Chapter 21

47 3 0
                                    

Nakabalik ako sa campus ng six pm sharp. Sina Samantha at Yvette ay nagsimula na sa pagpa-practice ng choreography. Actually, I just printed everything para wala nang magiging problema. I edited some parts, especially the romantic lines and tragic ending. The world's already full of tragedy, why not give Romeo and Juliet a second chance?

I ventured into the Hall with fast strides, with the thick paper in my tired hands. Chad approached me with a big smile on his face.

"On time ka mare ha? Very very rare of you" tinignan niya ang papel na hawak-hawak ko. Tinawag niya ang atensiyon ng lahat.

"Hear! Hear artists! Bumalik na ang ating Detention Sweetheart! And by the looks of it, tapos na niya agad ang script! Ang galing ng babaeng ito!" pumalakpak siya at tinapik-tapik ang balikat kong kumukurot pa rin sa sakit.

Nilaptan ako ng iba na mukhang excited sa balitang narinig. They looked like excited kids who thirsted for strawberry candies in a long time. Kinuha ni Merry and script at pinag-aralan 'yun.

"Whoah! You did this for two hours? Paano nangyari 'yun?" tanong niya sa akin na hindi makapaniwalang nasa kamay niya ang pag-asa ng Artist's Haven.

Actually, it took me two years to finish that. 

I smiled as a response. 

Nakiusyuso si Chad sa script at ngumiti. He must've caught something interesting because his eyes glinted humurously.

"Oh Juliet, you brought sunshine into my desolate life" humagikhik siya at tumingin sa akin.

"Oh Jesche you brought sunshine into our desolate Haven" sabay nina Merry at Chad ba halatang hindi sinasadya ang mga linyang 'yun. Nagkatinginan sila kapagkuwan ay tumawa na parang mga baliw. Napailing na lang ako.

"Akin na" agaw ni Samantha sa script "we still need to validate this up"

"Are you underestimating me Samantha?"

Sana maintindihan niya ang ibig kong sabihin, matagal ko nang napatunayan sa kanya na meron akong ikabubuga. Na kailangan niyang dumistansya sa akin kung hindi ay magiging katapusan na ng kanyang maliligayang araw sa AFA.

Kaagad nagbago ang kanyang ekspresyon.

"Hindi naman sa ganun Jesche. Nakasalalay sa script na 'yan ang pagkapanalo natin"

Hear My VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon