CHAPTER 6

331 14 3
                                    

Ynah POV

Napunta ang tingin ko sa pinto ng may kumatok..

"Ynah! Tapos kana ba?" Hayss oo nga pala hindi ko nanaman siya sinunod..

Hayss panigurado paktay na naman ako sa kanya, bakit kasi kung anu-ano pa ang naiisip ko ehh napatagal tuloy ako..

Binuksan ko na yung pinto at bumulaga saakin ang inis na mukha na naman ni Jeydon..

"Ahmm hehehe sorry ang sakit kasi ng tiyan ko ehh" hayss nakakahiya ka Ynah sa daming dahilan bakit yun pa..

Kumunot naman lalo yung noo niya halatang hindi siya kumbinsidido..

"Ahh ehh halika na" hawak ko sa kamay niya at hinila na siya papunta sa table namin..

Nakakahiya na din kasi dahil marami na palang gagamit ng cr...

Nang makaupo na kami diretso lang ang tingin niya saakin at halatang binabasa niya ako..

"Ahmm pwede na ba natin pag-usapan yung sasabihin ko?" Tanong ko sa kanya, kailangan hanggat maaga pa sabihin ko na sa kanya..

"Ok" maikli na namang sabi niya at tumango pa..

"Hmm ganito kasi yun, yung nangyari saatin pwede bang" hindi ko matuloy dahil medyo nahihiya pa ako kapag binabanggit ko yung usapang yun..

"Pwedeng alin?" Nakakunot na tanong niya..

"Hmm kalimutannalangnatin" diretsong sabi ko at halatang hindi niya naintindihan dahil kung kanina ay nakakunot lang siya ngayon ay mukhang galit na..

"Liwanagan mo yung sasabihin mo para maintindihan ko" seryosong sabi niya hayss may magagawa pa ba ako..

"Hayss sige na nga, jeydon pwede bang kalimutan nalang natin yung nangyari at magpanggap na hindi nalang magkakilala.." Nakatingin lang ako sa kanya dahil gusto ko din makita yung magiging reaction niya..

"At bakit?" Hayss kailangan ko pa bang magpaliwanag

"Bakit hindi?" Hindi ko alam kung nagustuhan ba niya na binalik ko yung tanong niya o ewan..

"Gusto mong kalimutan at wag magpansinan napaka immature mo Ynah" medyo napatigil ako sa sinabi niya..

"Matanda kana hindi kana bata kalilimutan mo dahil maraming madi-disapoint sayo" paano niya nalaman yun?..

"Dahil isa kang inosente at responsableng babae" nakangisi niyang sabi saakin..

Paano niya nalaman yung tungkol saakin?

"Paano-" hindi ko natuloy yung sasabihin ko dahil sumabat siya..

"Wag mong isipin kung paano ko nalaman ang isipin mo kung paano natin ito maso- solusiyunan" kanina lang sinabi ko na gusto kong tumakas at takbuhan yung problemang ito pero ngayon binabaliktad niya ang kagustuhan ko..

"Pero bakit hindi nalang natin kalimutan sigurado naman akong may pamilya at may sarili kang buhay" desidido na kasi ako na wala nang susunod na magkikita pa kami...

"Ok fine, kung anong gusto mo susundin ko" hindi ko alam kung bakit nalungkot ako.

Ako naman ang may gusto nito diba, pero bakit parang nagkulang ako. .

"So ok na tayo?" Tumango lang siya, tumayo ako at dumiretso palabas sa coffee shop..

Hindi ko na siya nilingon dahil nalilito ako hayss nahawa na siguro ako sa kabaliwan niya...

Nandito na ako sa bahay pero hindi pa din natahimik yung isip ko..

Bakit ko ba iniisp ito tapos na, nasolusiyonan ko na i mean hindi ko alam kung solusiyon ba ito o tinakasan ko lang talaga yung problema ko..

MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon