Chapter10

495 41 1
                                    

Tanghali na nang puntahan niya ang Don sa office nito salamat nalang talaga sa pagiging stalker ng kaibigan niyang si Frets at nalaman niya kung saan talaga naglalagi ang Don. May utang nga lang siyang paliwanag dito.
Nakalabas narin ang ama niya at nakabili narin sila ng gamot at ngayon ay nagpapahinga na.

Nandito siya ngayon sa harap ng napaka taas na building

Barber Building Corporation

Huminga siya ng malalim bago nagtanong sa unang guard na nakita niya.

"Manong guard gusto ko po sanang makausap si Don Barber"

"Bakit kaano ano ka ba ng Don iha?"

Magiliw namang sagot ng guard sa kanya.

"Wala po pero may pakikiusap lang po ako sa kanya manong guard maari ko po ba siyang makausap?"

"Naku ne ihahatid kita sa lobby ha? At sa receptionist kana magtanong"

"Salamat po manong guard".

Nakangiti niyang sagot dito. Hinatid naman siya ng Guard.

"Oh ma'am  Rita nagtatanong po kasi tong si ano nga pangalan mo iha?"

"Mary Dale po".

"Oo kung paano makakausap si Don Barber."

"Bakit ? May appointment kaba?"

Nakataas pang kilay na tanong nito. Kinabahan naman siya dahil sa hilasta palang ng mukha nito ay masungit na.

"W-wala po--".
"Oh wala naman pala hindi mo talaga siya makakausap ,  Hindi mo ba kilala ang Don? Isa siyang pinakamayaman na tao sa buong mundo at hindi siya nakikipag usap sa kagaya mo kaya umalis kan nakaka disturbo ka."

Binagsak pa nito ang hawak ng folder.

"Kahit pakisabi nalang po ang pangalan ko--".

"Ano bang meron sa pangalan mo? Manghihingi kaba ng tulong? Pakisulat sa papel ang pangalan mo at idadagdag ko sa mabibigyang tulong ng Don sa ngayon maari kanang umalis."

Ang tindi ng ugali nito bakit nalagay to sa front disk ?

Naiinis man ay pilit parin niyang naging mabait dito.

"Pero--".

"Manong guard sa susunod wag kayong basta basta magpapapasok Malay natin kung magnanakaw yan".

Nanlaki ang Mata niya.

Sumusobra na talaga ang babaeng ito! Akala mo naman kagandahan eh puro make up naman ang mukha maputi nga mukha ang itim naman ng leeg.

Nilait niya na talaga ang babaing ito pero siyempre sa isip lang.

"Hindi naman po siguro ma'am Rita , sige ihahatid ko nalang po ito sa labasan, halika na neng."

"Pero manong importante po talaga na makausap ko ang Don."

Naiiyak na siya ,

"Ehh wala akong magagawa neng SG lang ako dito ,Ayaw talaga ni ma'am Rita ehh napaka sungit hindi ko nga alam kung pano nasa front disk ang ganon ugali akala mo siya ang may ari. Nagsusungit kahit may bagong apply na babae".

Not a Cinderella StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon