CHAPTER 4

370 16 11
                                    

Ynah POV

Hindi ko alam kung sasabihin ko na ba o wag muna, mapag-kakatiwalaan ko naman siya ehh pero hindi pa siguro ako handa..

"Ahmm- sa-" itutuloy ko na sana pero..

"Ohh andiyan na yung inorder ko kain na tayo" biglang sumabat si Jun hayss buti nalang dumating si Jun..

"Ahh sige kain na tayo" sabi ni Jen pero nakatingin pa din siya saakin napayuko naman ako paano ko ba sasabihin sa kanya, wala talaga akong maitago sa babaeng ito dahil alam niya kung may problema o wala..

Kaya nga ako pumunta dito dahil sasabihin ko sa kanya, na gusto ko meron akong karamay kahit alam kong isang beses at huli na mangyayari yun..

Tahimik kaming kumakain at naiilang ako kay Jun dahil pasalit-salit ang tingin niya saaming dalawa ni Jen..

"Ano ka ba naman Jun kumakain tayo!" Inis na sabi ni Jen sa kanya naiilang din siguro siya..

"Nagtataka kasi ako sa inyong dalawa ehh kanina lang ang daldal niyo at lalo ka na akala mo may nakapasak na microphone diyan sa bunganga mo" natawa naman ako sa sinabi ni Jun habang nakatingin kay Jen..

"anong sabi mo? wow ahh hiyang-hiya naman ako sayo, kapal ng face nito." haha kung hindi ko lang alam na adik na adik si Jen sa kuya ko siguro iisipin kong gusto nila yung isa't-isa..

"Ahh kumakain kasi tayo kaya bawal ang maingay" alam kong hindi magandang palusot at alam ko naman na hindi siya maniniwala lalong lalo na si Jen..

Tumango nalang siya at nagpatuloy na kami sa pagkain. Pakatapos naming kumain umalis agad si Jun dahil may kailangan pa siyang gawin at alas-tres na ng hapon kailangan ko na ding umuwi dahil alam kong kahit wala sila mommy at daddy nandiyan naman sila kuya na nag-aalala din saakin..

"Bes yung sasabihin mo ano ba yun? Tungkol saan ba? Nasaan ka ba kagabi?" Sunod-sunod na tanong niya saakin..

Makikita mo talaga sa kanya na curious siya sa lahat ng bagay na nangyari...

"Ahmm ganito kasi yun bes, wag ka sanang mabibigla at please wala sanang makakaalam nito" kahit sana siya manlang mapag-sabihan ko..

hayss pwede ko naman kasing ilihim nalang ito pero sana kahit siya man lang..

"Sige basta sabihin mo saakin" seryosong sabi niya, wohh ang bigat ng atmosphere kanina lang ang green ko pa ngayon alaw na...

"Kasi kagabi bes hindi ko din alam kung anong nangyari basta nagising nalang ako na nasa ibang bahay na ako at ang masama nasa kama ako ng isang lalake" kita mo yung bigla sa mukha niya..

"Tsaka hindi ko alam na mangyayari yun dahil wala nga akong maalala" medyo naiipang akong sabihin dahil duhh hindi naman ito isang romacd story lang na mababasa mo lang sa libro o kaya sa website ehh at ngayon lang nag sink in saakin lahat na bakit nawala yun..

pero kanina hindi ko man lang naramdaman na mag-sisi pero alam ko na hindi tama..

Saating mga babae, yun yung pinaka-mahalaga na dapat ingatan natin..

"Sorry bes, kasalanan ko kasi kung hindi sana kita niyaya kagabi hindi sana mangyayari ito" naluluha din niyang sabi, madrama na kung madrama pero babae tayo ehh..

"Hindi ko naman masasabi na ok lang bes pero nangyari na ehh hindi nanatin maibabalik ang dapat lang natin gawin kalimutan" pilit na ngiti kong sabi sa kanya ngumiti din naman siya..

"Sino ba siya bes?" Pagkatanong ni bes saakin nun bigla ko nalang naalala si Jeydon, yung mala-anghel niyang mukha..

"Si Ken Jeydon Hernandez" diretso kong sabi sa kanya hindi ko alam kung bakit nabigla siya..

MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon