Imbisibol Jed

2.5K 52 0
                                    


MADALING nakatakas sina Lutgarda at Jed. Dahil nga pagaling na si Jed, magpalakad-lakad man ito ay hindi na ito pinansin ng mga medical staff. Busy ang ospital dahil sa isang vehicular accident kaya lalo silang nagkaroon ng tsansang makatakas.

Sa parking lot na nasa ground floor ng ospital sila dumaan para makalabas.

"Saan ba tayo pupunta?" sabi ni Lutgarda nang makarating siya sa ospital.

"You'll know soon."

Huminto ang sinasakyan nilang taxi sa harap ng Harmony bar. Sa labas pa lang ay halatang malaki na ang bar na iyon at ayon kay Jed, doon daw ginaganap ang gig ng mga amateur singers. "Diyan tayo pupunta?" sabi niya, itinuro ang bar.

"Yup. May malaki kaming gig ngayon. Muntik ko nang makalimutan."

"Kakanta ka?" hindi naniniwalang sabi niya.

"That's why we're here."

"Naka-hospital gown ka pa."

"It doesn't matter." Tumunog ang cell phone nito at sinagot nito iyon. "Bro? Yeah, we're here. Prepare the crowd for our grand entrance."

Nagbayad na sila sa taxi at lumabas doon. Pagdating nila sa tapat niyon ay parang sinapian ng kung ano si Lutgarda, parang gusto niyang himasin ang pinto niyon sa paniniwalng may dadalhing iyon na kung ano, may ibubulong sa kanya na kung ano.

"Handa ka na?" Jed eyed her.

"B-bakit?"

Lumitaw ang sungking pangil nito biglang pagngiti nito. Naglalaro sa mukha nito ang mga nare-reflect na ilaw galing sa neon sign board ng bar. Gosh, he was gorgeous.

"Magkakaroon ng riot dito."

Pagkasabi nito iyon ay binuksan nito ang nalaking pinto. Sumalubong sa kanila ang nakakasilaw na ilaw. Tinakpan niya ang mga mata niya habang magkahawak ng kamay nilang pinasok ang bar.

NAHATI ang crowd ng makitang parating si Jed. Kitang kita ni Lutgarda kung pa'nong nagtalunan ang mga tao sa loob nang makita ang best friend niya, ang ilang babae ay panay ang tili.

This is my best friend's effect on other girls. God, why am I jealous? Why am I feeling na ayokong tinitilian nila si Jed?

Lumakad sila sa gitna ng nahating mga tao, patungo iyon sa isang stage kung saan naka-set ang mga musical instruments pati ang mga kasama ni Jed sa banda. Mausok ang lugar, bahagi iyon ng production. Bigla siyang nailang, dahil natahimik ang mga tao ng makitang hawak ni Jed ang kamay niya. Narinig din niya ang bulungan ng tao, mga babae, na siguro ay may gusto sa best friend niya.

"Girlfriend ba siya ni Jed?"

"I won't agree! She's not that beautiful!"

"Hindi 'yan girlfriend ni Jed. Ako ang para kay Jed."

"Sino'ng nagsabi sa'yo?"

"Nanay ko."

"Hindi papatol si Jed sa ganyan."

"Parang baul naman iyang babaeng yan."

It broke Lugarda's heart. Oo nga. Alangan siya kay Jed. Napakaguwapo nito. Samantalang siya... Pero hindi lang iyon ang dahilan. Alangan siya kay Jed, dahil kaibigan siya nito.

Isa pa, kung marami palang mga naggagandahang babae na nakapalibot kay Jed, bakit siya ang pipiliin nito? It would be hopeless. Baka nga may pag-asa pa siya kay Robin.

Biglang kumalas ang kamay ni Jed sa kanya. Lalo iyong dumagdag sa kalungkutan niya.

Nasa harap na pala sila ng stage. Iniwan siya ni Jed doon, umakyat na ito sa stage para mag-perform. Nakipag-high five muna ito sa mga kabanda nito before grabbing the microphone. He looked at the mob.

Invisible Man's Spellbound Heart (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon