chapter 16

480 39 3
                                    

Kanina pa siya tahimik habang nakikinig sa magulang niya at ni Edward na nag uusap tungkol sa nalalapit na kasal nila.
Gusto na niyang umuwi, kanina pa siya hindi pinapansin ni Edward, Simula nang dumating sila hangang sa mag hapunan na kahit magkatabi sila ay hindi siya nito tinatapunan ng tingin.

Ang sabi niya siya ang susundo sakin.

Napanguso siya sa naisip. Si manong Nonong kasi ang sumundo sa kanila.

Bat parang affected ka ha?
Hindi ahh!

Napabuntong hininga siya. Nang biglang tumunog ang phone niya.
May nag text. Kumunot and noo niya ng hindi naka register ang number na nagtext sa kanya.

(Hi)

Hindi niya ito pinansin , naglaro nalang siya sa cellphone niya nang bigla tumawag yung unknown number. Napatingin sa kanya ang lahat.

"A-ah ehh saglit lang po."

Paalam niya at agad sinagot ang tumawag.

"Hello ? Sino to?"

"Ouch ! That hurts Dale, its me Tanner"

"Ohh sorry hindi ka naman kasi nagpakilala agad."

"Well let's just say balak ko talagang etextmate ka."

"Sira! Napatawag ka?"

"Well I'm bored , bakit busy kaba?"

"Ahmm bored nga rin ako eh."

Bored at kanina pa siya hindi pinapansin ni Edward.

"Saan ka ba?"

Tanong ulit nito.

"Family dinner nga"

"Nang magiging asawa mo?"

Natawa siya sa Tanong nito.
Marami pa silang pinagkukwentuhan hangang sa tinawag na siya nang Ina niya.
Pagpasok niya ay nagkatinginan sila ni Edward,  kita sa Mata nito ang inis.
Na para bang may ginawa siyang kasalanan. Hindi niya na lang ito pinansin at tiningnan ang gown niya.

"Ang ganda po"

Pilit siyang ngumiti , naiilang siya dahil ramdam niyang tinitingnan siya ni Edward.

"Gusto mo ba? I'm sure you'll be the most beautiful bride Mary Dale."

Nakangiting wika ng Ina ni Edward.

"S-salamat po tita."

Nahihiya niyang sagot dito.

"What ? Cut that tita thingy Mary Dale , you can call me mama or mommy anything that makes you feel comfortable".

Nakangiti parin turan nang ginang.
Ngumiti lamang siya.

"How about you Edward"

Nakangiting Tanong nang lolo nito.

"Too sexy ,but its fine."

Maikling sagot nito, hindi man lang tiningnan ang damit.

"What!?seriously son? Too sexy parin to sayo? Akala ko ba this one is better after mong palitan nang ilang beses--"

"Mom I said its fine,"

Putol nito sa sinasabi nang Ina.
Nagtaka man ay di nalang niya ito pinansin.

Not a Cinderella StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon