CHAPTER 14

317 10 5
                                    

Ynah POV...

Nagising ako dahil sa Tunog ng cellphone na nasa ibabaw ng cabinet ko...

Tumatawag si Jen, sinilip ko naman si Jeydon na mahimbing pa ding natutulog sa tabi ko habang nakayakap pa din saakin..

"Jen bakit?"tanong ko sa kanya sinilip ko naman yung orasan na nakalagay sa ding-ding..

Mahina lang yung boses ko dahil Baka magising si Jeydon..

Ala-siyete na pala hindi pa kami kumakain..

("Maaga ang pasok natin bukas, sasabay ka ba sa amin!") sinilip ko naman si Jeydon..

"Hindi na siguro bes sa gate nalang tayo mag-kita o kaya sa room nalang" Baka kasi magalit na naman si Jeydon..

("Ahh sige bes, excited na kasi akong pumasok ehh hihihihi") baliw talaga if I know gusto niya lang makakita ng mga lalake sa school..

"Hahaha sige na magluluto pa ako ng ulam namin" natatawa kong sagot sa kanya..

("Haha naku bes feeling asawa ka Ahh") hayss...

"Baliw sige na" binaba ko na yung tawag dahil mang-aasar Lang naman siya...

Aalisin ko na sana yung braso ni Jeydon na nakapulupot sa bewang ko Pero lalo siyang sumiksik saakin..

"Jeydon magluluto ako ng ulam natin, Hindi pa tayo kumakain" Sabi ko sa kanya pero hindi pa din niya inaalis yung braso niya saakin...

"Hmm mamaya na" mahinang sagot niya..

"Pero gutom na ako" humarap naman siya saakin at hinalikan ako sa labi tsaka ngumiti saakin...

"Ako na ang mag-luluto" napangiti naman ako sa sinabi niya...

"marunong kang mag-luto?" Ngiting Tanong ko sa kanya..

Hindi kasi halata sa kanya na marunong siyang mag luto ehh tsaka nakaka turn on sa lalake ang marunong magluto.

Gawain kasi iyon ng mga babae, Hindi naman siya mukhang bakla hahaha..

"Mahilig akong magluto kaya lang natigil na simula noong mag trabaho na ako.." tumingin naman ako sa kanya kita mo yung pagbago ng mukha niya..

"Hmm tutulungan nalang kitang mag-luto" masayang Sabi ko sa kanya hindi ko man alam yung dahilan kung bakit nalungkot siya at nahihiya naman akong mag tanong sa kanya...

"Hahaha sige na tayu na tayo" humabol pa siya ng halik saakin, baliw talaga ang isang ito hindi na nagtanda...

Tumayo na kami at dumiretso sa kusina..

Hindi ko alam Kung natutulungan ko ba siya dahil pinag-mamasdan ko lang siya habang nag-luluto..

Aminin ko na nakaka-akit siyang tignan habang naghihiwa ng mga sibuyas, bawang at kamatis...

Haha yun palang ang ginagawa niya pero ang hot na niyang tignan..

Napag-desisiyonan nalang namin na adobong Manok nalang ang lutuin Pero siya lang naman ang nag-luluto...

Tinignan niya ako at ngumiti sa Akin..

"Akala ko ba tutulungan mo ako" asar niya saakin..

"Huh? Oo nga sabi ko nga." Balik sa ulirat kong Sabi..

Hayss napag-hahalataan ako..

"Haha wag na ako nalang ipag-luluto nalang kita.." tawa niyang sabi sabay kindat pa, napangiti naman ako sa kanya..

Mukhang maganda ang mood niya ngayon..

Pinag-mamasdan ko nalang siyang mag-luto habang nakatalikod saakin dahil nakaharap siya sa may kalan..

MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon