound Heart (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon