Chapter 9

61 4 0
                                    

Hindi ko namalayan ang oras. Nakatulog pala ako sa loob ng cafeteria. After my ah-what do you call that statement-to Shapin I run as fast as I could. It was my advantage because she couldn’t run very fast, so I went to where I intended to go.

“Jasmine! Jasmine Talle!”

Napatiad ako ng wala sa oras dahil sa matulis na tinig ni Megan. Ashley excitedly shook my shoulders and ruined my frizzy hair. I puckered my brow and gave them my boring stare.

“Bakit ba? Hindi niyo ba isinaisip ang kasabihang ‘lokohin mo na ang lasing huwag lang ang baging gising’?”

I yawned. Owh, hindi pala talaga ako hinabol ni Shapin dito.

“Excuse me. Ginising ka namin. Hindi ka nagising sa sarili mong sikap”

I sometimes don’t really understand Megan. She talked weirdly.

“Isa pa, okay lang na pag-tripan ang lasing at bagong gising ano, huwag lang ang babaeng nakasuot ng napkin”

Nagtawanan silang dalawa. Nahilamos ko na lang ang oily kung mukha ng aking mga palad. Okay, they’ve got a point. But can’t they see? Wala ako sa mood makipagbiruan.

Magtawanan kayo diyan, huwag niyo akong idamay.

“Jasmine!” sabay nilang tawag.

“Katabi niyo lang ako ano ba!” I rolled my eyes, I hope they didn’t see it.

“Mukhang matutulog ka kasi ulit eh”

“Ano ba kasi yun?”

“Halika bilis!”

Pilit nila akong pinatayo sa upuan at pakaladkad na iginiya pabalik sa Artist’s Haven. Seriously, ilang beses ba ako kailangang kaladkarin ng mga tao? The moment I realized they were dragging me too hard ay nasa building na kami.

Inilapit nila ang mukha ko sa bulletin board.

“Congratulations! Ikaw and official delegate ng year level natin para sa Literary Event!” tili ni Megan na hindi mapigilan ang sariling tumalon-talon, kasabay ng pag untog-untog sa ulo ko sa board. Buti na lang at gawa ito sa styrofoam, kung hindi ay ewan ko na lang. baka mukha niya iuntog ko.

Hear My VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon