Chapter 35

551 46 19
                                    

Kinakabahan siya habang papasok ng RPU. Baka kasi may nakabasa kahit inalis na ito ng Don. Napatingin siya Kay Edward ng hawakan nito ang mga kamay niya.

"You okay?"

Nakangiting Tanong nito. Alanganing napangiti siya dito. Ginagap nito ang kamay bago hinalikan.

"Everything's going to be alright Dale."

Tumango naman siya dito. Hindi na nito binitiwan ang kamay niya hangang makarating sila ng RPU. Hanggang sa makababa na sila ay hawak parin nito ang kamay niya. Marami tuloy napatingin sa kanya nakita din niya ang pag irap ni Kitchie sa kanya. Kinakabahan siya na hindi niya maintindihan. 

"Hey it's okay "

Nakangiting hinawakan nito ang mukha niya. Kaya napangiti siya. Kinikilig siya lalo sa mga sweet gestures nito. Nang may tumawag dito bigla, si grandpa. Kaya sumenyas siya na mauuna na siya at tumango naman ito.

Habang mag isa papunta sa kanyang room ay bigla nalang siyang hinarangan ng grupo ni Kitchie.

"So here comes the bitch!"

Nakangising wika nito , tawanan naman ang mga kasama niya.

"Anong kailangan mo, ayaw ko ng gulo Kitchie."

Nagtangka siyang umiwas dito pero hinarangan siya ng mga alipores nito.

"Well ako gusto, anyway who's that guy?"

Nakangising Tanong nito sa kanya.

"Hmmm lemme guess? Your lover? Your other man? Kabit? Boyfriend?"

Nang uuyam na wika nito sa kanya.

"Hindi mo alam ang buong pangyayari kaya wag kang magsalita ng kung ano ano!"

Madiing wika niya dito na ikinatawa ng buong Pokemon, dahil mukha silang Pokemon.

"Oh really? Tsk! Sarreyy! Masyado kasi akong updated kaya nakita ko bago paman magawan ng paraan ng Don Barber."

"Oh I was thinking ,hmmm is he good in bed?"

Nagtawan ulit ang mga ito. Huminga siya ng malalim bago sinubukan muling iwasan ito.

"Not so fast honey"

Wika ni Kitchie sa kanya hawak hawak ang kangang kamay kaya agad niya ito inalis.

"Pwedi ba kitchie! Wala akong ginagawang masama sayo! At sa pictures na yun hindi mo alam kung Anong totoong kwento non! Palibhasa kahit ano nalang makita niyo binibigyan niya ng kahulugan!"

"Ahh talaga lang ah, alam mo? Magpasalamat ka at pwersahang  dinelete ni Dad ang pictures kasama ng kabit mo dahil kung hindi? Naipost ko na sana sa RPU account. Ang galing din naman kasi ng mga Barber's ehh, takutin ba naman kami na mag pupull out pag isa samin naglabas ng malanding pictures mo? Hah! Tinakpan pa talaga ang baho mo ehh ano?"

Namumula ang hugis mangga nitong mukha pagkatapos sabihin yun. Natigilan din siya sa nalaman, nagawa  ng ganon ang Don dahil sa kanya , para protektahan siya.

"Tumigil ka na Kitchie, wala kang mapapala sa kakaaway sakin"

At akmang aalis ng bigla nitong hilahin ang buhok niya at binagsak siya nito , mas malaki ang katawan nito kumpara sa kanya , mas matangkad nga lang siya dito. Dahil narin sa tindi ng inis na naipon niya ay hinila niya ang buhok nito. Hinila niya ito pababa at sinakyan habang hinihila parin niya ang buhok nito. Nagulat siya ng tumulong narin ang mga kasama nitong Pokemon.Napisagaw nalang siya ng sabay siya ng mga itong sabunutan.

"Huh! Ang kapal ng mukha mung labanan ako? Mag isa ka lang gaga!"

Sinampal siya nito ng ilang beses. Dumugo na ang labi niya dahil nasugatan na ito.

Not a Cinderella StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon