Seen/Visible

5.8K 130 15
                                    


Three days later...

INEKSAMIN ni Lutgarda ang bagong drawing niya. Simpleng lapis lang ang ginamit niya roon, pero kuhang-kuha niya ang imaheng gusto niya. Imahe ng lalaking mahal niya. She drew Jed. She posted the picture on the wall, right above her bed and stared at it with longing for minutes. Naramdaman na lang niya na may tumapik sa balikat niya. Ang nanay niya.

"Babalik iyon," her mother said cryptically. "Hayaan mo lang siyang makapag-isa. 'Di ba sinabi niya, he needed to grow up, to be on his own for a while?"

"Alam ko naman, 'Nay. Ang dami lang tanong sa isip ko." She sniffed. "'Asan na kaya siya 'Nay? Baka naman may magkasakit siya. Baka magutom siya..."

"Ano ka ba. Hindi 'yon magugutom. Madiskarte 'yang si Jed. Talented. I'm sure he's going to be fine."

"I really hope he would come back for me. I am miserable without him."

But Jed didn't. And she died single forever. She died lonely. The End.

That was the cynic part of her was telling her and she's scared for it to come true. Very scared.

"He'd come back," sabi ng nanay niya, niyakap siya mula sa likod. "I think he knew he'd be miserable without you, too."

Three years later...

"INAAY!" Natuptop ni Lutgarda ang bibig dahil sa nabungaran sa sala.

Ang Lola niya, may kausap na matandang lalaki. Magkalapit na magkalapit ang mga ito. Halos nakapatong na ang hita ng Lola niya sa hita ng lalaki.

"OA mag-react ha." pa-cute na sabi ng Lola niya. "Pupunta ka sa bukid?"

Humalik siya sa pisngi nito. "Opo."

"Sino po siya?"

"Si Facundo 'yan. Boyfriend ko."

"Ah." Sari-saring uri katandaan na ang inuwi ng Lola niya sa kanila ng masali ito sa dating sites for widows. Halos hindi na ito umalis sa harap ng computer sa kaka-chat sa mga biyudo roon.

"May anak ako, hija. Lalaki. Guwapo. Sa una baka bentahan ka lang ng insurance pero magugustuhan ka rin no'n." sabi bigla ng matanda.

"Sige ho. Gusto ko nga ho ng insurance."

Pagkatapos niyon ay lumabas na si Lutgarda. Sana ay mahalata ng matanda na wala siyang interes sa anak nito sa sinabi niya. Nagdidilig naman ng halaman ang Nanay niya sa labas. Halata sa kilos nito na nagdadabog ito. Pang-limang beses na yata nitong diniligan ang mga halaman nito.

"'Ma, malulunod na iyang mga iyan."

"Naku, kesa pakisamahan ko iyang mga lalaki ng lola mo." binistahan siya nito. "Pupunta ka na naman sa bukid?"

"Opo. Hayaan niyo na si lola. Hindi pa kayo nasanay. Baka nga bukas, teen-ager ang iuwi niyan."

"Mamamatay ako sa sindak."

Natawa si Lutgarda at nagpaalam na rito. Lalakarin niya ang terminal ng taxi sa kanila na dadaan sa bukid na iyon. Doon kasi siya nagdo-drawing kapag nalulungkot siya. O nami-miss niya si Jed. Nadaanan niya ang bahay ng mga Robles.

Natalo na sa nakaraang eleksiyon si Konsehal Toto. Kaya madalas itong maglasing. Buti at hindi napabayaan ng mga empleyado nito ang kompanya. Minsan na itong lumapit sa kanya, amoy alak, pinipilit siyang ilabas si Jed. Gusto raw nitong mag-sorry. Ilang beses din siyang pinilit, hindi yata naniniwala na hindi niya rin alam kung nasaan si Jed. Sa huli ay sumuko na lang ito.

Invisible Man's Spellbound Heart (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon