Chapter 26

510 42 6
                                    

Araw ng sabado kaya maaga siyang nagising wala narin si Edward sa tabi niya . Agad siyang nag ayos at excited na siyang makita ang magulang at kapatid. Kunti lang ang dala niyang damit at uuwi naman siya sa lingo. Pababa na siya ng hadanan ng may makitang maleta.

"Good morning miss Dale ,ready na po ang breakfast"

Bati sa kanya ng butler niya. Ngumiti naman siya at sumunod dito.
Kompleto lahat ang tao sa bahay. Nagbatian muna bago siya umupo.

"Your excited to see your family ?"

Nakangiting Tanong ni Granny sa kanya.

"Opo Lola sobrang miss ko na po sila."

Nakangiting sagot niya.

"And you will see them today, at malamang excited din silang makita ka."

Ngumiti siya sa mama ni Edward dahil sa sinabi nito.

"Eheem"

Napalingon siya Kay Edward ng fake cough ito. Pero hindi naman ito nakatingin sa kanya kumakain lang ito.

"Ohh I forgot Dale ,kasama mo pala si Edward."

Napalingon siya sa ama ni Edward dahil sa sinabi nito.

"P-po?"

"Yes iha, nasa pamilya na namin na kapag ikinasal ang anak naming lalaki a week after ng kasal ay kailangan mag stay ng lalaki sa bahay ng asawang babae para makapag silbi" (uyy ako lang may sabi nun ahh he he)

Napatingin siya Kay Edward dahil sa sinabi ng Don. Wala man lang reaction.

"A-ah E-eh ganon po ba."

Alanganing sagot niya dito.

"Para yatang ayaw mo?"

Wika ni Edward, pero sa pagkain parin ito nakatingin.

"Hindi ah! Anong ayaw !"

"Tsk! I feel it"

Nakamaang sa kanila ang matatanda.

"Ikaw talaga syempre gusto ko biruin mo yung magsisilbi ka samin"

Ngumiti pa siya dito ng matamis. Hindi pa siya na kontinto at sinipa niya ito sa paa.

"Tumigil ka nga sa mga pinagsasabi mo! Tatamaan ka talaga sakin mamaya."

Gigil na bulong niya pero nakangiting humarap sa mga nakakatanda. Nakita din niyang ngumisi si Edward.

*****

Sinalubong agad sila ng magulang niya at kapatid, pati yata buong baranggay kaloka ang nanay niya.
May patarpulin at pakain si mayor. Haha

"Welcome Home Mr and Mrs Barber!"

Sabay sabay na wika ng buong barangay (charing!) Kasama ng magulang niya. Kita niya ang gulat at ngiting alanganin ni Edward hindi malaman kung Anong magiging reaction.

"Ahh Edward halika gusto mung kumain? Nagluto talaga kami para sayo Sana magustuhan mo."

Nakangiting wika ng nanay niya at hinila si Edward sa mesa.

"Kay Edward lang ma? Pano naman ako?"

Nakangusong Tanong niya.

"Naku anak! Kasali ka kaya lang alam mo naman na dito kaya kumuha ka nalang kung gusto mo."

Wika nito sabay talikod at inasikaso si Edward. Ngumisi naman ito sa kanya at mukhang tuwang tuwa sa pag aasikaso ng magulang niya, kaya inirapan niya ito. Sinabi na din ng Lolo na walang maid,driver at butler maliban nalang sa PSG nila ni tig iisa pero sa malayo lang sila babantayan.

Not a Cinderella StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon