Chapter 40

516 41 6
                                    

Inalalayan siya nito pababa ng private helicopter nito. Hanggang ngayon ay hindi parin siya makapaniwala na nakasakay na siya ng helicopter

Nang makalayo sa helicopter ay nilibot niya ang paningin sa buong isla. Yes po na sa LUCIANA B ISLAND po kami pinangalan sa butihing si Doña Luciana.

"Ang ganda!"

Tanging nasabi niya sa ganda ng lugar dati rati ay sa magazine niya lang ito nakikita at sa isang sikat na TV station ng ma feature ito.

"Talagang napakaganda."

Wika ni Edward kaya napatingin siya dito. Namula ang mukha ng sa kanya pala ito nakatingin.

"Let's go"

Nakangiting aya nito sa kanya. Sa dulo ay may malaking bahay parang mansion na rin siguro sa laki.

"Kumusta ho aling banny."

Nakangiting bati ni Edward sa caretaker.

"Naku señorito narito na pala kayo,"

Wika nito sabay yuko.

"Napakaganda naman po ng asawa niyo señorito. Welcome to LUCIANA B ISLAND Mrs Barber."

Namula siya sa sinabi nito.

"Salamat po."

"Naku señorito tamang tama nagluto po kami ng sinigang para sa tanghalian."

"Talaga?"

Siya na ang sumagot dahil paborito niya ito.

"Are you hungry wife ?"

Tanong nito na. Tumango naman siya kaya nag prepare na ang mga ito.

"Ilan sila dito ?"

Nang maiwan sila ay Tanong niya.

"Isang pamilya sila dito. Si aling banny at mang Luise kasama ng tatlo nilang anak na dalawang babae at isang lalaki."

"Mga anak niya ba yung kasama niya ngayon?"

"Hmmm yeah I guess..I mean I don't know them personally I just heard it kay Grandpa."

Nang maghatid ito ng pagkain ay tinanong niya ito.

"Anak niyo po ba sila aling Banny?"

"Ahh opo sa katunayan ay pinaabsent ko lang sila ngayon para salubungin ang pagdating niyo señorita."

Nakangiting sagot nito. Masiyahing tao si aling Banny.

Pagkatapos kumain ay nagpahinga sila saglit. Wala silang PSG ngayon tanging Driver lang nilang si Nonong nong Una ay ayaw pumayag ng matanda , pero kalaunan ay napapayag din ito ni Edward.

Nang lingunin si Edward ay tulog parin ito. Bumabawi lang siguro dahil sa pagod. Napatingin siya sa baba sa labas kung saan tanaw mula sa kwarto nila ang malinis na dagat. Gusto niyang maligo pero pano? Wala pala siyang dalang damit.  May nakita siyang cabinet kaya binuksan niya ito. Nagulat pa siya ng makitang kompleto pa ito, mula sa undies kahit sa pang tulog may two piece swimsuit din. Naisipan niyang mag bikini maligo, total private island naman ito. Isang black two piece swimsuit, pinatunga niya lang ito ng roba. Pababa na siya ng makasalubong niya ang panganay sa anak ni Aling Banny na si Kristine.

"Hi"

Nakangiting bati niya dito. Napairap naman ito sa kanya at bigla nalang siyang tinalikuran.

Hala bakit ganon.?

"Hello po señorita. Pasinsya na po kayo sa ate kung suplada."

Napangiti siya sa dalagitang lumapit sa kanya.

Not a Cinderella StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon