Athena's POV:
"Andito ka na naman?"
"Sabi ko naman sayo diba? Hanggat di ka pa gumagaling, babantayan kita." Sabi sakin ni Kiefer na ngayo'y nasa unit ulit namin.
Week days na naman kasi kaya naiwan na naman akong magisa rito, dahil di pa ako nakakalakad ng maayos dahil sa fracture ko.
"Bakit ganiyan ka?" Naiinis na tanong ko sa kanya.
"B-bakit? Anong ginawa ko?" Nagtatakang tanong niya.
"Bakit ganiyan ka? Bakit inaalagaan mo ako? Bakit binabantayan mo ako?" Dagdag ko.
"K-kasi nga diba s-sabi ko sayo na liligawan kita kaya heto ako ngayon, binabantayan at inaalagaan ang magiging future girlfriend ko." saad niya habang nakatingin sakin.
"Yun nga eh, bakit gusto mo akong ligawan? eh hindi naman ako kamahal-mahal eh, isa akong lampang babae, idiot at maraming coins sa paa, bakit ako pa gusto mong ligawan eh marami namang nagkakandarapang babae diyan na mas magaganda pa sakin." this time di ko na mapigilang maluha dahil sa mga sinabi ko.
Naiinis na kasi ako, mamaya trip niya lang ako, mamaya iiwan din pala niya ako pag naging kami man.
"Hala? bat ka umiiyak Athena? may nasabi ba akong masama?" nagtatakang tanong niya.
"Nakakainis ka!!!" pinaghahampas ko siya ng unan dahil sa halo-halong emotion na nararamdaman ko.
"Nababaliw ka na ba, Athena?" di ko siya pinapakinggan patuloy parin ako sa paghampas sa kanya. "ATHENA! ANO BANG PROBLEMA MO? BAT MO AKO HINAHAMPAS? AT BAKIT KA BA UMIIYAK?" this time hinawakan na niya mga braso ko para pigilan ako sa paghampas sa kanya.
"NAIINIS AKO SAYO KASI PA-FALL KA!"
"Handa naman akong saluhin ka eh."
"Naiinis ako kasi tanggap mo ako, kung ano at sino ako."
"Kasi gusto kita at handa kitang mahalin."
"Natatakot ako na baka pag sinagot kita, iiwan mo rin ako kagaya ng mga napapanood ko sa movies, natatakot akong mahalin ka, kasi kung tutuusin di naman ako karapat-dapat sayo." sambit ko sa kanya habang humahagulgol na sa iyak.
Niyakap niya ako ng mahigpit "Huwag kang matakot, my love for you is true and please trust me." bulong niya sakin habang nakayakap parin.
Pagkarinig ko nun automatic nalang na gumalaw ang mga kamay ko para gantihan siya sa pagkakayakap.
____________________________Kurt's POV:
"Kinakabahan ako Kurt." sabi ng katabi ko. Ngayon na kasi yung practicum namin sa MAPEH.
"Huwag kang kabahan, nagpractice naman tayo eh, just trust to yourself and to me, okay?" pangche-cheer up ko sa kanya.
She can do it naman eh, nagandahan nga ako sa boses niya nung una ko itong napakinggan atsaka yung blending naming dalawa maganda naman kaya tiyak na kami ang magiging highest sa practicum na ito.
"It seems that you are ready to our practicum for today, so before we start I will tell to you firts the criteria for this practicum...
Rubric for Singing Performance
Posture- 20%
Projection- 20%
Blending- 20%
Tone Quality- 20%
Diction- 20%for the total of 100% so good luck guys, kung sino man ang makakakuha ng highest score exempted na sa prelim examination."
pagkasabi ni ma'am nun, naghiyawan naman yung mga kaklase namin, yung katabi ko parang nagdadasal na sa sobrang kaba hahaha.
Kaya hinawakan ko yung mga kamay niya para pawiin yung kaba niya. Tinignan niya lang ako ng nagtataka look dahil sa ginawa ko. "chillax ka lang okay? minimize your nervous mas lalo kalang madedehado kapag kakabahan ka."
"S-sige, t-thank you." pagksabi niyang yun, nahalata kong di na siya masyadong nanginginig. "f-first time ko kasi na magpeperform sa harap ng maraming tao k-kaya kinakabahan ako." dagdag niya.
Naisipan kasi ni ma'am na iperform namin yung practicum sa kanya dito sa gym kaya for sure na maraming studyanteng manonood samin.
"Again trust me and yourself, maganda ang boses mo sa katunayan nga pwede ka na sa glee club eh." sabi ko sa kanya na siyang ikinatawa niya. "Sira!" natatawang sabi niya.
"Huwag ka ngang tumawa diyan nagsasabi ako ng totoo." naiinis na sabi ko.
"Oo na, basta gagalingan ko para di na tayo magprelim exam at mabawasan ang rereviewhin nating subject." sambit niya kaya nginitian ko lang siya at nanood sa nagpeperform na ngayon.
BINABASA MO ANG
The Four Nobody's and The Campus Kings
General Fiction[ON-GOING] Fionah Aira Costales, ang pinakamataba at matakaw sa apat, pagdating sa pag-kain wala siyang inuurungan. Natasha Marie Salazar, ang "Betty La fea" ng grupo walang inatupag kundi mag-basa ng mga libro, mag-aral at manang kung manamit. Athe...