CHAPTER 11

271 9 6
                                    

Ynah POV....

Kakatapos lang naming kumain ni Jeydon at nandun na siya sa itaas dahil may tumawag sa kanya...

Naghuhugas ako ng pinggan ng may yumakap saakin mula sa likod at napatigil naman ako...

"Tulog na tayo" aya niya saakin at nagtaka naman ako sa sinabi niya...

"Tatapusin ko lang ito at kung inaantok kana matulog kana sa kwarto mo" sabi ko sa kanya habang nakayakap pa din siya saakin, inaamoy-amoy naman niya ang leeg ko at ang tenga ko hindi ako sanay at medyo bago saakin ito kaya gusto ko siyang patigilin dahil din sa magulo...

Ang gulo bakit niya ba ginagawa ang mga ito...

"Nah, i prefer to sleep next to you" bulong niya sa tenga ko at medyo na kiliti ako sa ginawa niya..

"What? Bakit? Anong silbi ng kama mo, tsaka ayoko nga" sabi ko at haharap sana sa kanya pero hinigpitan niya lang yung yakap niya saakin...

"No more questions" yun lang ang sinabi niya. Kinuha niya ang kamay ko at binuksan niya ang gripo, hinugasan naman niya ang mga ito sabay harap niya saakin..

"Gusto ko nang matulog" Hindi ko alam pero ang cute niya..

"Teka, edi matulog ka" hinawakan niya ang bewang ko habang diretsong nakatingin saakin...

"Teka nga Jeydon, ano ba itong ginagawa mo?" Nakakapag-taka lang kasi kalilipat ko lang dito tapos ganito...

"May mali ba sa ginagawa ko?" hindi ko masagot yung tanong niya dahil pati ako hindi ko din alam..

May mali nga ba??

"Lets go" hinila niya ako hanggang sa makapunta na kami sa tapat ng kwarto niya papasok na sana kami pero hinatak ko yung kamay ko...

"Bakit kailangan kasama ako?" Tinignan niya lang ako at hinablot ulit ang kamay ko..

Nang nakapasok na kami hinila naman niya ako sa kama niya...

"Jeydon may kwarto naman ako at may kama din naman ako, bakit ko kailangan tumabi sayo?" Nakakainis sa lahat ng tanong ko wala man lang siyang sinagot ni isa....

"Dahil gusto ko" nagtataka naman akong tumingin sa kanya..

Tumabi siya ng upo saakin at hinawakan ang kamay ko...

"Ang gulo mo Jeydon" yun lang ang sinabi ko at humiga na sa kama niya dahil wala naman akong magawa Hindi ko naman siya matanggihan..

Hindi ko maintindihan yung sarili ko dahil hindi ko siya matanggihan..

Inangat ko yung kumot at itinaklob ko sa sarili ko...

Nagulat naman ako ng niyakap niya ako mula salikod..

"Hindi ko kaya" bulong niya saakin...

Aalisin ko na sana yung kamay niya dahil hindi ako komportable sa posisiyon namin pero masiyado siyang malakas para matanggal ko dahil hinawakan niya pa ang mga kamay ko habang nakayap pa din siya saakin...

"Ang alin?" Ang tagal niyang sumagot Kaya hinawakan ko yung kamay niya at humarap sakanya...

"Ang alin Jeydon?" Tanong ko ulit sa kanya..

"Hmm wala" sabi niya habang nagtititigan kami sa isat-isa..

Nakatingin lang ako sa mata niya dahil mukhang may problema siya..

Sumiksik naman siya sa saakin at isiniksik din niya yung mukha niya sa leeg ko..

Bago pala ang Lahat ng ito saakin pero bakit feeling ko ang saya?, bakit feeling ko komportable ako?, at bakit feeling ko gusto ko ito...

MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon